Foundation day

1 0 0
                                    

Migs

dumating na ang foundation day ng school,december ang founding anniversary.kaya lahat kami busy-ing busy !

bukas na madidischarge si Alisha,makakaattend sya sa foundation day.pinagbawalan na sya ng doctor nya na sumali sa championship

dahil hindi na kakayanin ng katawan nya ang mga ganong activity

Ano ang nangyari sa amin ni Alisha...okay na kami,sa totoo lang kami na

Oo kami na,sinunod ko ang gusto ni Uno.dahil ayokong masaktan si Alisha,ginawa ko na kahit hindi ko gusto

Anong nangyari kay Uno and Lee...well nagdadate naman sila,pero two weeks na lang ang natitira para kay Lee babalik na sya ng california

"Yehey !'kumpleto na ulit tayo !"sabi ni Uno,nasa labas kasi kami ng hospital at tinignan si Alisha nakangiti ito sa amin

"Talagang sinundo nyo pa ako !"sabi nito sa amin

"Oo naman,dali pasok ka na !"sabi ko,kotse ito ng papa ni Alisha.nasa loob din ang mama nya,magsecelebrate daw kami sa bahay nila for Alisha's recovery

magkahawak kami ng kamay habang nagkwekwentuhan kami,mag-iisang linggo na kami ni Alisha...napatingin ako sa salamin at nakita ang nakangiting si Lee,nasa likod namin sila at nagkwekwentuhan din

"Oh,Miguel...alagaan mo yang nag-iisa kong anak ah !"biro sa akin ng tatay nya

"Ikaw naman pa ! parang hindi mo naman kilala si Miguel...mabait ang batang ito !"sabi ng mama nya,halos kapitbahay ko lang kasi si Alisha

"Hahaha,Opo aalagaan ko po sya !"sagot ko

after non,nagkwentuhan kaming magkakaibigan,nagkantahan din kami...pero napansin ko hindi na kami nakakapag-usap ni Lee ng madalas

"Guys,ano bang status nyo na ?"tanong ni Alisha kay Uno at Lee.ngumiti lang si Uno sa amin,pero halata naman talaga na apektado sya sa amin ni Alisha

"Ok lang !"sagot ni Lee

"Were still in that stage....getting-to-know-each-other !"Uno added

"ahhh,ang bagal mo naman Frend !"sagot ni Alisha,parang nananadya sya...alam kaya ni Lee ang mga nangyayari ?

tingin ko hindi

"Nga pala sa monday na ang start ng foundation day..."sabi ko bigla

"Oo nga,hindi nyo ba alam kong sino ang guess sa variety show ?"sabi ni Uno

"Sino ?"tanong ni Alisha

"Edi si Gail at Lee !"sagot nito,kamuntikan na akong maubo

"Gail,you mean yung youtuber ang gwapo daw non!"sagot ni Alisha

"Oo Frend ang gwapo non,pero mas pogee ako"silang dalawa na ni Uno ang nag-uusap

"Wow,so tutugtug ka ulit ?"tanong ni Alisha kay Lee,tumango lang ito

"teka parang hindi ako updated ?"sabi ko,iniabot sa akin ni Uno ang phone nya

"Panoodin mo Migs !"sabi ni Uno sa akin,pinlay ko na ang video

Nagsimula ang video kay Lee,tumutugtug ito ng piano...then kumanta yung lalaki sa tabi nya

All of me by John legend

tinignan ko kong kaylan inapload yung video,last month lang...hindi ko pa sya kilala non

"So youtuber ka din !"sab ko

"Hindi,kaibigan ko si Gail He's a youtuber and humingi lang sya ng favor kong pwede ako yung magplay ng piano...so pumayag ako"sabi nya

"Nga pala guys,may sasabihin ako !"Lee said

I lied Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon