Chapter 3 - Love Me Like You Do

11 0 0
                                    


Nandito na kami ngayon sa Math class. -_-

Pinakabobo ako dito. Nakita ko naman si kuyang misteryosong masungit na nakaupo sa kanyang trono habang natutulog. Ginawa niyang unan yung kamay niya. Gets niyo?

Bakit nandito agad to sa classroom eh kanina, doon pa siya sa cafeteria. Ang layo kaya nun pag nilakad. Ano magic2? Kaya ba natutulog to ng ganito kaaga dahil nagpuyat siyang mambiktima ng tao kagabe?

B-bbaka bampira siya kaya ganun. Tapos kakagatin niya ko tapos magiging bampira din ako tapos mangangain din ako ng tao tulad niya? UWaaaahh ayoko jusko po.. Bukas na bukas , magdadala nako palagi ng krus tsaka holy water plus bible para mas malakas yung powers ko kesa sa kanya, sa kanila rather.

"Huy! Anu- ano naming iniimagine mo dyan Mitsu?" pinitik niya yung noo ko. Sino pa nga ba? Edi yun alagad ni Mirmo! Tsss ...

"Umeepal kana naman e! Bumalik ka na nga dun sa upuan mo , andyan na si Sir oh." Mukha ding terror tong isang to ah. Upakan ko to eh. BWAHA!

"Miss Fukushima, since you're laughing by yourself there can you share what's in your mind?" Adik sa facebook pala tong si Sir di halata eh.

"MISS FUKUSHIMA!"

"Uupakan kita sir!" O.O

Anong sabi ko upakan ko si sir? PATAY! Napalakas ata.

"What did you say... Miss Fukushima?" nanlilisik na yung mata ni sir anytime sasabog na siya.

"S-sabi ko po, upakan ko tong dala kong saging. You want sir??" nataranta nako kaya't kung anu-ano na yung palusot ko buti sumakto naman siya. Narinig kong humagikgik si Miru dun sa likuran pati halos lahat ng classmates ko, si kuyang misteryosong masungit lang ang hindi tumawa.

"ANSWER THOSE EXCERCISES ON THE BOARD, NOW!" slow nga ako sa foil method lang, yan pang FACTORING? Haru jusmiyoo ba't ba kasi ang bobo mo sa math Mitsu! Basic na basic yang pinapasagutan ni sir eh!


Last number na lang yung dapat ko sagutan pero wala talaga akong maisip na tamang sagot, nag loloading pa kasi sa utak ko. Kaharap ko yung whiteboard na high tech habang pumipikit at nagdadasal na sana ay may tumulong sa akin.

Lumingon ako para tingnan si Miru, nag hand sign siya ng anwer. Sakanya lang ako nakatutok pero di ko magets yung sinasabi niya. Sinulat ko na lang sa board yung dinidikta ng kanyang mga kamay pero sinita ako ni Sir at pinagtatawanan na naman ako ng mga kaklase ko pati si Sir ay pinipigilang tumawa.

"EHEM! Miss Fukushima, what are you writing? Are you that stupid enough? Kung magpapaturo ka lang din naman ng sagot, ayus-ayusin mo."

Pinipigilan ni Sir na matawa habang lumilitanya sa akin.

Bakit?

Sinunod ko naman yung turo ni Miru ah? Tiningnan ko yung sinulat ko't doon ko lang na realize na ang bobo ko talaga.

Sa sobrang focus ko dun kay Miru di nako tumitingin sa sinusulat ko kaya ayan tuloy, nadrawing ko yung daliri niya.

Yumuko na lang ako dahil ang pulang-pula ko na at hiyang hiya na ako.

"16x2 + 48x + 4, dumb." bulong nung dumaan sa likod ko. Sinulat ko naman yung sinabi niya. Pinagcompare ko yung na drawing ko sa sagot.

Correct naman siya e, drawing lang yung akin. Bumalik na ako sa upuan pero sinusundan ng mata ko yung nagturo ng sagot. Ngayon ko pa lang siya nakita. Baka siya yung nakaupo sa bakanteng upuan kanina sa first subject.

Nag lesson lang si Sir ng basics tsaka kami pinag group. Bale 3 students sa isang grupo.

Hindi kami ang pumili ng member ng grupo namin.
At dahil malas ako, si kuyang masungit tsaka si kuyang bumulong ng answer kanina yung kasama ko sa group.

ENTHRALLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon