MUH.1

81 4 2
                                    

A/N: Sorry for the Typos, Grammatical Errors and Spacing!! Please Enjoy the Story :*

Dedicate ko to para sayo AtmosphericHeaven :> hehe request granted! :* Sana magustuhan mo.
___________________________

Chapter One.
•Jaicka's POV•

"Baby kakain na tayo" Pagtawag sakin ni mommy galing sa labas ng aking pintuan.

"Sige po mommy susunod po Ako" Pagsagot ko at nagpatuloy sa pagbibihis.

"Sige baby" pagsang-ayon ni mommy.

Pagtapos kong makapagbihis at makapag ayos ng sarili ay dumiretso kaagad ako sa hapagkainan.

"Good Morning Baby" Bati ni mommy sakin ng makita nya ako.

"Good Morning BabyGirl ko" Bati naman sakin ni Daddy at niyakap Ako.

"Good Morning Miss" Sabay-Sabay Na bati ng kasambahay.

"Good Morning din po mommy.." Lumapit Ako kay mommy at hinalikan sya sa cheeks.

"Daddy.." Ganun din ang ginawa ko kay daddy.

"At mga Ate.." Ngumiti ako sabay tingin sa mga kasambahay na nakatayo sa may tabi ng lamesa. Nakasanayan na namin ang ganitong batian sa umaga at gabi. Umupo ako sa harap ni mommy at nagsimula ng kumain.

"Uuwi daw ang kuya Denver mo sa susunod na buwan" Basag katahimikan ni Daddy. Agad naman na nag ningning ang mga mata ko dahil sabik na akong makita muli si kuya.

"Talaga po daddy?" Tanong ko at ininom ang gatas na nasa tasa ko.

"Yun ang sabi nya pero hindi ko alam exact
date anak" sabi nya at itinuloy ang pagkain.

"Basta ang importanteng uuwi si kuya hehe" ngumiti ako bago tinapos ang pagkain. Muling nangibabaw ang katahimikan hanggang sa matapos kami sa Pag agahan.

"Toothbrush lang po ako Mommy, Daddy" pagpapaalam ko at tumango naman sila bilang pagsagot. Nang matapos ako ay inilock ko ang pinto ng aking kwarto at tinungo ang hagdan pero napatigil ako sa paghakbang pababa ng hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila mommy at daddy.

"Natatakot ako Hon " Sabi ni mommy. Natatakot saan?

"Papayag naman siguro si Venise" sambit ni daddy.

"Sigurado ka bang magagawa natin ito sa kanya Hon? Mukhang di ko kakayanin gawin ito sa kanya" ramdam ko ang paglungkot ni mommy sa kanyang boses.

"Hindi ko alam Hon. Wala namang mawawala kung susubukan at kakausapin natin sya Ng maayos" Sabi ni daddy at lumabas Na ako sa pinagtataguan ko.

"Tapos Na po ako" napalingon sila sakin at bakas ang gulat sa mga itsura nila.

"K-kanina ka pa ba d-dyan anak?" Ani ni mommy at umiling ako bilang pagsagot. Alam kong hindi ko pa dapat marinig iyon pero mas mabuti ng mapag isipan ko Na rin at mapaghandaan kung ano man iyon.

"Kabababa ko lang po" sagot ko at niyakap si mommy.

"Everything's ready?" Tanong ni daddy at sabay kaming tumango ni mommy.

"Let's go" ani ni daddy at sabay sabay kaming pumasok sa sasakyan.

***

Pagdating sa restaurant ay agad kaming binati ng isa sa pinaka pinagkakatiwalaang business partner nila daddy.

My Unknown Husband[VERY VERY SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon