Chapter 3

29 2 0
                                    

Copyright © 2016 by proclaimedwriter

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, write to the author.


Chapter 3

Tanghali na ng magising si Miya dahil sa hangover niya sa lakad nila ng mga kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tanghali na ng magising si Miya dahil sa hangover niya sa lakad nila ng mga kaibigan. Friday kasi kaya nag-aya ulit ang magaling niyang bestfriend na si Emily lumabas tutal naman daw ay na-perfect nila ang project na ipinasa nila sa terror nilang teacher na kulang nalang ay magbuga ng apoy dahil sa sobrang kasungitan. Palibhasa menopouse na. Sa sobrang kalasingan nga ng kaniyang bestfriend ay nalimutan na nito kung saan ito nakatira. Kung kaya't heto ngayon dalawa silang nagsisiksikan sa maliit na kama niya sa unit.

Maingat na umalis ng kama si Miya para hindi magising ang kaibigan. Dumiretso ito sa refrigerator niya para tignan kung ano ang pwedeng mailuto ngayong araw. At kung suswertehin ka nga naman wala nga pala siyang ginrocery dahil midterms week nila ng mga nakaraang linggo kung kaya't wala na itong oras para lumabas at mamili pa sa Mall. Great, Miya. Ang galing mo talaga. Argh!

Kaya mabilis itong nagpalit ng damit para naman magmukhang disente tignan pagbaba sa condo. May malapit namang Mercury drug sa baba ng building niya kaya hindi ito mahihirapan mamili. Halos wala pang dalawang minuto kung lalakarin. Sinigurado din niya na nakalock ng maigi ang unit bago ito lumabas. Mahirap na baka manin-ja si Emily.

Habang naglalakad sa hallway bitbit nito ang kanyang Iphone habang nakapasak naman sa kaliwang tenga ang isang earphones. Lalo na't may bagong labas na kanta ang The 1975 kaya't agad niya itong dinownload sa Itunes. Hindi na nga niya namalayan na may kasabay pala siyang naghihintay sa elevator dahil sa pakikinig ng tugtog. Agad na napatingin sa kanan si Miya para alamin kung sino. 'Di nito akalain na 'yung bagong tenant pala.

Awkward.

Hindi malaman ni Miya kung ano ang gagawin kaya tumitig na lamang ito sa cellphone at nagkunwaring walang nakita. Mabuti nalang at nagbukas agad ang elevator. Ting! Kaya't mabilis itong pumasok sa loob. Pinindot naman agad ng bagong tenant ang "ground" button.

Nagring naman ang cellphone niya at bumungad sa kanya ang mukha ng kaibigang si Emily na alam niyang gising na. Agad siyang napatingin sa lalaki na halatang nagulat sa tunog ng cellphone niya. "Ay!" bulaslas niya. Nakakahiya anlakas naman ng tunog ng phone ko. Agad niyang tinext ang kaibigan para sabihing bumaba lang siya para bumili ng pagkain dahil alam naman niyang matataranta na-nman 'yon at kung ano ano nanaman ang iisipin. Last time akala niya pinasok kami ng magnanakaw dahil nagkalat yung mga gamit ko. Pambihira.

Nagulat naman siya ng biglang magsalita ang bagong tenant. "Hi? Sa St. James ka nagaaral?" Agad napatingala si Miya. Eh?

Agad niyang ibinulsa ang phone ng makumpirmang kinakausap nga siya ng lalaki. Para naman hindi siya magmukhang bastos sa kausap lalo na't wala naman itong dalang kahit anong gadgets. "Ahh. Yes taga-dun ako! Welcome nga pala sa Celestia Building! Ano school mo?" magiliw naman niyang sagot. Sa katunayan niyan feeling close talaga siya sa  mga taong hindi niya pa naman talaga kilala kaya minsan ay naiisip niyang baka naiirita na ang mga ito pagnagsasalita siya.

Natawa naman ang lalaki sa inasal niya. Oh diba, natatawa siya sa akln. Sabi ko na e. "Doon din ako nagaaral pero shiftee ako. Kaya naghanap ako ng condo na pwedeng tuluyan." Sagot naman nito. Ay shiftee, bakit kaya?

Napakunot ang noo niya dito. "Bakit ka nag shift?" Ayaw naman talaga niya sanang magtanong pa pero nacurious ulit siya. Typical me. Sa tingin din niya'y mas matanda ito sa kanya kaya marahil ay nasa 3rd year na ito.

"I am not into Architecture kase. Mas gusto ko pa ang medicine. Besides, yun din naman ang gusto sa akin ng mama ko." Sagot naman nito. Tinitigan niya ito ng maigi, mukha ngang desidido talaga ito sa desisyon. Sayang nga lang baka bumalik ito ng first year dahil shiftee. Sabagay, kung siya din naman iyon mas pipiliin niyang lumipat ng course kung hindi naman niya talaga gusto ang kurso na nakuha.

Bigla namang tumunog ang elevator na ibig sabihin ay nasa ground floor na sila.

"That's good as long as masaya ka sa course mo. Anyways, nice meeting you...?" tanong ni Miya. Nalimutan naman kasi niyang magpakilala.

"Luke. Ikaw?" sagot nito. Napatingin pa ito sa guard matapos itong batiin pagkakita dito. Agad naman itong tumango at ngumite. Friendly pala.

"Miya nalang. O, pano una na ako ha? See you when I see you!" agad naman itong tumango at ngumite sa kanya kaya nagmamadali na din siyang lumabas ng condo para dumiretsu sa Mercury drug. Kahit papaano ay may maganda din namang kinahinatnan ang elevator scene nila ng bagong tenant kasi nakilala na din niya ito ng personal. Medtech student pala.

Infairness! Gwapo nga talaga. Ikekwento ko nga kay Emily mamaya for sure kikiligin yung bruha.

Natatawa nalang na napailing si Miya. Mabuti at nakilala na din niya ang bagong tenant. Kahit masakit ang ulo nito, pakiwari niya'y gumaan ang kanyang pakiramdam. Aba, mangagamot ata si Kuya.

A Place Where She BelongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon