"Anong nangyare? bakit biglang umiba ang ihip ng hangin? bakit bigla nya lang ako iniwan? grabe, ang sakit. ang sakit sakit. haaay, bakit nga ba ganito ang pag-ibig. ito ang nagbibigay ligaya ng lubos lubos ngunit ito rin naman ang nagbibigay sakit. kung kailan sigurado ka na, tsaka ka iiwan. kung kailan ibinigay mo na ang tiwala at pagmamahal mo sa isang tao, tsaka ka nila iiwan. bakit ganun? minsan nga na tanong ko sa sarili ko, ano bang nagawa ko sa kanya. pangit ba ko? manang? amp. siguro hindi lang nya ako mahal dahil kung mahal nya ko, hindi sya gigive-up sa relasyon namin kahit anong mangyari. palagi nyang sinasabi na MAHAL daw nya ako kahit hanggang ngayon. hindi ko na talaga alam kung dapat pa ba akong maniwala sa kanya o hindi na. pero inaamin ko, MAHAL NA MAHAL ko pa rin sya. i just cant let him go and i dont know why. maybe there's just no easy way to break somebody's heart. araw-araw ko pa ring tinitignan ang kanyang Facebook Profile, araw-araw akong umaasa at naghihintay sa kanyang text at araw-araw ko pa din syang hinahanap-hanap sa school at nagbabakasakali na kausapin nya ko ngunit sa tuwing nakikita ko siya, mas lalo akong nasasaktan. dun ko kasi na-rerealize na wala na talaga, na ang taong palagi kong kasama noon ay hindi na sakin ngayon. sobrang nasasabik na talaga ako sa kanya. sa mga kakulitan niya, sa sweetness nya at yung presence nya. wala ng bumabati sa akin sa umaga at nag-papaalam naman sa gabi. yung feeling na sa tuwing nakikita ko siya, ang gusto ko lang gawin ay yakapin siya at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. iba kasi ako magmahal e. kung mahal ko ang isang tao, talagang mahal na mahal ko siya at kung ayaw ko naman sa isang tao, ayaw na ayaw ko talaga. kaya po siguro napaka-hirap para sa akin na mag move-on. siguro ganito lang talaga pag nagmamahal ang isang tao, grabe din kung masaktan. yun bang pag iniwan ka ng taong mahal mo, nakakalimutan mo na may isang bilyon pang lalake sa mundo. hindi ko naman inili-limit ang sarili ko sa kanya. alam ko na kahit hindi ko ito gusto, nangyari ito dahil may rason. mahirap pero kailangan ko lang tanggapin na hindi kami sa isa't isa.
Akala ko sya na. akala ko iba siya. at higit sa lahat, akala ko totoo siya yun pala hindi. ayaw ko naman maging man hater pero sawang sawa na talaga ko. palagi nalang ako ginaganito ng mga TAONG MAHAL ko, palaging iniiwan. hindi lang naman sa mga taong naka-relasyon ko, pati rin ng mga taong nasa paligid ko. may bestfriend ka nga, iniwan ka naman. marami ka ngang kaibigan pero hindi mo alam kung sino ang tunay at hindi. yung feeling na mag-isa ka sa mundo. na kapag may problema ka, wala kang mapag-sabihan. kung may dindamdam ka, wala kang madamayan. na kapag hindi mo na kaya, wala kang ibang magawa kundi umiyak ng umiyak mag-isa at sasabihin sa srili na ayos lang ang lahat. saklap noh? yun din po siguro ang dahilan kung bakit hindi ako marunong mag-express ng feelings at magaling mag-pretend dahil wala naman akong ine-expressan nito. yun bang gustong-gusto mong ilabas lahat ng hinanakit mo pero parang walang handang makinig sayo. tuwing may problema ako, ang magagawa ko lang ay tumawa sa harap ng mga tao at itago ang nararamdaman. hindi dahil gusto ko lang, kundi dahil yun yung dapat kong gawin. ang hirap kasi magmukhang tanga. hindi naman ako masamang tao pero bakit wala akong masyadong kaibigan. totoo nga pala ang kasabihan na walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo lang.
Pero sino ba ako para hindi maging masaya? ang mga batang kalye nga e, kahit walang ng matirahan at makain nagagawa pa din nilang tumawa, ako pa kaya. minsan kahit gaano man ka-bigat ang mga problema natin, wala tayong karapatang maging malungkot. kailangan lang natin tumingin sa ating paligid and be thankful sa mga lahat ng blessings na ibinibigay ni God. dapat nating tandaan na everything happens for a reason. we should take every obstacles in life as a challange, not a problem whatever it may be. hindi ibig sabihin na iniwan ka ng isang tao, eh wasak na ang mundo mo. siguro hindi lang talaga kayo itinadhana sa isa't isa at baka hindi pa dumarating at taong nakalaan para sayo. smile though your heart is aching, smile eventhough its breaking. you'll find that life is still worth whil if you'll just smile :)"
- Sharah Cruz