Gitara

23 1 0
                                    

"Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka.." kasama ko ngayon yung bestfriend kong si stephen, pampalipas oras namin to. Sya yung maggitara, tapos sabay kami kumakanta.

"Bestpren, ba't hanggang ngayon wala ka pang girlfriend?" 

"Humahanap pa ko ng tyempo eh."

"Asus baka torpe ka lang, o kaya bakla ka HAHAHAHAHAHAHAAHA!!" 

Mula first year, magbestfriend na kami ni yuuki. Kami yung tipong hindi mo mapaghihiwalay. Napagkakamalan na ngang kami na eh, pero wala eh, hanggang bestfriend lang talaga.

"Kung halikan kaya kita dyan? Nang matatak sa kokote mong di ako bakla?" Sige nga gawin mo hehehehe joke landi. Mina naman, itatak mo sa kokote mo na BESTFRIEND ka lang. Hanggang dun na lang ako.

"Heh ewan ko sayo ang panget mo. Kanta nalang tayo!"

"Ano ba gusto mong kanta? Ay, nga pala, bukas, nagpplano akong manligaw bukas." 

Ako ba?

Sabihin mong ako yan.

Kung hindi, 

Ang sakit naman. Sigurado namang hindi ako yan eh ha ha ha. Bestfriend lang ako.

"Sino ba yan?" Pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko sa mata ko. Kalma lang mina, kaya mo yan. Malay mo naman ako yung ligawan eh joke :(

"Ikaw." 

"Utut mo. Sino nga kase?" Lumalakas yung tibok ng puso ko, ako ba talaga?

"Baka umiyak ka. Si Allyana, yung bestfriend mo!! Lakad mo nga ako sakanya please?" 

Ang sakit.

Bakit? Bakit yung bestfriend ko pa? Punyatera naman eh. Bakit hindi nalang ako? Bakit si Lianne pa? Nakakainis ka Stephen! Bwisit ka!

"Ahhhhhh, sige. Teka ccr lang ako saglit ah." Di ko na kaya, iiiyak ko nalang to. Sana, katulad ng luha yung feelings ko kay stephen, para pag iyak ko, mawawala nalang bigla.

"Sige balik ka agad ha? Mamimiss kita agad hahahahahahahahaha!" Tama na. Wag mo na kong paasahin. Nasasaktan na ko. Ang tanga ko naman kasi, ang tanga tanga ko!!

Nang maiyak ko na lahat ng hinanakit ko, pagkakita ko, naggitara si Stephen. Lumapit si Allyana sakanya. Diba dapat ako yung katabi ni Stephen? Bakit andun si Allyana? Pwesto ko yun ah. Tangshet, ang sakit sobra.

Linakasan ko yung loob ko at lumapit sakanila, 

"Ay stephen, sorry kung nakakaabala ako ah, pupunta akong clinic, masakit ulo ko sige bye."

"Sasamahan na kita, baka mapano ka pa eh. Alam mo namang ayaw kong may masakit sa bespren ko." Ayaw mo ng may masakit? Sinaktan mo na nga ako eh. 

"Wag na, kaya ko na to ge bye"

Magpapanggap nalang akong okay lang ang lahat.

Kinabukasan..

"Bespren! Tara mall tayo!" Sinundo ako ni Stephen sa bahay namin, boto nga mommy ko sakanya eh. 

"Sige wait lang magbibihis lang ako." 

"Ganda mo bespren ah, blooming ka ata? Baka mainlove ako nyan."

"Ewan ko sayo susumbong kita kay.. A-allyana.." Naiiyak nanaman ako ano ba naman to!

Inakbayan nya ko bigla, ang bango nya. Ang pogi nya. :(

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse kaso sabi nya sya na daw. Nakakainis naman tama na nga kinikilig ako eh

Binuksan nya yung radyo..

Wow, nananadya talaga.. 

"Kung ako ba sya, mapapansin mo~"

"Hoy ilipat mo nga yan nakakainis."

"Bakit? Ang ganda kaya. Kasing ganda mo naks naman!" 

"Pakyu, manahimik ka dalian mo ilipat mo na!" 

At nilipat naman nya kaso..

"Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan~" 

Sumabay pa sya sa kanta nakakainis bastusan talaga eh no?

Buti nalang nakarating na kami sa mall.

"Uy, mina, stephen kayo pala yan!! Pwede ba ko sumama sainyo?"

HINDI, hindi pwede. Joke lang bestfriend ko to nakakainis ang hirap tanggihan.

"Syempre okay lang ano ka ba naman!!" 

Halatang kinikilig si stephen eww nakakainis.

Kumain kami sa balhblahblah restaurant.

Sabi ni stephen may bibilhin lang daw sya, ewan ko ba dun. Nagusap nalang kami ng bestfriend kong si Allyana he he he he.

"Allyana may boyfriend ka na ba?" Tagal na kasi naming hindi naguusap eh magkaiba kasi kami ng section.

"Wala, pero may gusto ako. Wag mo sasabihin kahit kanino ah?'

"Oo naman promise!!"

"Si stephen shh wag ka maingay ah alam kong bestfriend mo yun wag mo sasabhin ah!!" 

HA HA HA HA HA HA HA ANG DAMI KONG TAWA MGA PITO.

"Sure, oh ayan na pala sya eh!" Si stephen.. may dalang flowers at chocolates.. 

"Ah eh.. Allyana, sorry kung ang torpe ko.. ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob eh.. aaminin ko na talaga.."

BWISET AYOKO NA NAEECHAPWERA LANG AKO DITO

"ngayon handa na kong manligaw.."

PABITIN EFFECT? BILISAN MO NGA HINDI KO NA KAYA NAIIYAK NA KO.

"kay mina.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories {COMPILATION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon