PUBLIC DIARY~~2

28 1 0
                                    

September 1, 2013

2:32 pm

CRUSH

Oo alam ko, hanggang crush lang talaga kita na di na pwedeng tumaas pa ang Level natin. Pero nakakasakit na eh. Alam kong OA na kasi di pa nga mag syota eh nasasaktan na. Pero HELLO umiibig din ako noh, handang masaktan. Kung alam lang siguro ng lahat ng mga lalaki na sobrang Sensitive ang damdamin naming mga Babae pero ikaw kasi eh. Kung ayaw mo sa 'kin sabihin mo ng deretsu wag yung magpapakita pa ng motibo kasi umaasa ako eh na parehos yung nararamdaman natin ' the feeling is mutual ' kumbaga. Yang yung na fe-feel ko sa twing nagpapakita ka sa'kin na may feelings ka rin sa'kin.

Marami ng nakakaalam na may gusto ako sa'yo pero binalewala mo lang. Minsan naisip ko sobra ba talaga kapangitan ko ?? Yung tipong wala ng chance gumanda. Kasi minsan, nag ka Crush ako sa Classmate ko pero you know sya ... Eheeeem. Yung tipong di mapansin, yung ano .... Woooh! Okay direct to the point ... Ano sya PANGIT. Ayun nasabi ko rin.

Tapos sabi nya sa'kin maghintay daw ako hanggang 4th Year kasi baka daw ma develop sya sa'kin kahit konti. Like duhhhh!!! Grabeeeh! Pangit na yung nagsabi ha na maghintay daw ako. Haaaay!

Mas sobra pa siguro ang sasabihin ng Crush ko ngayon, kasi yung pangit nga naka Dare magsabi nun sa'kin. Campus Idol pa kaya.

Oo, tama kayo ng basa Campus Idol sya . Wew! Taas ko'ng mangarap noh. Haaay! pero sabi ng mga kaibigan ko, Mag move on na daw ako. Shocks! Anebeyen, Crush pa yan ha pero may move on move on na. ( sounds OA, you know )

PANGARAP

Lahat naman tayo di'ba may mga pangarap. At tsaka sabi pa ng karamihan gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, abutin mo lahat ng gusto mong abutin ( related yan sa pangarap ha ) dahil YOLO You Only Live Once kaya Live Life to the Fullest.

May pangarap ako, syempre tao ako eh. Gusto kong gawin pero, di pwede eh. Puto naman kasi ba't pa ba nalikha ang pera. Hahahahay!! Gusto kong maging Cosplayer kaso wala kaming pera mahirap lang kami, pero di gaanong mahirap kasi nakakain rin naman kami ng 3 beses sa isang araw.

May activity kami ngayon sa school. Costume contest gusto kong sumali pero sabi ng adviser na naka assign kelangan daw kami ang magpapatahi. Haaaay! so back out si ako. Korea kasi yung theme keya maraming tela magagamit, eh sa panahon ngayon tumataas na ang mga bilihin pati na rin mga tela. Hahahay! Akala ko yung Alfagena ngayon ( type ng TELA yan, yung pinakamura-- pero kung susuotin mo mukha ka namang inoven sa loob ) 17 pesos lang, pero 27 na ngayon. Waaaaw! Anlaki ng tinaas. Haaaaay! At for sure di Alfagena yung gagamitin kasi siguradong akong mukha kang niluluto sa oven sa actual contest na. Babasa kili-kili mo, expect the unexpected for sure Talo ka. Ewan ko lang kung bakit bawal ang basa ang kili-kili. Pero nakakahiya din yun noh! Ang mas grabe pa kung may gwapo sa venue ng contest, tapos nakita yung kili-kili, basa. Turn off na kahit di pa na Tu-turn on. Ahahaha

7:15 pm

1 hour na ang nakalipas galing simba. Kasama ko yung kapatid kong mukhang once a month lang makakasimba. Haha parati kasing naglalaro

Hahahay spell B.A.T.A. laro lang ang nasa isipan.

Nanonood lang kami ngayon ng Dr. Seuss' The Lorax. Walang assignment so walang problema. Bukas may pasok na ulit.

CRUSH

Di ko sya makikita bukas kasi may contest sila sa ibang school. Katutubong Sayaw yung sa kanila, yung akin naman Sabayang Pagbigkas. Actually, magkasama kami last year pero sabi ng Head Teacher namin kelangan daw isa lang na contest yung sasalihan para daw di kami mahirapan. Pero syempre pinili nya yung wala ako. Hahaha joke lang. Pinili nya yung Katutubong Sayaw kasi mahilig syang sumayaw. Sa totoo lang, kasali naman talaga ako sa Katutubong Sayaw pero hanggang maaga pa nag back out na ko. Kasi plano kung magpaikli ng buhok, bawal kasi ang maikli ang buhok kelangan daw mataas kasi Maria Clara yung babae. Kaya ayon mas pinili kong di nalang sumali. Tapos yung mga bestfriends ko sasali sa Sabayang Pagbigkas kaya do'n nalang ako.

Nagtataka kayo no kung bakit di ko pinili ang Katutubong Sayaw kung saan kasali do'n si Crush.

Talagang pinag-isipan ko talaga to ng maigi at ang napag desisyonan ko ay sa Sabayang Pagbigkas nalang sasali kung saan wala sya. Okay na rin 'to, stepping stone na siguro 'to ng pag mo-move on ko sa kanya. Echos !! Eh kasi naman 'no, di sya ang partner ko, iba rin partner nya. Eh! walang silbi. Haha komportable na rin ako sa partner nya kasi Bestfriend nya to eh at tsaka may boyfriend na rin bestfriend nya.. Pero anong pakialam ko, stepping stone na nga to di'ba??

Hirap naman oh-uh!!

MY SITUATION NOW!!

Punyeta! Black out, kainis! Mag isa lang ako sa kwarto kausap ko sarili ko. Hahaha joke lang Baliwan lang ang show .

Kaiinggit naman! Andaming nag GM sakin ngayon. Buti pa sila may load. Kagabi pa kasi ako naexpire.. You know naman the UA15 dba??? Hahaha 2 days lng naman yun. Haha may pera naman ako pero wala ako sa mood mag Load, sayang lang din naman Unli ko. Eh sa 80 katao na dinadaanan ko ng GM mga 5 lang yung nagrereply. MyGod nakakaputi ng buhok. At tsaka sa 5 taong nakakatext ko unti-unti silang nawawala at yung matitira ay yung pinaka Boring. Yung tipong 1 word lang yung irereply katulad ng 'ah', 'ok', 'yup' at ang masaklap pa yung favorite word nya ata yung 'HAHAH' eh wala namang nakakatawa sa text ko .. Nakuuu! Nakakawala ng dugo.

Public DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon