At dahil birthday ko ngayon. Tsaraaan! Pinaghanda ko kayo ng isang one-shot story! :) Actually isa ito sa mga PT namin sa school. Hope you like it! Maganda yan. Kami may gawa eh <3 :)))
So here's it :)
***Alaala..
Mga alaalang ayaw ko nang balikan ngunit patuloy paring tumatatak sa aking isipan. BABAE ako, pero ako ang nagsakripisyo.. ako ang umiyak.. ako ang umasa.. ako ang humabol.. dahil sa una pa lamang, alam ko namang ako lang yung nagmahal.
Sa tuwing naiisip ko ang mga panahong , talaga namang kasuklam-suklam nang dahil sa aking katangahan at kagagahan, para lang akong nahulog sa isang-daang palapag na gusali, sumaldak-saldak sa daan, nasagasaan sa isang rumaragasang sasakyan, at sa kasamaang palad, buhay pa ‘rin ako.
Nagsimula ang mala-melo-dramang istorya ng aking buhay-pag-ibig nang siya’y aking nakilala. Isa pa lamang akong hamak na junior student nang mga panahong iyon, at wala talaga akong ni kaide-ideya tungkol sa pag-ibig. Unang araw ng klase noong nagsimula ang lahat.
“Binibini, binibini, pupunta lang po ako sa CR.” Pagmamadali kong paalam sa aking guro.
Tarantang-taranta na talaga ako dahil ramdam na ramdam ko na ang matinding tawag ng kalikasan sa aking tiyan.
Pagkarating ko sa CR ng mga babae, napansin kong sobrang haba ng pila. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sumilip ako sa kabilang CR ng mga lalake at halata namang walang tao ang naroon.
Patakbo akong pumasok at sa sobrang gulat, “BAKIT NANDITO KA?!” sabay na sigaw namin ‘nung lalakeng nasa loob ng banyo. Ramdam kong pulang-pula na ako sa hiya. Dali-dali akong tumakbo palabas at hindi ko namalayang wala na pala sa aking mga kamay ang aking panyo. Minamalas nga naman oh! Kailangan ko pa tuloy bumalik sa banyo dahil natatandaan kong doon ko nabitawan iyon.
“Alam kong ito ang hinahanap mo…… Raven.” Tinignan ko ang lalakeng nagsalita sa likod ko, habang hawak-hawak ang panyong may burda ng pangalan ko.
Napatulala ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na maalis yung paningin ko sa lalakeng tumambad sa aking harapan. Nararamdaman ko ‘rin kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko.. Ano ba ‘to? Bakit toreteng-torete ako? Anong nangyayari sa akin?
Napaatras ako at napayuko. Naisip ko, baka mahalata niya na tinitignan ko siya mula pa kanina. Kinuha ko nalang sa kanyang kamay ang panyo ko. Tinalikuran ko siya habang sinasabi ang katagang “Salamat”.
Tumungo na ako pagkatapos sa aking silid-aralan, hinawakan ko ang aking pisngi at ramdam ko ang init ng aking mukha. Nahihiya ako sa gwapong lalakeng nakita ko kanina.. Sana.. Sana hindi na niya ako makita.. Isang kahihiyan ang ginawa ko..
“Kay liit nga talaga ng mundo ‘no? Akalain mong kaklase pa pala kita, Ms.” Naputol ang aking pag-iimahinasyon nang may isang lalake ang nakatayo mula sa harapan ng aking upuan. Unti-unti ko siyang tinignan.
Ang malapad niyang ngiti..
Ang pantay-pantay niyang ngipin..
Ang tangkad at bango niya..
Hindi ako pwedeng magkamali na siya nga talaga ang lalakeng nakita ko kanina! Hindi na ako nakasagot pa nang dahil sa sobrang kaba. Nakita ko ring bumalik na siya sa kanyang upuan at ako naman at nakinig sa aming guro ng wala sa sarili.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw, nalaman kong Dylan Mercado ang tunay niyang pangalan. Nalaman ko ‘din ang ilan sa kanyang mga ugali. Palatawa, pilyo at medyo sadista ang karakter niya, ngunit sa kabila ng mga ito, marami akong nabalitaang maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.. at sa tingin ko, isa na ako sa kanila.
Hindi ko alam eh, hindi ko naman masisisi ang aking sarili. Siguro tama nga ang mga sinasabi ng ibang tao, hindi kasalanan ang magmahal, naramdaman ko lang kaya kailangan kong panindigan.
Minsan, mayroon ding mga puntong linalapitan at kinakausap niya ako. Hindi ako makasagot siyempre, makita ko lang siya kinakabahan na ako. Siguro talagang sinayad na ako sa kanya.
Pero, minsan din, naiisip kong parang may mali sa nararamdaman ko. Sabi ko nga, maraming nagkakagusto sa kanya, mapapansin niya kaya ako? Siguro hindi, pero hindi ko inasahan na isang araw may bigla siyang tinanong sa akin.
“Raven, may gusto ka ba sa akin?” tanong niya nang kami’y pauwi na. Kasama niya ang ilan sa aming mga kaklaseng lalake na kabarkada niya. Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong. Tinignan ko siya ng mata sa mata, at halatang seyoso siya. Pero bakit natanong niya? Ganoon naba ako kahalata para paghinalaan niya?
“Ah.. D-dylan. Anong s-sinasabi mo? Pasensya na pero…..hindi ko alam eh.” Napatakip ako sa aking bibig sa sinabi kong iyon.
Napansin kong bigla silang nagtatatawa sa aking harapan. Hindi ko alam pero bigla nalang akong tumakbo palayo sa kanila dahil may naramdaman akong kakaiba sa aking bandang dibdib. Heto ba ‘yung sakit na sinasabi nila? Sana hindi.. Ayaw kong maranasan iyon.
Nagdaan ang mga sumunod na araw at walang nagbago sa aking nararamdaman. Ngayon ko lang nalaman na parang bituin ang pag-ibig. Napakadaling tanawin pero mahirap abutin, parang si Dylan.. Madalas ko ngang makita, pero ang hirap maging akin..
Oo, tama, umaasa na ako ngayon. Umaasa na sana mahalin niya rin ako gaya ng ginagawa ko, umaasa na kahit papano magkaroon ako ng puwang sa buhay niya, at umaasa na sana, kahit konti.. maramdaman kong akin lang siya..
Hindi ko alam kung paano ko magagawa iyan, nabigla nalang ako na isang araw, bigla niya akong linapitan at sinabi ang mga salitang: “Mahal kita, Raven. Maaari ba kitang ligawan?”
Sa totoo lang, noong una, hindi ako naniwala sa mga sinasabi niya sa akin. Pero hindi, talagang niligawan niya ako at nangakong ako lang ang babaeng mamahalin niya. Naniwala ako, syempre. Saya at galak lang ang aking nararamdaman sa mga araw na lumilipas. Ayoko ng pahintuin ang bawat oras kapag magkasama kaming dalawa, para bang ako’y nasa langit, kapag siya’y nasa piling ko.
Habang tumatagal, lalong lumalalim at nahuhulog ang loob ko sa kanya. At alam ko, sa sarili ko, hindi ko kakayanin kapag siya’y nawala. Isang araw, napagdesisyunan ko ng sagutin si Dylan. Bakit ko pa nga ba patatagalin? Kung ‘dun din naman ang kapupuntahan ng lahat diba?
“Dylan!!” tugon ko, nakita ko siya sa canteen kasama ang kanyang barkada at isang…….babaeng inaakbayan niya. Pumawi ang ngitisa aking labi sa aking nakita. Sasagutin ko na siya pero ano ‘tong nangyayari ngayon?
Tinignan ko ang reaksyon ng kanyang mukha at mas lalo akong nasaktan noong nakita kong nakangiti pa siya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pumunta palapit sa akin.
“Nakikita mo ba ito, Raven?” kinuha niya ang limang-libong piso sa kanyang bulsa at sabay pinakita sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ipinapamukha niya sa akin ngayon? Gusto ko nang umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.
“Anong ibig sabihin nito, Dylan? Bakit may kasama kang ibang babae? At bakit pinapakita mo sa akin iyan?” sunud-sunod kong tanong sa kanya.
Ngumiti lang siya at tinignan ako, “Kahit kailan talaga hindi mo kayang gamitin ‘yang utak mo ano? Hindi mo ba maintindihan?” palakas ng palakas ang kanyang boses, at lahat ng tao sa canteen ay tumingin sa pwestong kinaroroonan namin.
“Pinagpustahan ka lang namin, Raven. So sa tingin mo naman magkakagusto ako sa iyo? Hindi. Hinding-hindi. Masyado ka kasing halata, ayan tuloy, ikaw ang nabiktima.” Tumawa siya, at sinabayan pa ng kanyang barkada.
Nabibingi ako sa mga sinasabi niya. Alam ko hindi naman totoo ang mga sinasabi niya, siguro naguguluhan lang siya, diba? Sabi niya sa akin, mahal niya ako. Naniniwala ako sa kanya.
“Hindi. Hindi yan totoo.. Mahal mo ako diba? Sasagutin na kita ngayon, Dylan! Huwag ka namang magbiro ng ganyan..” pagmamakawa ko sa kanya. Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay at sabay naman niya itong binitawan ng malakas.
Masakit… Masakit ang ginawa niyang iyon, lalo na ng bigla niya lang akong iniwan sa pwesto ko.. Umalis na sila at naiwan ako sa canteen ng wala sa katinuan. Narinig ko ang iba’t-ibang komento ng mga taong nasa paligid ko.. Nahihiya ako.. Naiinis ako.. Nasasaktan ako.. Bakit nagkakaganito ako? Sabi niya, mahal niya ako, pero niligawan niya lang pala ako nang dahil sa pusta. Pero kahit ganoon, hindi parin ako naniniwala. Alam ko, mahal niya ako. At gagawin ko ang lahat, mabawi ko lang siya ulit.
Lumipas ang mga araw, at hindi na niya ako pinapansin. Kahit anong gawin ko, binabalewala’t-pinagtatabuyan niya ako.. Ano bang ginawa ko at sinasaktan niya ako ng ganito?
Lagi niya ‘ring kasama ang babaeng inaakbayan niya nang mga panahong nasa canteen kame. Sabi ng iba, may relasyon na daw silang dalawa, pero hindi ako naniniwala. Alam ako, ako lang yung mahal niya.
“Torete ka nanaman.” Mahinang sabi ng aking kaibigan na si, Jamie. Alam niya ang tungkol sa aming dalawa ni Dylan. Sabi niya, pakawalan ko na daw siya dahil hindi naman daw niya ako gusto, at pinapaasa ko lang yung sarili ko. Tama naman siya diba? Kaso, ewan ko ba, mahal ko ‘yung tao eh. Mas susundin ko yung sarili ko.. Mahal ko si Dylan eh, at kahit anong mangyari ipaglalaban ko siya.
Lumabas ako sa aming silid aralan para magpahangin. Nakita ko sa labas si Dylan pati ang babaeng sinasabi nilang kasintahan niya. Naiinis ako sa ginagawa nila.
Dati.. sa akin ginagawa ni Dylan yan. Dapat ako ang nasa pwesto ng babaeng yan. Siguro, nang dahil sa kanya, nalason ang utak ni Dylan at iniwan na lang niya ako. Nasa parte ng utak ko ang paghihiganti.. Gusto kong sabunutan ang babaeng ‘yun. Gusto ko ako lang ang mahal ni Dylan at wala ng iba pa.
“Walang hiya ka!” kinwelyuhan ko ang babae at sabay na sinabunutan ko siya. Galit na galit ako. Gusto kong ibuhos lahat-lahat ng galit ko sa kanya!! Siya ang nag-iisang dahilan kung bakit iniwan ako sa ere ng taong mahal ko.
Ramdam kong bumubuhos na ang luha sa aking mata. Naririnig ko ‘din ang sigaw ni Dylan. Pero hindi.. akala ko ako ang kakampihan niya. Nagkamali nanaman ako. Ang babaeng yun parin ang niligtas niya.
“Ano ba Dylan! Bumalik ka na sa akin, parang awa. Alam ko naguguluhan lang yang utak mo nang dahil sa babaeng yan! Mahal mo ako diba? Sabi mo, ako lang! Oh ano tong nangyayari sa ating dalawa?” lumuhod ako sa harapan nilang dalawa. Hindi ko na talaga kaya.. Sabi ko, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko. Ikamamatay ko ‘yun.. Sana balikan niya ako.. Sana ako ang piliin niya..
“Tanga. Hindi kita gusto. Umalis ka nga sa harapan ko, nandidiri ako sa iyo.” Sabi ni Dylan sa akin. Para akong sinaksak sa sinabi niya.
Nakita ko silang dalawa ng babae na naglalakad palayo. Gusto kong habulin si Dylan ngunit may biglang pumigil sa akin.. Galit ako sa taong ‘yon. Kung sanang hindi niya ako pinigilan, nahabol ko pa siya. Sana nahabol ko pa si Dylan, habang hindi pa huli ang lahat.
“Huwag mo na siyang habulin, mapapagod ka lang, Raven.” Sambit ng aking matalik na kaibigan. Pinigilan ako ni Jamie.. Nakita niya ang buong pangyayari.. Nakita ko ang reaksyon ng mukha niya. Naaawa nanaman siya sa akin. Ayoko ang ganito.. Ayokong kinakaawaan ng ibang tao.
Dinala ako ni Jamie sa aming bahay. Pinatahan niya ako sa aking pag-iyak. Hanggang ngayon, ramdam ko parin yung sakit na dinulot sa akin ni Dylan.
“Huwag mo na siyang isipin. Simula ngayon, huwag mo na siyang isipin, Raven. Huwag na.” nag-init nanaman yung mukha ko at nangilid ang aking luha sa kanyang sinabi.
Paano ko magagawa sa taong mahal ko iyon? Siya ang unang lalaking minahal ko.. Minahal ko ng totoo, tapat at seryoso, pero sa bandang huli, iniwan niya lang akong wasak at umiiyak.
Nagpasalamat ako sa pagdamay ng aking kaibigan. Kahit papano nahimasmasan ako at kahit konti may natutunan ako. Ngayong gabi, gagawin kong tama lahat ng aking mali. Ibubuhos ko lahat ng sakit na aking naramdaman dulot ng kawalang-hiyang ginawa sa akin ni Dylan. Mahal ko siya, pero siguro, lahat ng bagay may katapusan.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin.. Nalaman ko, hindi na pala ako ang dating Raven, na walang pakialam sa mundo.. Nang dahil sa kanya, natuto akong ,magtiis at umiyak. At pangako ko sa sarili ko, pagbibigyan ko na ang gusto niya. Hindi ko na sasaktan muli ang aking sarili at sa ngayon, ito nalang ang mga huling luha na i-iiyak ko para sa kanya.
~WAKAS~
***
Ang ganda ano po? Yiehie. Happy birthday to me! Konti lang yan pero maganda! <3 INSPIRED :)
BINABASA MO ANG
P A L I K U R A N [ One-Shot Story ]
Novela JuvenilDon't judge a story by its title. First of all, hindi ito SPG nang dahil sa title niya. It's a beautiful, heartbreaking one-shot-story.