Sampung segundo akong nakatingin sa lupa kung saan bumagsak ang aking kikiam. Nilikom ko ang lahat ng lakas na natitira sa aking katawan upang itiklop ang tuhod ko at pagmasdan ang sinapit ng aking pinapangarap. Napabuntong hininga ko ng mamasadan kong kinababalutan na siya ng dumi at alikabok na tumakip sa dati niyang halina. Kinuyom ko ang aking mga palad at tinangka ko siyang buhatin, ngunit nahuli ako.
Panandaliang huminto ang oras ko ng makita ko ang matutulis na pangil na unti unting lumiligid sa kikiam na aking pinagmamasdan, dahan dahan ay bumaon ang mga ngipin nito papasok sa butas na dating kinalalagyan ng aking stick, agad agad ay pumalibot ang dila nitong puno ng malagkit na laway tungo sa kabuuan ng aking kikiam, napakasakit makita na ang dating sayo ay unti unting nakukuha ng iba, at ang mas masakit pa ay ang makita mong hindi man lang siya pumiglas o lumaban, hindi man lang niya isinigaw ang iyong pangalan o kahit pansinin man lang kung gaano ka nahirapan sa iyong nakikita.
At sa isang iglap ay tinangay ng asong kulay puti ang pinakaaasam kong kikiam. The kikiam that got away.
Agad akong tumayo at tinitigan ko ang mamang nagtitinda ng kikiam, bakas sa kanyang mga mata ang gulat at pagtataka sa kanyang nasaksikan, bakas ang tensyon mula sa pagtulo ng pawis mula sa kanyang noo. Dali dali ay tinanong ko siya. "manong vendor no 23., wala ka na bang kikiam?" at sumagot naman siya, "wala, wala nakong kikiam". Nagkadikit ang mga kilay ko sa kanyang isinagot, hindi ko inaasahan na wala nang kikiam ang tinderong ito pagkat alas dos palang ng hapon, tiniklop ko ang aking mga kamao, at nagtangkang lumakad palayo ngunit may sinabi siya, "baka meron pa kay fishball vendor emeritus no. 27".
Napapump ang puso ko na parang sumasayaw sa kanta ni Britney spears, ng marinig ko ito ay agad akong tumakbo papunta kay manong vendor no. 27, hindi nako lumingon mula sa aking pinangalingan, hindi nako huminto para mag sabi ng thank you, ang alam ko lang gusto ng kikiam, 50 pcs ng golden brown kikiam.
Hingal aso ako ng marating ko ang pwesto ni fishball vendor emeritus no. 27, halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang isang kawa ng golden brown kikiam na palutang lutang sa dagat ng mantika, sa pagkakataong ito ay hindi nalang ako basta nakakita ng isdang mahuhuli o ng isang baul ng ginto, ang namamasdan ko ay isang eksena sa langit, isang pangyayaring minsan lang makikita sa lupa.
Lumakad pa ko papalapit at tinanong ko ang tindero, "fishball vendor emeritus no. 27! Bakit wala kang tindang fishball?". At nagwika siya, "oh my god, I hate drugs." Na gets ko yon, at agad agad ay kumuha ako ng stick na panusok, binaon ko ito sa lahat ng kikiam na nakikita ko, lima, ay hinde sampu, ay hinde dalawampu. Pero hinde, 50 pcs. ng golden brown kikiam ang tinuhog, ko. tinuhog ko silang lahat ng walang angal, sa isang stick lang, 50 sila.
Isinubo ko ng buo ang mga kikiam na kinuha ko, kahit di naman to chooks to go ay di ko na rin sinawsaw dahil sa paniniwala kong masarap to kahit walang sauce, pero ng dumampi na ang laway ko sa kikiam na nagsisiksikan sa loob ng aking bibig, ay sumabay ang pagagos ng luha sa aking mga mata, hindi ito ang kikiam na hinahanap ko.
Doon ko lang nalaman na kahit kailan di ko na mahahanap ang unang kikiam na nakita ko, kahit saan ako maghanap, kahit piso o dalawang piso man ang presyo, kahit nasa plastic cup o paper plate pa yan, kahit golden brown man yan o pink, Hindi na, walang kahit na anong kikiam ang papalit sa una kong nagustuhan.
Parang pusong di mo na matuturuang magmahal muli...
Kaya lumakad ako palayo bitbit ang isang bagahe ng sama ng loob na naipon sa aking puso, pinilit kong buhatin palayo ang mga paa ko... gusto kong lingunin ang pinanggalingan ko kaso baka masaktan lang akong muli, bahagya lang akong natigilan ng marinig ko ang tinig ni fishball vendor emeritus no. 27 at nagsabing, "Hoy! Hindi ka pa bayad!".
Kaya agad ay bumalikwas ang leeg ko pabalik at tinitigan ko siya ,kasing tulis ng bagong tasang lapis ang mga mata ko na nagaalab sa galit at pighati dala ng aking karanasan ngayon araw. maya maya pa ay di na siya nagsalita, alam ko, na gets niya yon.
Kasi ang kikiam ko, iba yon. Talo pa ang first love mo.
BINABASA MO ANG
50 Kwento Pabalik
Short StoryNakatayo ka sa gitna ng daan pauwi, habang binubuhat mo ang paa mo patalikod ay muli mong binalikan ang mga alaalang nilakaran mo pasulong. alaala ng pagkadapa... alaala ng pagiyak... alaala ng muling pagngiti... alaala ng minsan isang kahapon ay ku...