Chapter 9 - Near Death

70 3 2
                                    

Kristene's POV

Nagluto na ako ng eggs and bacon. Breakfast namin. Hahahaha. Ihinahanda ko na ang breakfast namin nang biglang tumalon si Ian from 3rd floor to 1st floor. Galing ano? Vampire perks. Hahhahaha.

"Kristene. Si Christian, masakit daw ang ulo. Hangover ata"

Hangover?!

"Teka teka, hangover?! Pina-inom niyo ng alak ano?" Tanong ko. Napakamot siya ng nape niya at tumango. Tapos, biglang sumakit ung ulo niya.

"Haist! Sabi ng mama niya wag siyang iinom eh!" Sabi ko at naghanda ng gamot, tubig at panyo. Hahahahha.

Pumasok ako sa kwarto nila. Pag-pasok ko nakita ako ni Drei, nakahiga't nakahawak sa ulo. May hangover rin.

"Morning" sabi niya sakin. Ngumiti lang ako. Tapos nun ay lumabas na siya. Nilapitan ko si Christian

"Diba sabi ng Mama mo wag kang iinom unless you are 20 years old? Youre still 15, 5 years to go hindi ka pa nakapag-hintay"

Tumingin siya sakin at humawak sa ulo niya. Masakit talaga ang magka-hangover. I once had that before, pero.... I eased off the pain by resting.

"Masakit ung ulo ko. Pakshet" sabi niya. Siguro ung dalawa masakit din ang ulo. Naka-hawak sila sa ulo nila kanina eh. Hahahah..

"Shhhh, ipahinga mo lang yan. Nandito lang ako" sabi ko sa kanya. Pinunasan ko ung kamay niya, leeg niya, noo niya, braso niya. Etc. Tapos pinainom ko siya ng gamot.

Lalabas na sana ako eh bigla niyang hinawakan ung kamay ko.

"Kristene, wag mo akong iwan." Sabi niya.

"Babalik ako. Magpahinga ka muna diyan." Sabi ko at lumabas. Pagbaba ko eh, halos naubos na ung luto ko. Buti may natira pa.

"Pinilit naming hindi ubusin. Its so delicious eh." Sabi ni Jul.

Kumuha ako ng konti at ipinaghanda ko rin si Christian. Umakyat ako sa taas tapos inilagay ung pagkain sa lamesa.

"Kristene!" Sabi niya tapos yumakap sakin ng mahigpit.

"Ang sakit" sabi niya na tila naiiyak na. Niyakap ko siya.

"Sssshhhh. Ipahinga mo lang yan." Sabi ko at hiniga siya sa kama niya. Hawak ko ung kamay niya habang natutulog siya.

///////1 hour later///////

Gumising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

*knock knock*

"Pasok" sabi ko. Si Yunisse.

"Bes, aalis daw tayo. Sabi ng Papa mo magkita-kita daw tayo sa bahay niyo."

Tumaray lang ako. Siya nanaman.

"Ano daw kelangan niya?"tanong ko.

"Ikaw" sabi niya.

"Sandali lang. Gigisingin ko pa itong isang to." Sabi ko saka siya umalis.

"Uy Christian. Gising. Gusto daw ni papa tayong makita." Sabi ko. Gumising lang siya.

"Okay. Maghanda ka na" sabi niya.

"Hindi na masakit yang ulo mo?" Tanong ko.

"Hindi na. Salamat sa pag-aalaga mo." Sabi niya.

Ngumiti ako at umalis. Pumasok ako sa kwarto ko at naghanda.

Pagkatapos ko ay bumaba ako.

"Oh, handa na si Kristene. Tara na." Sabi ni Drei at lumabas. Lumabas kaming lahat at sumakay sa kotse niya. Mga ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon