RENZ
Last period. Vacant time, yes! Malapit na mag-awasan. Gosh, andaming task halos lahat ata ng subject meron, hayst. Buti na lang marami na akong natapos, at hindi ako masyadong mahihirapan. About sa training namin mayroon pa kaming 9 months para maghanda, at para na rin sa pagpapalakas ng team
Kasalukuyan kong sinosolve itong math problem at shet hindi ko alam kung paano ito gagawin.
"Yashi!"
Tas nagtinginan yung mga taong nandito sa loob ng library. Omg. Ansama pati nung tingin sakin nung librarian, tas tinuro nya yung malaking sign na PLEASE SILENCE. Tumango na lang ako. At bumulong ng sorry. Eh nakalimutan ko kasi na nasa library nga pala kameng tatlo.
Binulungan ko si yashi, na kasalukuyang nagbabasa nung story sa watty, buti pa sya. Tapos na sa mga tasks
"Yashi, Turuan mo naman akong isolve tong math problem natin, hindi ko maintindihan eh"
"Imultiply mo to, tas iadd mo. Bring down yan. Djsyklovaubstikbarubdjklnc vthb. Ganun"
"Hindi ko maintindihan"
"Tapos ko na itong research na ginagawa ko. Tara dun tayo sa canteen. Para makapagkwentuhan tayo" pabulong na sabi ni rayven. Katatapos nya lang ibalik yung napakapal na History book, ewan ko ba sa kanya. May internet naman pero nagtyatyaga sya sa mga libro.
Ugh. Hindi pa ako tapos. Bahala na. Sa bahay ko na lang tatapusin
UNKNOWN
Gusto ko sanang turuan si renz sa math problem nya, eh mukhang busy yung dalawa nyang kaibigan. Bakit ko alam? Nandito ako sa library. Nakaupo ako ngaun malapit sa table nila. At sapat na para marinig ko ang pinaguusapan nila.
Naibalik na nung rayven yung malaking history book. Hmm. Mukhang easy easy yung dalawa nyang kaibigan. At itong si renz. Hirap na hirap sa math problem. Gusto ko sana syang lapitan at turuan, hindi ko lang magawa. Nahihiya ako eh.
Bumulong yung rayven, dahil malapit lang ako narinig ko pa rin ang sinabi nya
"Tapos ko na itong research na ginagawa ko. Tara dun tayo sa canteen. Para makapagkwentuhan tayo"
Tumayo na sila, pupunta silang canteen. Hinintay ko muna silang makalayo para hindi nila mahalata na sinusundan ko sila.
Tumayo na rin ako at kinuha yung gamit ko. Susundan ko sila. ^_^
RENZ
Nandito na kame ngaun sa canteen, at malaya na kameng magdaldalan, walang librarian na sisita sa kwentuhan namen. Haha
Binuksan ko pa din yung math book at notebook ko para itry na tapusin yung dapat tapusin. Ugh. Hindi ko talaga kaya.
Pati tong dalawa. Tinuloy ni yashi ang pagbabasa sa watty, si rayven naman, nirereview yung research nya.
Naalala ko bigla yung envelope na pink, Hinalungkat ko yung bag ko, wala, sa book wala, tinignan ko yung likod ng math notebook ko na kung saan eh, nag flames hope ako ng pangalan namin ni dylan. Hihi. Ang landi ko. Ang lumabas? Love = Oo. Yieeee.
Kinikilig na naman ako. Jusq. Nababaliw na naman ako. Binuklat ko pa yung math notebook ko, at natagpuan ko yung sobre na pink. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Ano kayang laman ng mensahe? Baka mamaya may nagbabanta sakin, Wag naman sana po sana..
"Yashi, Rayven"
Tas tumingin sakin yung dalawa
"May sasabihin ako. Pwedeng itigil nyo muna ginagawa nyo?"
"Ano yun?" Yashi
"Anong meron?" Rayven
"Alam nyo nung araw ng try out. Pagbukas ko kasi nang locker ko, may nahulog na sobre, eto oh *taas konti, hawak ang pink na sobre"
"Anung sabi ng letter?" Yashi
"Ngaun ko na lang naalala eh, diba tuesday ngaun? So nung saturday (araw ng tryout) pagbukas ko nung locker ko nahulog ito, hindi ko pa sya nababasa"
"Basahin mo na" Rayven
"Sige"
Binuksan ko na yung sobre na pink, wow pagkabukas ko pink den yung papel, taray! Scented paper pa ang ginamit.
"Basahin mo na!" yashi
"Bilisan mo, excited na ako marinig ang laman ng sulat!!" rayven
"Ito na, saglit lang kalma lang kayo"
Binasa ko ang sulat at sapat na para silang dalawa lang ang makarinig.
Dear Renz
Hello renz! nung una kitang makita, mahal na kita, nahihiya akong umamin sayo eh, baka kasi hindi mo ako pansinin, o kaya itaboy mo ako. Pero darating ang araw na aamin ako sayo ng personal
-Unknown
Tas nagtilian kameng tatlo ng mahina, eh kasi naman. Hindi namin napigilan yung kilig. Jusme.
"Ang swerte mo naman renz, may secret admirer ka. Sino kaya si unknown?" Yashi
"Wag muna tayong magmadali, sabi ni unknown, magpapakilala sya sa tamang panahon" rayven
"Grabe mga bakla, Kinikilig ako. Sino kaya si Unknown? May gusto ba sya sa akin?"
"Oo. Love at first sight sya sayo" rayven
"Grabe. Namumula sa kilig" yashi
"Kahit sino naman ata, kikiligin sa gantong klase ng sulat"
UNKNOWN
Sinundan ko sila, hanggang dito sa canteen, malapit uli sa pwesto nila. Para marinig ang pinaguusapan nila.
Nagulat ako bigla, Topic nila yung sobre ko para kay renz.
Narinig ko, binasa nya. Hayy. Sa wakas!, alam nya na ngaun na may nagmamahal sa kanya. At ako yun renz! Wag kang magalala, darating ang araw na makikilala mo ako at ipagtatapat ng personal sayo na mahal na mahal kita.
~*~
Vote
Comment
And be a fan
BINABASA MO ANG
Mr.Manhid
Teen FictionThere was a gay name renz, who fall in love to his schoolmate dylan. Renz knows that he has no chance for his beloved ones, literally no chance. Will he continue his hope? And fight for his love? Or he will forget it and move on? "Love is not about...