Selos

668 13 0
                                    


Umaga na naman at kailangan ko nang magayos para sa school

"Andy! Kain na" sigaw ni mommy sa baba

"Sige po my kakain na po ako" sabi ko

Bumaba na ako at nakita kong kumakain na sila, pagkababa ko hinalikan ko na agad si mommy sa pisngi at umupo na rin ako sa upuan tska kumain.

"Andy,hindi ka na nakakain kagabi ah" sabi ni mommy, oo nga pala nakalimutan ko na palang kumain kase nga pala kakaisip ko sa sinabi saakin ni darren

"Sorry mom, pagod lang po ako pero po promise ko po sayo ngayon po ako babawi hahaha" sabi ko sabay halaklak

"Anak hahah sige ka tataba ka lalo" sabi nya sabay tawa na rin

Kumain na ako at tulad nga ng sinabi ko na ngayon ako babawi syempre tinupad ko yun no kumain ako nang marami kumain ako ng 3 mangkok ng kanin at kumain din ako syempre ng 6 na piraso na hotdog at 3 piraso ng manok at pagtapos kong kumain syempre ganun pa rin naligo na ako at nagbihis na rin pagtingin ko sa cellphone ko may message

Darren:

Good morning andy

Ano bang nangyayari dito sa taong toh? Tss...bahala na nga hindi ko na sya nireplyan wala akong pake kung magalit man sya saakin kase hindi naman ako yung girlfriend nya para magalit sya saakin diba?? Kase ang girlfriend nya si kyline so dapat wala syang pakeelam saakin

**School**

Pagpasok ko bigla kong nakita agad si darren na nakatingin saakin bigla ko namang iniwas ang tingin ko sakanya baka naman akalain nya na may gusto ako sakanya diba hahaha pangarap nalang nya hahaha basta ang pinapangarap ko pag ako pumayat hu u kayo saakin hahaha
Nakita kong lumapit si kyline kay darren parang naramdaman ko ang pagsakit ng puso ko parang may tinuturok o ano sumisikip ito ng sumisikit naisip ko nalang na pumunta ng canteen at kumain nalang nang kumain bumili ako 3 softdrinks at bumili din ako ng mga snacks 3 nova 3 cheese ring at 3 chocolates kinain ko ito nang kinain hanggang sa mabusog at mabulunan ako parang pakiramdam ko tinaydor ako ng sarili kong kaibigan hindi ko masabi kung paano pero i think im fell inlove with him pero paano yun? Hindi naman ako yung gusto nya!! Kundi si kyline na maganda sexy at maputi at hindi ako :(
Bumalik na agad ako sa room namin at dahil kaklase ko si darren at kyline syempre nakikita ko sila at dahil may tampo pa rin ako kay kyline dahil lagi na lang nya kasama si darren hindi ko sya kinakausap hanggang ngayon pero si darren wala akong dahilan kung paano ko sya hindi kausapin kase ang alam ko lang selos na selos na ako sakanilang dalawa
Umupo na ako sa tabi ni kyline habang hindi ko sya kinakausap nag start na ang class namin at wala pa rin kameng pansinan hanggang sa matapos kame

Darren's POV:

Hindi ko alam kung paano ko maiiwasan si kyline at hindi ko rin alam kung paano ko makakausap si andy ang hirap naman nito, nakita ko si kyline at lumapit ako sakanya at napagisipan kong eto na ang time para sabihin sakanya ang totoo

"Kyline may sasabihin ako sayo pero sana wag ka sanang magalit okay?" Tanong ko sakanya sabay tingin

"Sure darren ano ba yan?" Tanong nya naman sabay ngiti saakin actually medyo kinakabahan ako dito eh baka kase masira ang pagkakaibigan nila ni andy pag sinabi ko to eh pero dapat sabihin ko sakanya ang totoo dapat totoo

"Kai,hindi na kita mahal sorry may iba na akong mahal im sorry"sabi ko sabay baba ng tingin

"Darren niloko mo ako!" Sigaw nya saakin sabay alis alam kong umiiyak sya pero anong magagawa ko kung hindi ko na talaga sya gusto kung hindi ko na sya mahal?? Mas lalo ko syang maloloko kung papatagalin ko pa to diba??

Mas minabuti ko nang hindi ko muna sya kausapin at baka mas lalo pa syang magalit saakin tinext ko muna si andy para naman makausap ko ang taong pinakamamahal ko

Me:

Andy..

Nag text agad sya

Mahal ko:

Hmm...

Kung magtatanong kayo kung sino yung mahal ko syempre si andy mahal ko yung name nya sa contact ko kaya ayun

Pag Ako Pumayat Hu U Kayo Saakin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon