Chapter 3
Partner
Nandito ako sa kwarto ko nakaharap sa laptop. Nabobored ako. Gusto kong gumala ngunit wala naman akong pwedeng isama. Si Colleen, mukhang busy pa yata. Hindi pa kasi siya nagtetext o nagchachat sa'kin.
Bumaba na lang ako at nag tungo sa kusina. Kakain na lang ako para may magawa ako. Nakapaglinis na din ako ng kwarto. Lahat ng pwedeng kong linisin ay nilinis ko na para may mapagkaabalahan lang ako. Binuksan ko ang ref namin at may nakita akong isang kahon ng cupcake. I'm sure ginawa na naman ito ni mama. She likes to bake pastries, hobby niya at dahil sa hobby niyang ito ay nagtayo siya ng Pastry Shop.
Kumuha ako ng dalawang piraso at kinain ito sa living room. It's delicious, as always. Napag-isipan ko na din na sa Grade 11 ko, na Culinary ang kukunin ko. I want to be like my mom. Like how successful she is today.
Tumunog bigla ang phone ko dahilan upang matigil ang pag iisip ko. Colleen is calling. Dinampot ko ito at sinagot.
"Hello."
"Ah Cass, are you busy?" tanong niya sa kabilang linya. Dinig ko din na maingay ang paligid, mga kapatid niya siguro.
"Hindi naman. Why?" tanong ko
"Let's go out? punta tayo sa mall. I just need to buy something."
"Yes, let's go! Perfect timing. I'm bored." excited kong sabi. Narinig ko naman ang mumunting halakhak niya
"Okay. I'll be there. See you!" sabi niya bago ibaba ang tawag.
Pumunta ako sa banyo para maligo kahit na nakaligo na ko kanina. Pinagpawisan ako gawa ng paglilinis ko kanina. Pagkatapos ko maligo ay naghanap na ko ng damit na susuotin. Inayos ko na din ang buhok ko at agad na bumaba. Baka nandun na Colleen medyo napatagal yata ako.
Pagbaba ko, nandun na nga siya. Nagbabasa ng fashion magazine. Napaayos siya ng upo nang makita ako. Binaba na niya ang magazine at agarang tumayo.
"Sorry, kanina ka pa ba?" sabi ko
Umiling lamang siya. "We are girls and I understand it." Ngumiti siya at napatawa na lang ako sa kanya.
Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan na dala niya. Sinabi ni Connie sa driver na sa mall kami dalhin.
"I'm so excited!" malakas na sabi niya at napatili pa siya, "What should I wear? Should I wear a long gown or a cocktail dress? What do you think?" tanong niya sa'kin.
Kumunot ang noo ko, "Para saan naman?"
Tinignan niya lamang ako, "Seriously Cassandra?" hindi niya makapaniwalang tanong sa'kin. "Nakalimutan mo na! Sa Farewell Night ito!"
Napasapo ako ng noo nang maalala ko na. Oo nga, yung farewell night namin. Malapit na! Hirap talaga pag walang nagyaya sayo. Hindi ka excited na to the point nakalimutan mo na. We went to a certain shop to buy our dress. Ang napili niya ay long dress na color yellow with embroided crystals. Ako naman red long dress, fitted ito sa katawan ko, nakikita ang shape ko dahil dito. Pagkatapos namin mamili ay binayaran na namin ito sa cashier. Mabuti na lang dala ko credit card ko.
Pagkatapos napag isipan namin na kumain sa McDo. Nakaupo ako dito habang hinihintay siya na bumalik dala ang mga in-order namin.
Nilapag niya ang tray sa harap ko. Habang kumakain nag uusap kami.
"Who's your partner?" tanong ko nang matapos ko nguyain ang fries.
Nag-angat siya ng tingin bago ako sagutin, "Si Marx." ngiting ngiti niyang sabi sa akin.
Ako naman halos matulala sa narinig ko. Wait! Si Marx ang partner niya? Kelan pa sila nag-uusap!
"Hindi nga? Totoo? Paano kayo nagkaayos? Kayo na ba ulit? Bakit hindi ko alam ito?" mabilis kong tanong sa kanya.
"Chill lang Cass!" natatawang niyang sabi, "Napag isipan ko kasi yung sinabi mo sa'kin dati. So I've decided to wrote him a letter. Binigay ko ito sa kanya bago siya umuwi. Kinakabahan nga ko kasi baka itapon niya lang but I was wrong. Kasi kinabukasan, nilapitan niya ko. Nakapag-usap kami ng maayos. So yeah, kami na ulit." pagpapaliwanag niya habang may ngiti sa labi.
Ngumiti ako sa kanya, "Good for you. And I hope this time, mag work na kayo." sincere kong sabi sa kanya bago muling sumubo ng pagkain.
"Eh ikaw, sino partner mo para sa party?" tanong niya. Nag kibit balikat na lang ako sa kanya bilang sagot.
"I can go by myself. I don't need a partner Colleen."
"Oh really?" Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi sa'kin. Kumunot ang noo ko.
"I just have an idea for that." ani niya.
"Nako. Kung ano man niyang pinaplano mo. Tantanan mo ko."
Humagigik lamang siya na nagsasabing 'you can't stop me'
BINABASA MO ANG
This Time
Teen FictionA story of love. That surely take every single minute of your life into precious moments with the one you love.