BESTFRIEND

8 1 1
                                    

kung ako sa inyo humanap kayo ng kaibigan nyo na hinding hindi kayo iiwan.

Yung matatawag mong BESTFRIEND

Yung makakasama mo sa hirap at sa ginhawa.

Pati sa pagtanda

Kayong dalawa yung magkasama

Simulan ko na bang ikwento sa inyo lahat?

-

Ako nga pala si Joanna V. Delatorre
Anna ang tawag nila sakin.

Isa lang akong simpleng babae.
Tumatawa kapag natutuwa
Ngumingiti kapag masaya
Nalulungkot kapag nasasaktan
At umiiyak kapag suko na.

Pero naging iba ako simula noong nakilala ko si Marie.

sya yung bestfriend ko.

Nung una parehas kaming mahiyain.

Pero ngayon parehas na kaming walang hiya.

Ang saya ko kasi nagkaroon na ako ng isang kaibigan na maituturing kong yaman.

Sabay kaming papasok sa paaralan
Sabay kakain
Sabay Uuwi

Basta kahit saan. Sabay kami. Basta magkasama

Minsan nga parehas pa kami ng crush.

okay lang yung kasi crush lang naman.

Ang usapan namin walang iwanan

Walang iwanan ha? Bestfriend Wala munang lovelife. Promise

Oo wala naman talagang iwanan.

Kahit saan.

Kahit kailan.

Maging sa pagtanda.

Pero parang nag bago ang ihip ng hangin.

hindi na ata matutupad yung promise na iyon.

Nalaman ko nalang na may boyfriend na sya.

Pero ang sabi nya Bestfriend lang daw sila.

Syempre ako bilang tao masasaktan din.

Ang sakit pala no? Yung bestfriend mo may bestfriend din

Yung dating sabay kayong kakain.

sabay uuwi

sabay sa lahat.

wala na.

Ako nalang yung magisang umuuwi
kumakain

at sa lahat ako lang mag isa.

yung dating super close

ngayon so far

Wala na parang wala lang para sa kanya.

hindi nya alam na nasasaktan din ako.

Kasi naman lagi akong nakangiti

Lagi lang akong masaya para sa kanila.

Lagi lang akong nanyan para sa kanya.

Iba pala yung feeling na ikaw nalang mag isa.

yung wala ka ng ibang kaibigan na matakbuhan kapag may problema ka.

Iba pala talaga kapag wala kang balikat naiiyakan kapag nasasaktan kana.

Ang hirap tanggapin na wala ka ng kaibigan na palagi mong kasama kahit saan ka mag punta.

Ang hirap pala talaga.

BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon