If and Only If [2]

49 3 6
                                    


"Ms. Isabella Felicity. Who's your pair?" Tanong ng adviser namin.

"Po?"

"Who's your pair for  the up coming event? The Year End Ball?"

Ay yikes! Oo nga! Wala pa kong pair sa ball na yun. :3 wala naman kasing nagyayaya sakin ng matino.

"Wala pa po eh."

"Boys! Sinong wala pag ka pair sa Year End Ball?"

Walang nag taas ng kamay. Huhu. Solo flight ako sa Ball.

"Ow.. So I guess Ms. Isabella Felicity. You'll be alone in the ball." Malungkot na sabi ng adviser namin.

"Ma'am. Okay lang po. Sana na naman po akong mag isa." Sabi ko.

Nag sigawan naman mga kaklase ko.

"Woah!"

"Hugot!"

"Torpe kasi eh!"

"Pagong kasi!"

"Kupad!"

"Kawawa!"

"Jasmine! Quite!" Sigaw ng adviser namin.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang sigawan ng kaklase kong lalaki. Na para bang may pinapatamaan sila.

Mabuti naman at tumahimik ang buong klase(jasmine).

Dahil tapos na ang finals at Clearance signing. Nanonood na lang kami ng movies. Movie Marathon sa Classroom. Ganun talaga kapag Year end na. May pasok pero walang ginagawa. Yung iba umaabsent pero kadalasan pumapasok. Boring din sa bahay eh.

Kung ano ano ang napanood namin. May pang bata, horror, patayan, suspense at kung ano ano pa.

"Okay Jasmine. May Meeting Lahat kaming Faculty para sa Year End Ball. Kaya please wag kayong maingay at magulo. President, Sophia, Ikaw ang bahala sa kaklase mo ha." Bilin ng Adviser namin. Hapon na at dalawang oras na lang uwian na. Tumango si Sophia at nilisan na ng adviser namin classroom.

Sinarado ng boys ang pinto. At ang mga kaklase kong nasa tabing bintana malapit sa corridor ay sinarado ang mga bintana.

Yung kaibigan ko namang Si Cj ay pumuntang harapan at sumigaw.

"JASMINE! LET THE PARTY BEGIN!!" At humalaklak pa ito. Napailing naman ako.

Lumapit ang isa ko pang kaibigan na si Andrea. Nag babasa sya ng wattpad book. Umupo sya sa armchair ng best friend nyang si Ann Jollyn.

"Hoy. Umalis ka dito! Upuan ko to." Sabi ni Ann Jollyn at tinutulak tulak pa si Andrea.

"Ehhh..." Sabi ni Andrea.

Nag talo pa sila. Pero na uwi rin sa umupo nalang sa sahig si Andrea sa tapat ng upuan ng Best friend nya at nag patuloy sa pagbabasa. Walang pake alam sa classroom kahit nagpaparty na ang boys sa likod at kung saan saan. May nag tutruth or dare, Nag U-uno, nag papatugtog, may nag hahabulan,  nag aasaran at kung ano ano pa.

"Hello mga panget."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Cj pala.

"Mas pangit ka." Sabi ko.

"Hoy inidoro. Tumahimik ka"

"Ikaw tae ka. Ang baho mo"

"Hawdiyryu!" Sabi nya. Tumawa na lang ako.

"Hoy ano mag dedebate nanaman kayo diyan?" Sabi ni Aira na katabi ko.

"Anong balita mga beh?" Biglang sumulpot out-of-nowhere si Ashleyah.

If And Only IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon