Kabanata 17

8.4K 229 10
                                    

Fault

"Si Zeke ba yan?" Ela keep on whispering  while we're on the road to Manila. And as usual mainit at traffic ang nabungadan namin kaya't inip na inip kami habang bumubusina sa daan si Ela.

Mga isang oras yata kaming hindi umusad kaya nakatulugan ko. Nagising lamang ako nang naramdaman kong tinatapik ako sa pisngi ni Ela.

"Labas ka na dyan, naiinip na yung kambal ni Papa Zeke." Bulong nya. Inirapan ko na lang sya.

"He's not Zeke's twin alright?" Napailing lang ito at isinara agad ang pinto pagkababa ko ng kotse.

"Seryoso ka masyado buntis. Baka nakakalimutan mo kailangan mo na rin pong magpa check-up." Napalingon ako sa kanya pero inakbayan na lamang niya ako at inakay papalapit kay Gaston na nakatayo lamang sa harap ng St. Lukes.

"Artistahin din sya a." Komento na naman ni Ela habang naglalakad kami sa corridor.  Well actually she's whispering.

" Bakit mo naman nasabi?" Bulong ko pabalik at umiwas sa paparating na nurse na muntik na mabunggo dahil nakatunganga sa harap namin.

"See? Pati bakla nagdu drool sa kanya." Parang kinikilig na sabi ni Ela, napailing na lang ako at kinapantay sa paglalakad si Gaston at inabot sa kanya ang shades na galing sa bag ko.

"Suot mo, napagkakamalan kang si Zeke." Bulong ko pero hindi nya iyon tinanggap.

"Hindi na kailangan malapit na tayo sa room ni Lolo." Napailing na lang ako at ako na mismo ang nagsuot sa kanya.

"Mas mabuti na iyong nagiingat ka." Bulong ko at hinigit sya para sa mas mabilis na paglalakad. Sumunod na lang si Ela na ngingisi ngisi.

Pagkakatok namin sa kwarto ni lolo ay agad na bumungad sa akin ang kumpol ng mga pinsan ko sa kama ni lolo.

"Pa." Agad akong nagmano kay Papa at lumapit kay Lolo. Agad namang napatingin sa akin ang mga pinsan ko na nakapalibot kay lolo. Nagbigay daan sila sa akin.At halos magulat ako nang makita kong nakadilat si lolo at ngiting ngiti. Agad ko itong niyakap.

"Oh my! Bakit hindi nyo agad sinabi sakin?" Gulat kong niyugyog ang pinsan kong napapailing sa reaksyon ko. Agad hinanap ng mata ko si Gaston pero wala na ito.

"Nasa labas ayaw pumasok." Napatingin lahat kay Ela.

"Sinong nasa labas?" Sabay sabay pa nilang tanong.

"Saglit lang po lo." Sabi ko at lumabas sa kwarto. Saktong paglabas ko ay nakita kong aalis na sana si Gaston na agad ko namang pinigilan.

"Saan ka pupunta?" Napatigil sya at napalingon. Malungkot ang kanyang ekspresyon.

"Gising na sya diba?" Napakunot noo ako. "Iyon naman ang habol ko dito ang malamang maayos na sya." Napailing ako.

"Sa tingin mo sapat na magising lang sya?"

"Kaklangan nya ng presensya mo. Kailangan ka nyang makausap Gaston. Please huwag kang duwag."

"Hindi ako duwag. Hindi ako kailangan ni lo---"

"Apo?.." napatingin kaming dalawa sa likod at nandoon si Lolo na naka wheel chair habang tulak tulak ni Papa.

Parehas silang nanlalaki anb mga mata gayundin si gaston.

" Apo ko!" Pinilit tumayo ni Lolo ngunit mahina pa ang mga tuhod nito at tingin ko ay may paralisadong parte ng kanyang katawan.

Kaya naman agad kong itinulak si gaston papalapit kay Lolo. Kitang kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay nang yakapin niya si Lolo Marty. He looks fragile, they look warm. Halatang miss nila ang isa't isa sa higpit ng yakap.

That Guy is my Husband IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon