1. Comfort Food

13 1 0
                                    



Zoey's POV







"That's all for today class. Don't forget to answer your homeworks okay? See you tomorrow. Bye," inayos ko ang gamit ko bago lumabas ng classroom.


I looked at my wristwatch. 4pm pa lang. Dadaan pa ko sa bookstore para bilhin yung book 2 ng story na sinusubaybayan ko.





I'm almost halfway palabas ng gate ng makita ko si Josh. My ex-boyfriend. With his new fling, si Andrea.





Hindi ko sya papansinin dahil maiinis lang ako. It may sound bitter, pero yun ang nararamdaman ko. Nilampasan ko lang silang dalawa.




"Ooh, ikaw pala Zoey? How are you? Blooming ka ah. I guess naka moved on ka na?" Natigil ako sa paglalakad. Psh. Hindi nya ba talaga ako titigilan?




Hinarap ko sya at ngumiti.




"Ikaw pala Andrea at ow, hi Josh," bati ko sa kanila. I'm widely smiling kahit na sa loob loob ko, I want to kill them both.




"Yes, kami nga," sagot nung bruha.





"Mm. Ayos naman ako, kayo?'' Tanong ko.






"Maayos na maayos," sagot nya at kumapit pa sa braso ni Josh. Ang gago, nakatingin lang sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya.




"If you don't mind, mauna na ako. May bibilhin pa kasi ako. Bye," sabi ko at tumalikod. Pero talagang may sa imbyerna ang babaeng 'to.




"Ganun ba? Nasasaktan ka sigurong makita kaming magkasama. I understand naman," sagot nya pa at ngumiti.





"Andy tama na," bulong sa kanya ni Josh. Psh. Andy-whatever.





"Why? I'm just stating the fac---"




"Oo. Nasasaktan nga akong makita kayo......
























Kasi diba ang tarsier nasa Bohol? Bakit nandito ka? Kung makalinkis ka dyan para kang malalaglag sa puno. Alam mo na, baka endangered species na ang Tarsier. Ang sakit lang nun para kay Inang Kalikasan," sagot ko at ngumiti. "So, una na ko ha? Bye," tsaka ako naglakad palabas.






Sira na ang mood ko. Tsaka na lang ako dadaan sa mall. Psh.





Pumunta na lang ako sa park tsaka naupo sa isang bench. Naluluha na naman ako. I hate this. I hate myself! I'm so crazy. So naive.








Josh. He's my ex-boyfriend. It was our one year anniversary last June 18. Sakto, first day of class. One month ago. I don't have any gifts for him except my good news. Nag enroll ako sa school nya. Which is my school now. East High. Hindi nya alam that I tranfered kasi nga it's my surprise. Pero guess what? Ako yung nasurprise.






Pagkapasok ko sa bagong classroom ko, which is His also, dala ko ang binake kong cake at cookies para sa kanya. Nagulat ako kasi may design yung classroom.




Pink ballons sa sahig, pink roses, pink lights. My favorite color. Sabi nung classmate ko, may surprise daw yung cladsmate namin para sa girlfriend nya. First monthsary daw nila.



I smiled. Ang cute kasi nung surprise nya. Nakakainggit. How I wish isurprise din ako ni Josh ng ganun.





Sa gitna sa unahan, nakatayo yung babae. May hawak syang bouquet of pink roses. Mukhang sya yung babae.




Nag simulang tumugtog yung music. At may lalaking kumanta mula sa likod.




Nahaharangan sa nung mga classmates namin kaya di ko maaninaw.






What would I do without yours wide mouth,
Driving me in and you kickin' me out.






Teka.... that voice. I know that voice.




Pero no, imposible.




I smiled and watched the girl infront cry.











But my smile fade away.














It's Josh. My Boyfriend. Who was singing, and now kissing that girl infront.






Pakiramdam ko, tinangalan ako ng kaluluwa. Napako ako sa pwesto ko. I can't move. Nagsimulang malaglag ang luha ko, this can't be.







"Hey, why are you crying? Okay ka lang?'' Tanong nung babaeng katabi ko.



Agad kong pinunasan ang pisngi ko.



"H-ha? Ah ano... okay lang ako. Wait lang ah, c.r lang ako," paalam ko at tumakbo palabas ng room.






May nakabangga pa ako but I don't bother.




Pumunta ako sa c.r at duon umiyak. Tiningnan ko yung dala kong cake at cookies bago ko itinapon.




Why Josh? How? How could you do this? Hindi pa ba ako sapat? Am I not enough?






Inayos ko ang sarili ko bago bumalik ng classroom.




Nandun na yung teacher. Since transferee naman daw ako, okay lang na nalate ako ngayon. Nagpakilala ako sa unahan.





"Hi. I'm Zoey Kim." Pakilala ko. Kahit ang hirap, pinilit kong ngumiti.





Nakita ko ang gulat sa mukha ni Josh. Pero iniwas ko ang paningin ko.





"Wow. What a nice name. Bakit dito mo napili sa East High na lumipat?" Tanong ni Mrs. Lucas. Teacher namin.





"Well, I'm planning to surprise someone. Pero mukhang ako yung nasurprise," nakangiting sabi ko at tumingin kay Josh. Napayuko sya.




Mukhang naguluhan si Mrs. Lucas. Pinaupo nya na rin ako. Sa mismong likod ng magkatabing si Josh at ang babae nya. Si Andrea.






Lunch time.






Hinila nya ako papunta sa c.r.





Hindi sya nagpaliwanag. He only said the word Sorry at umalis na. And guess what? Si Andrea ang pinili nya.



Can you believe it? One year relationship, pinagpalit laban sa isang buwan lang?







Hindi na rin ako nakapagsalita. I was left dumbfounded.






Hindi na rin ako naghabol kahit pa miss na miss ko na sya. Halip, nagfocus ako sa studies ko. Kahit mahirap. Tutal, gagraduate na din naman ako. Konting buwan na lang yun.







And yet I'm here. Eating ice cream. My comfort food.









************





Itutuloy ko pa ba? Comment please. Thankyou!





Xoxo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 Seconds (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon