Chapter 1

28 1 0
                                    

"Hello Everyone, I would like to thank the fans for supporting and giving me the chance, again, to hold this very prestigious award." Wika ni Kevin.

Nakuha ko nanaman 'tong award na 'to AS ALWAYS. Celebrity of the Year ang award na ito. Through votes napapanalunan ang award na ito, kaya I think lagi ako yung nakakakuha nito.

"Nice one Kevin, nakuha mo nanaman yang award mo na yan! Grabe kasi yang mga fans mo eh die hard na die hard!" Biro ng aking manager.

Natapos ang event na puro ako ang tinatawag as winner. I think out of the 20 awards, 9 ang nakuha ko.

Papauwi na ako papunta sa aking sasakyan kasama ang aking manager ng marinig ko nanaman ang hiyawan ng fans. Grabe! Parang bibigay na yung bodyguards ko para lang mai-protrect ako mula sa kanila.

Luckily, mabilis naman akong nakapunta sa aking sasakyan. Walang galos o kahit ano pa man.

Nagpaalam na si Baile sa akin (ang manager ko) upang makauwi na sya sa kanyang pamilya. Napakabait sa akin ni Baile. Noon pa mang ako'y nagsisimula pa lang in this industry sya ang tumutulong sa akin, sya ang dahilan kung bakit ako nandirito kaya't malaki ang utang na loob ko sa kanya

Kinabukasan, pumunta nako sa taping namin para sa Movie na aking gagawin. Ako ang bida dito kaya't nasisigurado kong big hit ito sa masa. Love Story ang tema ng movie kong 'to may nalili-link kasi sa 'king isang sikat ding celebrity kayat naisipin ng aking manager na gumawa kami ng movie.

Natapos na ang movie at Showing na ito. As excepted, It was a big hit sa masa! Si Kathyn ang kasama ko dito. (Ang nalink na celebrity sa akin)

One time ininterview kaming dalawa sa isang talkshow.

"So, ano na nga bang totoong lagay ng relationship nyo ngayon?" Tanong nung host. Tili ng tili yung fans nang sasagot na si Kathryn.

Sa totoo lang hindi ko type si Kathryn, hinding hindi. Maganda sya, may sense of humor, mabait. Pero hindi ko naiimagine na magiging kami in the future.

"Ummm..." wika ni Kathryn. "Kami na po." dugtong nito.

WTF! Anong sisanabi nya??

I'm In Love With A Fan - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon