Ideal guy ko?
Mabait.
Maputi.
Matalino.
Masipag.
Gentleman.
Maputi.
at syempre..
CHINITO.
May lalaki pa bang ganyan? Wala na ata eh. Tama na nga, nangangarap nanaman ako eh.
(See my outfit at the right side) Civilan kami pag friday eh.
Since may driver's license na 'ko magddrive nalang ako papuntang school Nakakatamad kaya magcommute. Sinanay na kasi ako ng parents ko na mag-drive para daw hindi ako mapahamak kasi delikado daw magcommute lalo na pag gabi.
Isinalampak ko sa tenga ko yung earphones ko. Pinatugtog ko yung 'Chinito' nakaka-lss kaya.
After 20 minutes nakarating na ako sa school!
"At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita~ Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap ay ikaw~!"
"AY ANAK KA NG CHINITO!" nagulat ako dahil may bumangga sakin na lalaki.
"Tatanga-tanga kasi.." bulong nung lalaki. Hindi ko sya makita kasi pinupulot ko pa yung mga gamit kong nahulog.. Pagkatingin ko sakanya..
WOW.
MAPUTI.
CHINITO.
KASO, ANTIPATIKO.
EDI WALA RIN,BAGSAK SA IDEAL TYPE KO. SAYANG CHINITO PA NAMAN.
"Anong sinabi mo?!" Nakakaasar sya ah.
"Tanga ka sabi ko." Aba sinusubuka. ako nito ha.
"Leche ka!" Tinulak ko sya at umalis na para pumunta sa subject ko.
Umupo ako sa bakanteng upuan at nilagay na ang gamit ko dun.
Biglang may pumasok na lalaki at kinilig yung mga blockmate kong babae.
Sino ba yun? Tinignan ko kung sino yun at nakita ko yung antipatikong lalaki kanina. Iisa nalang yung bakanteng upuan sa gilid at sa kamalas-malasan, KATABI KO YUNG BAKANTENG UPUAN NA YUN. So, no choice katabi ko sya. Nakakaasar.
"Pati ba naman dito sinusundan mo ko? Nag-save ka pa ng upuan para sakin! Thanks!"
"Ha ha. Funny. Ang kapal mo din no? Sarap mong balatan para mabawas-bawasan naman kakapalan ng mukha mo." biglang syang tumawa na halos nakapikit na sya. Nakikita pa ba ako nito?
"Nakakatawa ka din! Hahahahahahahahaha!" hawak pa nya yung tyan nya at halos mangiyak ngiyak na sa kakatawa.
"Lakas ng tama mo 'tol! Katol pa ha?" mas lalo pa syang natawa sa sinabi ko. Hala, baliw na ata 'to.
"Tumigil ka na nga sakit na ng tyan ko kakatawa eh! Hahahahahaha!"
"Ewan ko sayo! Baliw! Oh eto piso hanap ka kausap mo!" binato ko sakanya yung piso na nahanap ko sa bulsa ko.
"HAHAHAHAHA AYOKO NA TUMAWA PWEDE BA."
"Goodmorning class!"
"Goodmorning ma'am!"
"Take your sit. You can call me ms. cid go introduce yourselves!" nagsimula ang pagiintroduce sa unahan.
Turn na nung antipatiko. Napatitig ako habang nasa harap sya.
"I'm kent cruz, 17 years old. I graduated as a cumlaude. Half chinese. Yeah, i'm handsome, smart, etc. Nasa akin na ang lahat. Pati ang puso mo! That's all."