**
Joy's POV
Nakatayo ako ngayon sa binigay na address nung mail kagabi. Pero parang mali ata 'tong napuntahan ko. Ilang beses ko na din tiningnan sa map ng cellphone ko pero eto talaga 'yung tinuturong lugar. Isang entertainment lang naman po ang kaharap ko. Big Hit Entertainment lang naman po. Grabe! Wala naman siguro mangyayari kung papasok ako dito, diba? Hays, kaya mo 'to Joy. Walang kakain sa'yo dyan sa loob. FIGHTING!
After ko makumbinsi ang sarili ko ay pumasok na ako. Pagkapasok ko ay may nakita akong babae na nakatayo sa entrance. Magtatanong pa lang sana ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita.
"You're early. Siguro nagexpect ako na malelate ka. Hay, tama nga pala 'yung sinabi niyang 'wag magexpect sa'yo." Sabi nito.
"A-a-ako p-po ba 'yung k-kausap n-niyo?" Nauutal na tanong ko.
"Yes, ikaw nga. May iba pa bang tao ka na nakikita?" -siya. Luminga-linga ako para makita ko kung may iba pa bang tao. Pero tama nga siya, kaming dalawa lang nandito sa entrance. Yumuko na lang ako dahil medyo napahiya ako dun, eh.
"Hahahah! His right. You are funny. I guess I was to judgemental." Natatawang saad nito. His right? Sino 'yun? Sa sinasabi niya parang 'yung taong 'yun sobrang kilala ako. Pero wala naman akong masyadong close na tao bukod kay JJ. Pero imposible namang nandito siya. Hay, ewan!
"C'mon, follow me. Nandito ka para sa trabaho, diba?" Tumango naman ako. Sumusunod naman ako sa kanya. Huminto kami sa isang pinto. Pagkapasok namin sa isang conference room ata? Basta, ganun. Sumenyas siya na umupo ako kaya ginawa ko 'yun.
"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo. I'm Ji Shin. Manager ako ng isang boy band na pagtatrabahuan mo. Pero hindi 'yung buong grupo ang kailangan mong asikasuhin. Kundi isang tao lang. Makikilala mo siya mamaya dahil may pictorial pa sila." Paliwanag nito.
"Wait, so ibig po ba sabihin nun ay sobrang sikat sila?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Hahaha! Yep. Sikat sila. Popular boy group sila. Sila ang BTS." -Manager
"BTS? SERYOSO PO KAYO DYAN?! UEMJI!!" -Ako
"Oh! Hahaha! Mukhang kilala mo na sila, ah." -Manager. "Kung ok na sa'yo, eto na ang kontrata. Ikaw bahala kung gusto mo pa basahin. As I was said in the mail, 30K every week ang sweldo mo. Pirmahan mo na lang iyan." At binigay niya sa akin 'yung contract paper.
Binasa ko ito at ok naman sa akin 'yun. Pinirmahan ko naman at ibinalik sa kanya. "Welcome to the family, Miss Joy." At nakipagshake hands sa akin.
"Thank you po." Sabi ko. After that nagkwentuhan na kami. Then after ng ilang hours may pumuntang staff at sinabing tapos na ang pictorial nila kaya pinuntahan na namin sila
Pagkapasok namin sa isang room doon ko nakita ang tunay na kagwapuhan nila. Shemay, ang talaga gwapo nilaaaaa~ Magkakasala ako nito kay Dokyeom, Seungkwan, Wonwoo at Vernon. Char, loyal ako sa kanina.
"[Ehem] Guys, eto nga pala si Joy." Sabi ni manager.
"Ohh~ Annyeong Haseyo Bangtan Seonyeondan Imnida." Sabay sabay nilang sabi at nag bow.
"Ah, eh. Annyeong Haseyo, Jeonun Joy Imnida." Sabi ko at nagbow din.
"Nandito siya para sa trabaho. Dahil Jhope hindi kinaya ng dati mong personal assistant ang kakulitan mo, siya na ang bago mong PA." -Manager
"Halaaaa~ Hindi nga manager, siya na bagong PA ni hyung? Ang ganda niya para maging PA. Bagay siya sa akin. Akin na lang siya manager. Juseyoo~?" Pagmamakaawa ni Jimin kay Manager Ji Shin.
"Hoy, Jimin na pandak. Akin siya. Maghanap ka ng sarili mong PA. Hahahahah!" -Jhope
"Nako, kayo talaga. Sige na. Mamaya niyo na lang ientertain si Joy. Itutour ko muna siya at ituturo ko na rin ang dapat niyang gawin." -Manager
"Ne~" They said in unison. At tinour na nga ako ni Manager. Ang laki pala ng Big Hit. Ipinakilala din niya ako kay Mr. Bang at pati na rin sa mga PA ng ibang members. Tinuro nila sa akin kung ano ang gagawin ko. Madali ko naman nakuha lahat dahil hindi ako ganun kaslow. After ng lahat, pinauwi muna ako ni Manager. Bukas daw ako maiistart. Hay, sana kayanin ko 'to. FIGHTING JOY!
~
His POV
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Jungkook at Jimin. Eto talagang mga ito. Mga chismoso. Alam ko na ang itatanong nila.
"Hyung, siya na ba 'yun?" Tanong ni Jungkook sa akin.
"Oo, siya na nga. Ang ganda niya, ano?" Sagot ko.
"Oo. Maganda siya, hyung. Pwedeng akin na lang?" Singit ni Pandak.
"Manahimik ka nga. Tsaka hindi pwede. Taken na siya. Akin na siya." Sagot ko sa kanya.
"Paano kung hindi ka na niya naalala? I mean, idol ka na hyung. Madami ng nagbago. Sa tingin mo maaalala ka pa niya." -Jungkook
"[Smirk] Tiwala lang Kookie. Alam kong naalala niya pa ako. Pero kung hindi na, ipapaalala ko sa kanya lahat." Paliwanag ko sabay tayo sa upuan at ginulo ko ang buhok niya.
"Aish! Hyung naman! Ang ayos ng buhok ko tapos guguluhin mo." Reklamo ni maknae.Lumabas muna ako para makapagpahangin. Nung nakita ko siya kanina, gusto ko na siya yakapin. Sobrang miss ko na siya. Pero ayoko naman siyang biglain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip kung paano ako matatandaan ni Joy ng may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Tiningnan ko kung sino 'yun at nakita kong si Namjoon pala 'yun.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang hindi mo ako napapansin. Masyado atang malalim 'yang iniisip mo." Sabi niya.
"Iniisip ko lang si Joy." -Ako
"O, nagpakilala ka na ba sa kanya? Nakilala ka ba niya?" -Namjoon
"Hindi pa. At hindi niya rin ako nakilala." -Ako
"Hm. Marami ng nagbago sa'yo kaya paano ka niya makikilala." -Namjoon
"Ganyan din ang sabi sa akin ni Jungkook, pero may tiwala ako na makikilala niya ako. Ipapakita ko lang sa kanya lahat ng ginagawa namin dati at paniguradong matatandaan niya ako." -Ako
"Kung ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin." Tinapik niya ang balikat ko at saka umalis.Sana nga, matandaan pa niya ako.
**
A/N: Kunwari lang po 'yung pangalan ng manager. 'Wag po seryosohin. Hahaha!