Chapter 4
Indirect Kiss
Araw na ng Farewell Night ngayon. Wala akong partner. Hindi ko pa din alam kung ano ang plano ni Colleen. Sana wag naman nakakahiya.
Nag-vibrate ang phone ko. It's Colleen.
Colleen: You excited for tonight?
Yes. Sasamahan lang kita doon Colleen. Don't you do anything hilarious!
Colleen: Hahaha, but I'm sure you will like it! I'm so excited. Kinakabahan ako mamaya Cass..
Umupo ako sa gilid ng kama ko. Nakaka pressure siguro ito para sa kanya. Pero sa tingin ko kahit ano pa itsura niya mamaya, I'm sure she will look like a goddess.
Don't be nervous. I'm sure you'll look like a goddess tonight ;)
Colleen: Maliit na bagay! Gotta go, see you!
Pagkatapos namin mag-text. Nilapag ko na ang phone ko at nagsimula nang maligo. In-scrub ko mabuti ang katawan ko. I want to look beautiful tonight. I don't know, hindi naman dahil gusto ko maging maganda ay para na sa ibang tao. I want this to my self, this is for my self.
It's almost 2pm. Kailangan ko ng pumunta kay Tita Diane, siya kasi ang mag-aayos sa'kin para sa party.
"Mom, let's go?" ani ko nang makita ko siyang nanonood sa living room.
Nilipat niya ang tingin sa'kin, "Aren't you excited darling?" She smiled.
"I am mom and may usapan kasi kami ni Colleen." I said. Pinatay niya ang TV at tumayo.
Lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. Siya na ang nagdrive papunta sa bahay ni Tita Diane. Kapatid ni mama ang asawa ni Tita, si Tito Austin.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami nakarating sa bahay ni Tita. Bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa bahay niya.
Naabutan namin si manang na naglilinis ng sala, "Where's Diane?" My mom asked.
Tumingin siya samin, "Nasa kwarto po niya madam." Sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Dumiretso kami papunta sa kwarto ni Tita. Naabutan namin siyang inilalatag na ang mga makeup materials niya. Nang makita niya kami ay napatigil siya at pumunta sa'ming direksyon.
"Oh! Nandito na pala kayo." masayang bati niya sa'min. Nagbeso siya amin tsaka ako hinatak para paupuin. "I'm so excited. I'll make sure that you'll look beautiful tonight." she said.
Sinimulan niyang ayusin ang buhok ko. Kinukulot niya ito.
"Farewell Night niyo? Parang prom ganon ba yon?" tanong niya sa'kin.
"Yeah, I think so. Wala kasi kaming Prom, maarte ang principal namin. Overprotective ewan ko ba." nagkibit balikat ako.
"Well, buti naman naisipan niyang bigyan kayo ng Farewell Party. Pero sayang ah, hindi na-experience ang Prom." ani niya habang kinukulot ang aking buhok.
Pagkatapos sa buhok ko, lalagyan na niya ng makeup ang mukha ko. "Ano bang kulay ng susuotin mo para sa party?" she asked. Sinagot ko naman siya at tinanong niya ulit ako kung ano bang klaseng makeup ang gusto ko. Light makeup lang ang sagot ko. Ayoko ng makapal, mas prefer ko ang light. Makikita pa din ang natural features ng face mo.
"Red or pink?" she asked. "Pink, of course." sagot ko naman sa color ng lipstick na gusto ko.
"Wow! Look at you, ang ganda mo!" sabi niya at pumalakpak habang nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
This Time
Teen FictionA story of love. That surely take every single minute of your life into precious moments with the one you love.