nakasimangot na kinuha niya ang kanyang cellphone at nagdial.
"Sinong tatawagan mo?" takang tanong ni AJ.
"Si Joseff. First day of school and yet he's late." nakasimangot niyang sagot. Ngumiti si AJ.
"Don't worry, parating na yon. Alam mo naman yon, babae sa tagal manalamin." sagot ni AJ na bahagya pang tumawa. Napangiti din siya.
"He's not answering. Baka nga nagda drive. Pasok na tayo sa loob." yaya niya dito saka hinawakan ito sa kamay at hinika papasok sa loob ng classroom.
"Good morning!" nakangiting bati niya pagkapasok nila. Ngumiti ang ilan at ang iba naman ay deadma lang. Nagkibit balikat nalang siya saka naghanap ng vacant seat.
"Here, dito ka na maupo." biglang may nag alok sa kanila ng upuan, kaya naman napangiti ng maluwag si Xhyrelle.
"Thank you! I'm Xhyrelle and this AJ." pakilala niya saka ngumiti.
"i'm Leyah.. Upo kayo!" anyaya nito.
"Nice meeting you Leyah!" masayang sabi niya bago naupo.
"Nice meeting you Leyah!" sabi naman ni AJ na ngumiti din kay Leyah kumuha ng chair at naupo sa tabi niya.
"Same here, AJ, Xhyrelle! Ngayon ko lang yata kayo nakita, are you transferees?" nakangiting tanong sa kanila nito. Si AJ na ang sumagot.
"Yes."
"In New--"
"Good morning!" hindi natapos ang sasabihin ni AJ dahil naagaw
Ang atensyon nila ng bagong dating na si Joseff.
"Hello!" bati nito sa lahat bago lumapit sa kanila.
"You're late." sabi ni Xhyrelle ng makalapit ito.
"Sorry, alam nyo naman ako." pa swabe nitong sagot. Bahagyang natawa ang tatlo.
"Hey, beautiful!" tawag pansin nito kay Leyah.
"I'm Joseff, and you are?" sabi nito sabay lahad ng kamay. Ngumiti ng matamis si Leyah at inabot ang kamay ni Joseff.
"Leyah.."
"Hoy Joseff, umayos ka nga!" saway dito ni Xhyrelle.
"Grabe naman 'to!" napatawa si Xhyrelle ng makitang sumimangot si Joseff.
"Tigil ka nga, hindi bagay sayo!" natatawa niyang sabi.
"Leyah, nang aaway oh?" sumbong nito ky Leyah, natawa naman si Leyah sa itsura niya.
"Lol! Ang sagwa bro!" natatawang sabi ni AJ. Tumawa si Joseff saka naupo.
"Oy, Leyah, biro lang." nakangiting sabi ni Joseff. Ngumiti si Leyah.
"Okay lang yon." sagot nito saka bumaling kay Xhyrelle.
"Ang sweet naman, kasundo mo ang kaibigan ng boyfriend mo." sabi nito.
"Huh?" takang tanong niya. Nangunot naman ang noo nito.
"Di ba boyfriend mo si AJ?" tanong nito na ikinatawa niya.
"Of course not! Parang bestfriend ko na tong dalawang to." paliwanag niya.
"Huh? Naku pasensya na, I thought boyfriend mo.."
"No, its okay. Sanay na ako. Ito kasi wala pang girlfriend kaya madalas na makasama ko." nakangiti niyang sabi kay Leyah.
"Sa gwapo niyang yan walang girlfriend?" tila gulat na tanong nito. Natawa siya.
"Makapag tsismis naman, parang wala ako ah?" biro ni AJ na ikinatawa nilang lahat. Maya maya lang ay dumating na ang teacher nila.
"Class, are you aware na may bago kayong classmates?" tanong ng guro at sumagot naman ng oo ang mga student don.
"Introduce yourself here in front." baling ng teacher sa kanila. Nakangiti siyang tumayo at pumunta sa unahan.
"Hello everyone! I am Xhyrelle Angela Ferrer. Sana maging kaibigan ko kayo lahat!" nakangiting sabi niya bago naupo. Sumunod namang nagpakilala sina AJ at Joseff.
"I'm Aaron James Sy--"
"And I'm Joseff Valdez." pakilala ng mga ito. Nagpalakpakan naman ang buong klase. Pagkaupo ng dalawa ay nagsimula na ang klase nila. Sumama na sa kanila si Leyah ng dumating ang break time at nong uwian ay kasabay din nila ito papuntang parking lot.
"Guys, una na ako sa inyo ah?" paalam ni Leyah.
"Nasaan ang kotse mo?" tanong ni Joseff. Tipid na ngumiti si Leyah bago sumagot.
"Ah, wala akong kotse, sinusundo lang ako." sagot nito at pumarada na nga sa harap nila ang isang sasakyan.
"Sige, una na ako." paalam nito.
"Sige Leyah! See you tomorrow!"
Sabi niya. kumaway pa ito ng sumakay sa sasakyan.
"Paano, lets go?" baling niya sa dalawa.
"Okay! Daan muna tayong tambayan." sabi ni AJ.
"Okay! Pero pakainin niyo muna ako." nakangiti niyang sagot.
"Gutom ka na naman?" maang na tanong ni Joseff.
"Hmm.." napailing iling ito sa kanya sagot.
"Sige, mamimili tayo sa daan. Tara na." sagot naman ni AJ.
"Buti pa nga bro, ikaw na bahala dyan sa GIRLFRIEND mo!" sabi ni Joseff. Natawa si Xhyrelle habang si AJ naman ay bahagyang nailang at palihim na tiningnan si Xhyrelle.
"Hahaha!" tawa ni Joseff.
"Anong nakakatawa?" tanong ni Xhyrelle. Tumingin si Joseff kay AJ saka nakakalokon ngumiti.
"Wala, sige, una na ako!" sabi nito saka sumakay ng kotse.
"Okay." pagkikibit balikat niya. Nang makaalis si Joseff ay hinatid siya ni AJ sa kanyang kotse.
"Buti pala pumayag si Tito na gamitin mo 'tong kotse."
"Oo, sabi ko kasi kaya ko ng lampasan ang speed limit sa daan ng hindi ako maaaksidente!" natatawa niyang sagot.
"Maniwala akong sinabi mo yon, baka si tito pa ang personal na maghatid sayo dito." nagkatawanan sila.
"Parang mas anak ka pa ni papa ah? Kilalang mo." natatawang sabi niya.
"Oo nga pala, darating si mommy next week, samahan mo ako sa airport."
"Okay! Tara na, baka nandon na si Joseff wala pa tayo." sabi niya kay AJ saka pumasok sa sasakyan niya. Sumakay na din ito sa kotse nito at sabay silang lumabas ng compound.
---
Kadarating lang ni Blade sa kanilang bahay at agad siyang sinalubong ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Mistakes of Cupid
Fiksi RemajaWhen a gangster girl fall in love to her total opposite, what would you expect? A great disaster? Or an everlasting true love that prove to us that opposite really do attracts?