*Ting!*Napatingin ako sa tablet ko. May nag Message sakin sa Messenger. Sa Group Chat lang pala ng tropa namin.
Ashleyah: Mga baklaa! Mag Mall tayo ngayon! Dali! Mag papa-spa massage tayo!
Andrea: Anong oras?
Aira: Geh. Saang mall?
Ashleyah: Ngayon na kaya mag bihis na kayo. Tsaka kukunin ko na ang gown na pinagawa ko.
Allyssa: Saan mag kikita kita?
Ashleyah: Sa Starbucks.
Cj: Hatid sunod ako ni Bryan. Okay lang? Hihihi.
Ako: Saang Mall ba?
Ann Jollyn: sa mall namin.
Ako: ah..okay.
Andrea: Dadalhin ko sasakyan ko. Sinong sasabay?
Ashleyah: Ako Reah. Pasabay. Kapitbahay lang naman tayo eh. Ilysm. 😘
Ann Jollyn: papahatid ako kay Kuya.
Rainie: Magco-commute lang ako.
Aira: Sabay ka na sakin.
Rainie: Okay.
Ako: Dadalhin ko rin ang Kotse ko.
Allyssa: Ako Magmu-motor ako.
Nag-out muna ako at Naligo. Pumili ako ng Simpleng White- Shirt na may Print at Pants. Bumaba na ako at naabutan si Mommy na nasa sala kasama si Daddy.
"Oh Bella? Saan ka pupunta?" Tanong ni Daddy..
"Sa mall lang po. Mag kikita kita kami ng mga kaibigan ko." Sagot ko.
"Anong gagamitin mong sasakyan?" Tanong ni Mommy.
"Yung Vios po." Sagot ko.
"Oh sige mag ingat ka sa pag dadrive anak." Sabi ni mommy.
Dumeretso na ako sa Garahe at pinatunog ang kotse ko. Pinaandar ko ang makina at nag drive palabas. Iniliko ko ang sasakyan. Nakita ko si Haku kasama ang Kapatid nyang si Chihiro.
"Hi Ate Bella!" Sigaw ni Chihiro.
Binaba ko ang bintana ko. At binati rin sya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chihiro.
