Isang tanghali ng napadpad ako malapit sa isang kariton, kariton na naglalaman ng kikiam na nadadarang sa mainit na mantika kasama ng iba pang lumulutang na paninda, Pero iba ang isang kikiam na to, golden brown, tamang tama ang laki, saktong sakto ang pagkinang ng mantikang bumabalot sa malalabanos na balat nito. Napalunok ako, pinilit kong labanan ang kagustuhan kong matikman ang kikiam na to. Pero sa huli, bumigay rin ako, sinong di mabibighani sa isang perpektong kikiam na sumisigaw ng "kainin mo ko!" tao lang ako, at sa pagkakataong ito ay nagpaagos ako sa sigaw ng damdamin ko.
Agad kong kinuha ang panusok sa kanyang lagayan, habang nakatitig ako sa kikiam na tutuhugin ko, pakiramdam ko ay para kong mandaragat na nakatanaw ng perkpektong isdang mahuhuli, parang isang tulisan na nakakita ng isang kabang ginto, isang mangangasong nakatagpo ng isang pambihirang hayop. Walang sino man ang di mapapatusok sa kikiam na to.
Dahan dahan ay tumusok ang matulis na dulo ng stick sa gitnang bahagi ng kikiam, dinama ko ang bawat sandaling dumadausdos ang stick sa kabuuan ng kikiam ko, di ko mapigilang mapakagat labi sa tuwing sisirit ang mantika palabas sa kikiam na aking tinutusok, at nang iangat ko ang kikiam sa kawang pinaglulutuan nito ay mas lalo akong nasabik, pagkat nasilayan ko sa unang pagkakataon, ang kabuuan nito. At siya nga, ngayon lang ako nakakita ng kikiam na kasing ganda ng kikiam na to.
Inilubog ko ang kikiam sa maanghang na sawsawang nakalagay sa isang mataas na garapon, habang inilulubog ko ito ay walang anumang panglalaban ang naganap, tila handa na ito sa kung saan ito papunta, para bang umpisa pa lang ay alam na niyang buong buo ko siya kakainin, tumulo ang pawis ko ng maamoy kong ito'y papalapit na sa aking mukha, dahan dahan ay ibinuka ko ang aking bibig, nararamdaman ko ang usok na nangagaling sa kaloob looban ng kikiam ko, napapikit ako at hinayaan kong bumuhos ang kaligayahan sa pagdampi nito sa aking dila, pero nandilim ang paningin ko nang walang nararamdaman, di ko malasahan ang ang katas ng kikiam na matagal kong hinintay, pagdilat ko ay isang kagimbal gimbal na eksena ang aking nakita...
Nalaglag yung kikiam.
BINABASA MO ANG
50 Kwento Pabalik
Short StoryNakatayo ka sa gitna ng daan pauwi, habang binubuhat mo ang paa mo patalikod ay muli mong binalikan ang mga alaalang nilakaran mo pasulong. alaala ng pagkadapa... alaala ng pagiyak... alaala ng muling pagngiti... alaala ng minsan isang kahapon ay ku...