chapter 1.2

13 0 0
                                    

knock!

Knock!

Knock!

"Sino naman kaya 'to?" takang tanong ni Jet saka binuksan ang pinto. Tumambad sa paningin niya sina Gori at Carlo.

"Oh, pre! Buti naisipan niyong magdala ng makakain." sabi ni Jet ng papasokin ang dalawa.

"Magpasalamat ka nagdala pa kami, nakakahiyang magbitbit!" sagot ni Carlo ng ibigay dito ang supot.

"Kumusta ang pasyente?" tanong naman ni Gori.

"Ayan, lantang gulay na!" nakangising sagot ni Jet. Lumapit ang dalawa kay Blade.

"Pre, kumusta?" tanong ni Carlo ng makalapit. Bahagyang ngumiti si Blade.

"Ito, pwedi na uling mambugbug!"

"Baka magpabugbug!" bulong ni Jet. Napatingin dito si Blade ng masama. Tinaas ni Jet ang dalawang kamay niya saka ngumiti ng nakakaloko.

"Pag alis ko dito, yari ka sakin!" banta ni Blade na ikinibit balikat lang ni Jet. Nag usap usap pa ang apat hanggang magpasyang umuwi ng dalawa.

"Pre, una na kami, balik nalang kami bukas. Siya nga pala, anong plano kina Andoy?" tanong ni Gori. Bumakas ang galit sa mukha ni Blade bago nagsalita.

"Train them at ayoko munang makita ang pagmumukha ng mga walang silbing yon!"

"Sige pre! Magpagaling ka." sabi ni Gori na bahagyang tinapik ang balikat ni Blade. Tumango ito.

"Hatid ko lang sila." sabi naman ni Jet bago lumabas ng silid kasama ang dalawa.

"Pre, may balita ba kayo sa D.F?" tanong ni Jet ng marating nila ang parking lot ng ospital. Umiling si Carlo.

"Wala pa. Ipinahahanap na namin at nagtanong tanong kami, walang nakakikilala sa kanila." sabi nito.

"Ayon naman sa nakalap kong balita, bago lang talaga ang grupo nila, at hindi pa masyadong kilala sa underground gym. I was thinking na baka hindi talaga sila taga dito." sabi naman ni Gori. Napahawak sa baba niya si Jet.

"This is my first encounter with a gang na babae ang pinuno at mukhang matindi ang galit kay Blade." napaisip naman ang dalawa.

"Tama ka don. Kaya lang pre, mahirap kumuha ng lead, bukod sa hindi sila kilala hindi rin natin kilala ang mukha nila dahil nakamaskara." kumento naman ni Carlo.

"Sige pre, keep me updated. Baka bukas din makalabas na si Blade."

"Sige pre!" sabi ni Jet na tinapik ang balikat ni Carlo at Gori saka bumalik sa loob.

"Oh, nakaalis na ang dalawa?" tanong ni Blade.

"Oo. Balik daw sila bukas. Pre, matanong kita, kilala mo ba si Azzell? I mean personally."

"Hindi. Bakit mo naitanong?" takang tanong ni Blade.

"Parang sobra kasi ang galit niya sayo. Pansin mo? Nong gang fight kulang nalang talaga tuloyan ka niya." napaisip si Blade sa sinabing yon ni Jet. Naalala niya nong una nilang nakaharap ang D.F..

FLASHBACK

.."Blade!" napalingon si Blade ng tawagin siya ni Hero at ang tatlong nitong kasama.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong nito ng makitang puno ng pasa ang mga mukha nito.

"May nakalaban kami don sa bar."

"Hindi ba nila alam kung sinong kinakalaban nila?!" galit na tanong ni Blade. Kilala ang Shadow bilang kinatatakotang gang at wala pang nangahas na banggain ang grupo nila.

"Ewan ko. Hindi namin kilala, lima sila at babae ang isa sa kanila." kwento ni Hero.

"Babae?! Pero tinalo kayo?" galit na tanong ni Blade.

"Pasensya na Blade.." nakayukong sabi ni Hero.

"Jet, tara!"

"Saan?" takang tanong nito.

"Sa bar." sagot nito sabay labas ng bahay. Sumunod naman dito si Jet kasama sina Carlo at Gori. Pagdating sa bar papaalis na ang grupong tinutokoy nina Hero ng harangin nila ito.

"Sandali lang!" malakas na sigaw ni Blade pagkababa ng sasakyan. Nagkatinginan ang mga ito bago bumaba ang isa sa mga ito at nagtanggal ng helmet. Nalaglag ang mahaba at tuwid na tuwid na buhok nito na hanggang beywang. Natatakpan ang kalahati ng mukha nito ng itim na maskara.

"Is there a problem?" tanong nito kay Blade.

"Kayo ba ang tumalo sa mga bata ko?" tanong ni Blade. Ngumisi ang babae.

"Oh, that weak guys here a while ago? Yeah! we--i mean I knock 'em off!" nagpantig ang tenga ni Blade sa sinabi ng babae. Kaya naman ay sinugod nila ito. Magaling sa pakikipaglaban ang babae ngunit tinulungan pa din ito ng mga kasama niya hanggang sa maigupo si Blade ng isa sa mga kasama nito.

"Magkikita pa tayo!" galit na sabi ni Blade. Ngumisi ang lalaki ng lumapit sa kanila ang babae kanina.

"I'm Azzell, and I'd love to wait for that day.. Blade." sabi ng babae bago siya binigyan ng isang matamis na ngiti.

END of flashback.

"Hindi ko siya kilala, pero interesado akong kilalanin siya para maningil!" sagot ni Blade.

"She's interesting and i can feel it, behind that mask, is a gorgeous lady!" sagot ni Jet. Napatingin sa kawalan si Blade at inalala ang mukha ng babae. Matangkad, maputi, mahabang buhok, matangos ang maliit na ilong nito at mapupula ang manipis na mga labi.. Napailing si Blade para iwaglit ang imahe ng babae. Hindi man niya nakita ang kabuonan ng mukha nito tulad ni Jet, sigurado siyang maganda ito.

"Hindi ako interesado sa ganda niya."

"Talaga?! Himala pre! Haha! Pero ano nga kayang itsura niya behind that mask?" tila napapaisip na tanong ni Jet. Hinayaan nalang niya ito at nagpahinga.

Samantala ng mga oras namang iyon ay inuubos ni Azzell ang oras niya sa pagbabasa ng magazine sa bahay nila Raven.

"Oh, princess, hindi ka ba uuwi?" tanong ni Raven ng madatnan sa sala si Azzell.

"No, I don't feel like seeing dad. Surely he'll just ruin my day." walang ganang sagot ni Azzell. Umupo sa harap niya sa Raven.

"Don't you think he's worried?"

"I don't care if he is. Raven can we go out? I'm bored!" nakasimangot na tanong nito.

Mistakes of CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon