Chapter 2

30 3 0
                                    

Copyright © 2016 by proclaimedwriter

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, write to the author.

Chapter 2

Overlooking ang Taal Volcano sa resthouse na ipinagawa ng Auntie ni Claire

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Overlooking ang Taal Volcano sa resthouse na ipinagawa ng Auntie ni Claire. Bukod sa sariwang hangin at malamig na panahon napakaganda pa ng view nito sa baba dahil tabi ito ng dagat.

Tahimik na nakatanaw sa malayo ang kanyang Auntie habang umiinom ng kape. May mangilan ngilang magazines din ang nakabuklat sa ibabaw ng lamesa nito. Tuwing umaga kasi hilig ng tiya na magbasa ng mga newspapers o di kaya'y mga magazines. Nakagawian na kasi ng tiya ang pagbabasa simula ng mamalagi ito sa New York.

Simula ng umuwi si Jane galing US napansin din nitong paboritong lugar pala ng Auntie ang veranda kung saan tanaw na tanaw ang Taal Volcano. Perfect spot. Kapansin pansin din naman na hanggang ngayon ay masaya ang Auntie sa buhay na meron ito at sadyang nagliliwaliw nalang talaga. Kaya naman ay nawili na din siya na tumira dito at parang ayaw na din niyang umalis pa. Kung di nga lang siya magaasawa ay gugustuhin pa niyang dito na lamang tumira. Noong nasa America pa si Claire walang araw na hindi ito nakaharap sa computer dahil sa trabaho. Mayroon kasi itong sariling clothing line business at halos lahat ng client nito ay galing pa ng ibang bansa kaya kailangan talaga niyang tutukan ang payment at shipping process ng bawat client nito. Kung kaya't nakakapanibago na mahaba-habang araw ito ngayon para kay Claire dahil wala itong dapat asikasuhin na trabaho kundi ang pagbabakasyon lang. Living life a kid always expected.

Isang bunggalow house ang bahay ng tiya. Mayroon itong apat na palapag at rooftop. Apat na guest room at isang master's bedroom. Pagpasok mo sa loob ng pinto bubungad agad sayo ang isang malaking portrait ng kanyang tiya noong kabataan nito na sa pagkakaalala niya ay kuha pa matapos ang graduation nito sa kolehiyo. Kapansin pansin din ang mga makalumang kagamitan na gawa pa sa narra ngunit halatang mamahalin ang bawat pigura wari mo'y bumalik ka sa 80's. Isa rin sa pinakamagandang palamuti sa bahay ay ang mga mamahalin at antigong vase na galing pa sa New York kung saan namalagi ang kanyang Auntie ng ilang taon. Isa din ito sa unang napapansin ng mga bisita kapag sila ay nalalagi dito. Kulay puti din ang pintura ng buong bahay na nakapagpadagdag ng eleganteng itsura ng buong resthouse. Modernize din ang disenyo ng bahay na halatang pinagisipan talaga ng mabuti.

Base sa kanyang na-aalala ang tiya ang nagdisenyo ng resthouse dahil ito daw ang pangarap niyang bahay noong bata pa lamang ito at ipinangako sa sarili na ipapatayo niya ito kapag napagdesisyonan na nitong manatili na lamang sa Pilipinas.

Isa lang ang masasabi niya. Napakaganda.

Ilang buwan nalang din ay ikakasal na si Claire, may halong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Kasi naman ay nasanay siyang baby at alaga ng kanyang mga auntie kung kaya't ngayon na bubukod na siya ay hindi niya alam kung ano ang buhay na kakaharapin. Independent naman ito dahil laking America pero minsan naiisip din nito na kapag ikinasal na siya ay ayaw pa nitong magkaroon ng anak at baka di pa nito kayanin ang responsibilidad.

Dahan dahan siyang umupo sa katabing bench na inuupuan ng Auntie upang saluhan ito magkape dahil napakaganda nga naman ng araw at napakalamig pa ngayon sa Tagaytay. Napansin naman siya agad ng tiya kaya agad itong ngumite pagkakita sa kanya.

"Claire good morning. What brings you here?" masayang bati sa kanya ng tiya. Napangite si Jane. Hindi pa rin nagbabago ang tiya napakabungisngis pa din nito at laging nakangite.

"Wala naman Auntie. Gusto lang kita makasama magcoffeee. Napansin ko kasi na paborito niyo palang lugar ang veranda dito sa resthouse." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay uminom siya agad ng kape. Agad namang ibinaba ng tiya ang coffee mug na hawak nito at humarap sa kanya na tila nagulat sa kanyang sinabi. Pero agad naman itong nakabawi at ngumite.

"Madaming magagandang alaala, Claire." Tila lumilipad ang isipan ng tiya ng sabihin ang mga katagang iyon.

Simula ng umuwi siya sa Pilipinas ni hindi man lang nakapagkwento ang tiya sa kanya tungkol sa "great love story" daw nito na nabanggit sa kanya ng kanyang papa noong nasa US pa siya. Napakaganda nga ng storyang iyon dinaig pa daw ang telenovela. Pero hindi niya alam kung ano ang totoong pangyayari kaya naman nagtataka ito kung bakit ni minsan ay hindi ito naikwento sa kanya ng tiya. Samantalang siya napakadaldal niya dito kapag tungkol sa love story niya ang pinaguusapan. Eh paano, sa tiya din kasi ito humihingi ng advice pagdating sa problema sa pagibig kaya masasabi nitong malapit din naman ito sa Auntie. Kaya nga ng malaman ng tiya na nasa Pinas na siya ay inalok siya agad nito na dito nalang sa Tagaytay magstay para din mas makamura kesa maghotel pa na dagdag gastos lang.

Para makabonding din niya ang kanyang Auntie bago man lang siya ikasal kay Martin na anak naman ng isang negosyante sa Bulacan na nakilala niya sa America.

"Mind if I ask Auntie, bakit never niyo pa naikwento sa akin ang tungkol sa love story ninyo? Ang balita ko nga po ay napakagandang story nun." tanong ni Claire habang umiinom ng coffee at nakatanaw din sa malayo kagaya ng Auntie. Napansin naman niyang di agad nakapagsalita ang tiya kaya naisip niyang marahil ay ayaw talaga nitong pagusapan ang bagay na iyon.

Nahihiya niyang tinapos agad ang paginom ng kape at dahan dahang ibinaba ang tasa. Aakyat nalang muna siguro siya. "I mean its okay auntie if you don't want to talk about it. I understand. Osya auntie, maiwan na po kita. Aakyat na muna ako." Akmang tatayo na sana si Claire ng bigla syang hawakan sa braso ng tiya. "Wait-!"

"I mean if you still have time, Jane. I can tell you about it." Nakangiteng tugon ng tiya sa kanya. Ramdam ni Claire na handa na ang tiya niya na magkwento kaya napabalik ito agad sa pagkakaupo at agad tinawag ang katulong.

"Manang Doray, more coffee please." Utos nito sa katulong bago humarap sa tiya.

Mukhang mahaba habang araw nga ito para kay Claire.

A Place Where She BelongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon