Wrong Number.

27 5 0
                                    

Ang sakit.

Ang sakiiiiiiiiiiiiiiiiit!

"Huwaaaaaaaaaaaah!!!"

One week na siyang hindi pumapasok sa school tapos malalaman ko ngayon na may girlfriend na pala siya!

Waaaaaaaaaaaah! Kainis. Kainis. Kung kelan naman nahulog ako sakaniya saka pa ganito! Kaiyak.

Eh kasi naman Yanna? Sino ba naman kasing maysabing mahulog ka sakaniya huh? Alam niya na mahal mo siya? Na may gusto ka sakaniya. Halos ipagsigawan na nga ng mga baliw mong kaibigan na gusto mo siya pero ano? Anong response niya?

"Mahal din naman kita bilang kaibigan."

Oh napala mo? Na-friendzoned ka pa? Kawawa ka naman. Hohoho~

Kainis! Mukha na akong baliw dito na kinakausap ang sarili koooooo!

Paano ba naman wala akong makausap?

Ako lang ang tao sa bahay namin at nagsi-alisan ang mga boardmates ko. 'Yung mga kaibigan ko naman hindi ko makakausap ng via-cellphone at mga naka-airplane mood ang mga 'yun tsaka papuntahin ko man sila dito eh baka mag-anime marathon lang kami at hindi ako makahingi ng payo.

Last option ko ay tawagan ko ang isa sa mga kapatid ko pero no thanks nalang pala.

Mas gusto ko pang kausapin ang baliw kesa sa mga kapatid ko. Juskooooo puro panloloko at pang-aasar pa ang matamo ko sakanila. Seriously, mas malala pa sila sa baliw. (Pero mahal na mahal ko parin sila :'>)

Sheeeeeeeeet! Gusto kong may makausap oh! Kahit wrong number lang oh tawagan ako at ako ay hihingi lang ng adviceee! Basta may makausap lang ako.

Ang hirap talaga kapag madaldal ka. Hindi ka sanay ng tahimik. >0<

Here I am again, the same old situation.

Why does the guy think have to be so complicated?♪

Napabalikwas ako sa kama nang narinig ko ang phone ko.

0912******* is calling...

Bigla akong napangiti. Shet! Nasagot agad ang panalangin ko.

Waaaaaaaah. Thank you po Lord at ako ay may makakausap naaaaaa! Hahaha.

I answered the phone,"uhm...hello?"

Hindi umimik 'yung nasa kabilang linya and after 1 minute siguro bigla siyang nagsalita,"sorry wrong number---" before pa niyang ituloy ang sasabihin niya ay pinutol ko na.

"-wait. Please don't hang up. I badly want to talk to someoneee. Kahit wag ka lang magsalita basta may mapaglabas lang ako ng problema ko please."

Oo na mukha na akong tanga dito kasi nakikiusap ako sa isang unregistered number tapos lalaki pa 'tong nasa kabilang linya pero I really need to talk to someone kasi kung hindi baka mamatay na ako dito!

Seryoso. -____-

"Uh..okay," sabi niya. Medyo paos nga yung boses niya. Parang maysakit. Oh well kahit na basta makausap ko lang siya.

Umimik ulit siya,"so anong problema mo?"

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita,"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah. Kainis kainis kainis! Alam mo ba ang tanga tanga ko kasi nahulog ako sa taong may girlfriend na. Take note! TAKEN na siyaaaaaa! Wala akong balak mahulog sa taong taken na. Nakakainis kasi! Well, wala naman talagang kasalanan siya kasi ako yung umasa eh kasi naman napakapaasa ng mga gestures niya sakin! Lagi ko siyang katext. Ka-chat. Tapos alam mo yun kung makakilos siya akala mo wala siyang girlfriend!! Tapos yung mga boyop pa niya kaibigan ipinupush ako sakaniya kahit alam nila may girlfriend na siyaaa!! Kaasar! Ansarap nilang katayin!! Pero mas masarap katayin ang sarili ko dahil umaasa akoooo! Di na ako talaga nadala! Lagi akong ganito! Kainis! Kainis! Kainis!" Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko iyon saka nagsalita,"hahaha. Nakakatawa noh? Iniiyakan ko ang isang taong hindi ako kayang mahalin. Ang sakit talaga. Dapat sanay na ako sa ganitong sitwasyon dahil nangyari na 'to sakin ng paulit-ulit. Pero bakit ganun? Ang sakit sakit parin. Ang sakit..." malungkot kong sabi.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon