boarding house

2.3K 87 5
                                    

Kaway kaway ang mga college student dyan...
May tanong ako sa inyo...
Sino sa inyo ang nag bord na?
Yun nakatira kayo sa ibang bahay kasi no choice dahil malapit sa sa school....
Iba ibang tao ibat ibang expectation, at ibat ibang experience meron dyang

Nakakaexcite, nakakalungkot, at may nakakatakot din na
na karanasan...

May alam akong kwentong sobrang nakakakilabot dahil sa pag upa sa isang boarding house......

Ito ay kwento ni william isang college student sa isang sikat na university...

PoV ni william

Umuupa ako noon sa isang boarding house bale lima kaming nagboard dito, mas marami sa kwarto mas makakamura, malapit din ito sa school na pinapasukan nmin...

Ang kwarto nmin ay hinati sa dalawang pader n gawa sa kahoy...sa isang kwarto tatlo kaming natutulog  at sa kabilang hati  ng kwartp po dalawa lang cla..

Ang boarding house na ito ay exclusives for boys lang.

Alam nyo ba kung baket?

Ang sabi daw ng mga nakakusap namin sa labas may nag mumulto daw ditong babae..

Nagpapakita daw ito mismo dun kwarto nmin dahil dun sya nagbigti  at namatay...

Syempre kahit lalaki kmi, ibang usapan pag multo , lalo nat malakas mag paramdam ang babaeng nakaputi, iniiwasan namin tong pag usapan, isa din ito sa dahilan kaya  tuwing sabado at linggo..sabay sabay kaming umuuwi sa aming pamilya at walang nag papaiwan sa boarding house...

Ang kaso......

Nakaranas ka n bang malagay sa isang sitwasyon na wla kang magawa kundi ang sumugal n lang at sabihing bahala na dhil hindi mo n kaya...

Parang ako ng mga sandaling yun...

Umaga ng sabado,

bigla akong nagkasakit, na halos hindi ko magalaw ang buong katawan ko dahil sa sobrang lamig at taas ng lagnat ko....napag pasyahan kong magpaiwan...

Umuwi na silang lahat at ako lang ang naiwan mag isa dito sa kwarto ng boarding house,

May kasama naman ako mamayang  gabi matulog dahil may pasok   yung isa kong kaboredmate
Kaso  alas otso pa ng gabi ang labas nya.....

Tandang tanda ko pa ng mga oras na yun pagabi na mga 5:30pm, at padilim na sa labas

Nagicng ako dahil   sa lakas ng hangin na nagmumula sa bintana...kaya  napagpasyahan kong isara ito, sobrang lamig ng pakiramdam ko...pag sarado ko ng bintana, sobrang dilim nmn

Dahil nakakakapanglaw sa pakiramdam at isama  pa ang katahimikan , naicipan kong,

Buksan ung lampshade ko para kahit papaano may makita man lang akong liwanag sa kwarto ko kahit gumicng ako ng gabi...
Tapoz na tulog na ulit ako....






Ngcng ako mag aala syete na ng gabi....

May naramdaman akong presenya ng tao sa likod ko, ..

Syempre kahit na nakatalikod ako ramdam ko pa din kung may tao sa likod KO..
at tama nga ako dahil at sa gilid ng mata ko,  may nakita akong bulto ng tao,

Ang nasa isip ko yung kabordmate ko,  PERO ng mapatingin ako sa orasan malapit sa lampshade, nag taka ako kasi, 7pm palang, .8PM pa dpat ang labas nya,

Kakausapin ko sana sya, at tatanungin kung baket sya maaga.

ng bigla akong mapaicip...
nagtataka lang ksi ako,
baket hindi man lang nya binuksan ang ilaw....

Nakiramdam muna ako at nakatalikod pa din sa knya,
Natatakot akong humarap kasi kinukutaban na ko
Dahil ......
Narmdamn kong palakad lakad n sya sa gilid ng higaan ko..
Hindi normal un para sa isang tao,

Dhil dun, hindi ako mapalagay, pinilit ko syang tingnan ng pa side view ung ndi nya mahahalata.....

Yung kutob ko kanina napalitan ng pangingilabot,

hindi pala yun ung kabored mate ko, kundi.....isang multo..

Isang babaeng nakaputi at sobrang haba ng buhok, hindi pala sya nag lalakad ,
Dahil hindi na kalapat ang paa nya sa sahig....
Dahil sa panginginig ng katawan ko, at takot,
Nagtalukbong ako ng kumot....

Pero Dahil sa gnawa kong ingay .....

Napansin kong biglang tumigil ang paglalakad ng nakaputing babae...

Maya maya pay naramdaman kong may biglang umupo sa tabi ng kama ko.......dahil biglang nauga yung hinihigaan ko, tanda n may umupo sa tabi ko..

Nanginginig na ako sa takot.....pakiramdam ko, mas lalong tumaas ang lagnat ko,

Nakatalukbong pa din ako at nagdadasal na mawala na ung babae sa na nakaupo sa kama ko, mag kakalahating oras ata akong nasa ganung posisyon ng tangkain kong silipin mula sa labas ng kumot kung wla na yung babae........

Pag silip ko.......



Sna hindi ko na lng gnawa ...
dahil ngayon,

Yung babae sinisilip din pla nya ako at dahil nahawi ko ung  kumot ko,
kitang kita  ang itsura nya am wla syang mata, ilong o bibig man lang, as in blanko ang mukha nya....tapoz nakalugay yung buhok sa harap.....

Nakaupo pa din sya sa tabi ko at nakatungo na  nakatingin pa din sa kin...
Halos mahimatay na ako sa takot dahil sa pagkakalapit ng muka nya sa kin dahil nakatungo sya na nakaharap sa kin...

Wla akong magawa para akong nababangungot ng gcng.......anu mang oras mawawalan n ako ng malay tao....
Sobrang dilim ng kwartong ito hindi n makahinga sa takot nararamdamn ko, at icipin ko pang ako lang mag isa ngayong gabi dito sa ganito pang kalagayan....hindi ko alm kun gaano pa ako katagal sa sitwasyong ito.......

Hindi tlga sya umaaalis o nawawala,..nakaupo pa din sya at hinihintay akong sumilip ulit...















................
Naabutan n lang ako ng kasama ko naputlang putla , ng tangalin nya ang kumot na nakataklob sa kin,

Kala nya nababangunot na ako kaya, tinapik tinapik pa nya ako at tinanggal pa nya ang kumot ko,

Natakot sya pa sa kin dahil putlang putla na daw ako....

Icipin nyo kung wla akong kasma ng gabing yun, malamang magdamag din akong tinitigan ng babaenng nakaputi,

Authors note:

TRIVIA, ALAM NYO BA KUNG BAKET GANUN YUNG WHITE LADY, ANG SABI DAW KASI, dati daw dorm tlga un ng babae at lalaki,
May magkasintahan na dun umupa parehong estudyante pero  nabuntis daw yung babae, ang kaso hindi sya pinanagutan ng kasintahang lalaki,,hindi nya na kinaya at natanggap kaya nagpakamatay sya..
ang nakakakilabot, ang alam nya lahat ng lalaking maabutan sya sa loob ng kwarto na dun mismo natutulog , yun ung boyfriend nya, kaya tinatabihan nya ito, hinahanap pa din nya kasi ung taong nakabuntis sa knya.....

Naguxtuhan nyo ba...dont forget to leave some comment and votes ok..

Inuna ko muna toh, bago yung part 3  ng elemento

slamt sa lahat ng nag follow sa kin..
At syempre happy ako kc.....natakot ko kayo,...hahhah..

Abangan nyo ung ipupublish kong story n kinemeng mahaba.. ha...

.lol....tnx sa support...


Ok 10 comments ha..kung namiss nyo akong mag upate solomot...hihi....

Enjoy reading


tagalog horror stories by (kramish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon