Mataba

2.7K 30 0
                                    


Hayys isang umaga na naman ang ingay ingay na naman ni mommy

"Anak andy! Dalian mo na dyan tumayo ka na para naman makapag ehersisyo ka kahit sandali lang at pumayat ka naman!" Sigaw ni mommy sa baba

Oo tama ang rinig nyo para pumayat naman ako, Oo mataba ako baket ano bang masama eh kung sa masarap kumain ng kumain eh lalo na yung tobleron sa ref namin halos nakakaubos ako ng isang dosenang tobleron sa ref namin sa isang araw baket may angal ka ba ha?? Kung tatanungin mo ako kung hindi ba ako nag kakasaket syempre oo no pero kahit pinagbabawal na nang doctor ko nang kumain ng kumain eh ano bang pake nila masarap kumain eh

"Oo mommy baba na ako maliligo lang muna ako" sigaw ko rin sakanya

Hay nako si mommy nakakainis sinabi ko na sakanya na ayoko ko ngang mag exercise eh bat ba ang kulit ni mommy nakakainis. Pumunta na ako sa cr at naligo na ako sinuot ko ang t-shirt kong binili ko sa mall ang mahal kaya nang bili ko dun hindi mo ba alam?? 550 pesos yang t-shirt na yan noh! Sabi nila dibale daw sa size kaya daw mahal letche! Dami nilang alam keso malaki daw ang size ng kinuha ko eh ang kinuha ko lang naman na size eh triple XL eh letche sila!! Dami nilang alam pero okay lang kung 550 yan!! Marami naman akong pera tsss....

"Oh! Andeng ano ba!!! Bumaba ka na nga kanina ka pa dyan ahh!!! Ayaw mo lang mag ehersisyo eh!" Sigaw nya ulit saakin

Nako! Di ko lang masabi kay mommy na oo ayoko mag exercise kase tinatamad ako pero syempre hindi ko yun sinabi no baka mabatukan pa ako ni mommy "yes mommy andyan na po" sigaw ko naman din sakanya

"Hello mommy good morning" sabi ko sabay halik sa pisngi nya

"Andeng! Nako! Ang tagal tagal mong bumaba juicemiyo ka talaga" sabi nya sabay palo sa braso ko

"Mommy andito na ako ano ba tara na simulan mo na este na natin" sabi ko sabay irap

Tsss...kainis si mommy!!! Pagtapos nga naming mag exercise nagpunas agad ako nang bimpo sa braso ko at nagpunas din ako nang pawis ko sa iba pang parte ng katawan ko nako mommy pag ako nabawasan ng calories tss...ikaw ang patatabain ko eh.

Oo si mommy sexy yan simula nang lumabas ako sakanya napaka sexy nyang mommy ko (sa panaginip) hahha pero hindi syempre oo sexy talaga yan si mommy ko noh! Pero kahit ganyan nyan mahal na mahal ko yan.

Pagtapos kong magpunas agad naman akong pumunta sa ref at kumain ng paborito kong tobleron kumain ako nang kumain naka 6 na tobleron ako at uminom ako nang maraming tubig at nakita ko ang fries at burger sa mesa namin at kinain ko ito agad

"Hmmm" sabi ko habang sarap na sarap ako sa kinakain ko

"Hoy! Andy ano ba yan! Bat mo naman kinain yang fries ko ha!! Tska yang burger ko!! Nako! Ang taba taba mo na nga kumakain ka pa rin" sabi ni ate nang naiirita saakin

Grabe si ate ang saket nun ah! Hindi porket mapayat at maganda ka lang nako pag ako pumayat hu u ka talaga saakin!!

"Ay! Grabe si ate! Syempre gutom na gutom na ako dahil nag exercise ako kasama si mommy" sabi ko sabay yakap naman nang mahigpit kay ate

"Ay nako! Hindi ako makahinga andy! Sige na! Hahaha ang higpit mong yumakap" sabi nya habang humahalaklak

"Hahaha!! Sorry po ate"

Pag Ako Pumayat Hu U Kayo Saakin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon