Kathryn's POV
Pagpasok palang namin parang namangha naman yung dalawang toh yung private room kasi namin parang condo may dalawang bed na queen size may kitchen, cr at isang Malaking flatscreen tv..."Wow parang condo lang ah astig!" Sabi ni Dj
"Oo nga ang cool..." Diego
"Thanks..." Sabay naming sabi ni julia....tapos dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng drinks kinuhanan ko na rin sila juls at pumunta na rin sa sala at umupo sa tabi ni DJ andito kasi kaming lahat sa sofa...binigay ko na rin sakanila yung drinks nila at nagpasalamat naman sila tapos naguusap nalang kami may pa getting to know each other pa kasi tong si juls
"Uhhhmm Kath kung hindi mo mamasamain bakit ang cold ng trato mo sa iba at bakit takot sila sayo?" Biglang tanong ni Daniel kaya napatingin sila sakin
"A-ah a-ano kasi daniel--" pinutol ni diego yung sasabihin ni julia siguro gets niya na ayaw kong pagusapan nagtitigan kasi sila eh hahaha...
"Ah kung hindi mo sagutin ok lang..curious lang naman kami..hehehe" sabi pa ni diego.....
"Uhhm ok lang nagsimula toh nung ...."*FLASHBACK*
5 years ago"Mommy can we go to the park please?" Sabi ko sa mommy ko gusto ko kasing mamasyal ngayon eh pero hindi naman ako pinapayagan ni dad dapat daw nasa bahay lang ako kaya palagi kaming nagbabasketball ni khalil siya yung twin brother ko.. Wala sila ngayon ni daddy umalis kasi sila kaya nakikiusap ako kay mommy
"But chandria bawal kang lumabas sabi ng daddy mo diba?" Sagot ng mommy ko
"Mommy minsan lang naman po eh at hindi nga po ako pinapalabas ni daddy diba kahit sa park lang kaya please? Mommy please?" Sabi ko at nagpuppy eyes pa.. I know she can't decline me
"*sigh* ok. Pero sandali lang ha? Maya maya nandito na yung daddy mo." Sabi niya kaya napa yes ako...
"Thank you mommy let's go na po?" Tanong ko...tumango lang naman si mommy at naglakad na kami papuntang park malapit lang naman kasi yun dito eh....
Nandito na kami sa park...ang saya ko nga eh kasi ngayon lang ako nakalabas naglalakad lakad lang kami ni mommy sa park ng may tumigil na sasakyan sa gilid namin ni mommy at may lumabas na lalaking may baril at kinuha ako nagpupumiglas ako pero ang lakas niya nagkakagulo nadin yung mga tao dito sa park......sinusubukan akong kunin ni mommy pero tinulak siya ng lalaki pero tumayo ulit si mommy at akmang lalapitan niya ako ng barilin siya ng lalaki kaya dun tumigil yung mundo ko
Dali dali akong pumunta kay mommy at niyakap siya....Ang narinig ko nalang eh yung mga pulis na dinadakit yung mga lalaki at may biglang tumatakbong dalawang lalaki papunta sa direksyon kung nasan ako at si mommy pagtingin ko si daddy at Khalil.... Tinulak ako ni Daddy kaya napahiwalay ako kay mommy binuhat niya si mommy papunta sa ambulance na kararating lang at naiwan ako ditong duguan lumapit si daddy sakin at hinila ako ng marahas
"DIBA SINABI KO SAYONG WAG KANG LALABAS NG BAHAY?! HAH!?! TINGNAN MO ANG NANGYARI! PAGMAY NANGYARING MASAMA SA MOMMY MO HUMANDA KA SAKIN CHANDRIA!" Sigaw niya sakin
"D-dad s-sorry p-po..*sniff* *sniff* hindi ko po sinasadya.." Natatakot kong sambit sakanya
"HINDI MO SINASADYA?! HAH?!? KUNG SANA NAKINIG KA SAKIN DI SANA HINDI MANGYAYARI TOH!" Huli niyang sinabi bago iniwan akong luhaan
"You deserve that.." Sabi pa ni Khalil bago sumunod kay daddy......naiwan ako dito sa park at hapon na din pala...
"Uhhm ok ka lang?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng lalaki mga ka-age ko din....
"H-hindi, h-hindi ako o-ok *sniff*" sabi ko umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.....tinabihan niya ako at pinunasan yung luha ko
"Uhhm wag mo sanang masamain, pero ano bang nangyari? Bakit ka umiiyakk at puno ng dugo?" Tanong niya
Kaya kinwento ko lahat sakanya di ko Alam pero ang gaan ng loob ko sakanya...
"Hala! Grabe naman yun! Ikaw? Nasaktan ka ba?" Umiling ako sa sinabi niya
"Ok lang ako, pero yung mama ko...... Di ko alam" sabi ko at tumulo nanaman yung mga luha ko
"Sshhh siguro nadala lang ng pagaalala sa mommy mo yung daddy mo kaya nasabi niya yun at nung kapatid mo.." Sabi niya
"Salamat ha..kahit papano napagaan mo yung loob ko.." Sabi ko....ngumiti nalang siya sakin....
"Tara na? Uwi ka na maggagabi na oh..." Sabi niya habang tumatayo inalalayan niya naman ako patayo...
"Sige salamat uli ha? " sabi ko at yumakap sakanya nagulat siguro kaya hindi siya nakagalaw tapos nun tumakbo na ako papunta sa bahay.....
Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si daddy at khalil sa sala kinakausap ni daddy si nanay Beth... Dediretso na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong may maleta sila.... Kaya dali dali akong pumunta sakanila.....
"D-daddy? A-aalis p-po ba k-kayo? *sobs* D-daddy w-wag niyo n-naman po a-akong iwan oh *sobs* k-khalil, d-daddy s-sorry na p-o p-please.." Pero hindi nila ako pinakinggan at tuloy tuloy na pumasok sa kotse hanggang sa labas sinundan ko sila at patuloy parin na nagmamakaawa na wag nila akong iwan pero hindi nila ako pinapansin pinipigilan pa ako ni nanay beth nung makaalis sila humagulgul na ako ng iyak at niyakap nalang si nanay beth..
*END OF FLASHBACK*
"Tapos yun hanggang sa hindi na sila bumalik kaya hindi na din ako umasa simula ng iniwan nila ako kinalimutan ko na din may tatay at kakambal ako...." Napansin kong ang lungkot nila hindi ko din namalayan na may isang butil ng luha ang pumatak galing mata ko kaya dali dali ko itong pinunasan......
"Ano ba kayo guys past is past wag na nga kayong malungkot parang kayo naman yung namatayan eh hahaha...anyways galingan niyo mamaya sa try outs ha?" Sabi ko to lighten up the mood
"Oo naman gagalingan talaga namin.." Sabi ni daniel habang nakangiti...di ko alam pero napangiti din ako... Maya maya pinatawag na din ako ni coach dahil magsta start na daw....
"Ah sasabay ba kayo? Dj and Diego? Magst-start na din kasi yung try outs..." Tanong ko sakanila
"Ah oo sige..." Sagot ni daniel
"Hhmm sabay na din ako sayo bes i'll check on the cheerleaders..." Sabi ni julia tumango naman ako at sabay sabay na kaming lumabas at pumunta na nga kami sa basketball court pinagtitinginan nga kami eh dahil may kasama siguro kaming bago....
~~~~~~~~~
Sorry po kung lame yung story ko.... Sorry din po dahil hindi ako nagu-update kadalasan.... Pocket wifi lang po kasi gamit ko eh... Hehehe ✌️