CHAPTER 1 - The First Fight

23 4 2
                                    

"1 minute left for the last quarter"

"Lord! Parang awa mo na papanalunin mo na kami" -- Sam

"Kinakabahan na ko, baka hindi maabutan juskooo!" -- Janine

"Hoy nasan na ba si VJ, ang tagal naman hindi na nya nasimulan yung game matatapos na oh mukhang talo pa tayo" -- Lexi

"Parating na yon, chillax" -- Bea

Malayo palang ako naririnig ko na ang sigawan nila dito sa loob ng court. May game ngayon ang school namin, member kami ng cheering squad at ako ang captain and at the same time staffer kami dito sa university namin. That's why kanina pa nila ko hinahanap. Late na ako at mukhang patapos na ang game. Lagot ako nito kay Ms. Andrea.

Natatanaw ko na sila ng bigla akong nakita ni Bea, "VJ ano ka ba! Ang tagal mo san ka ba galing?" pasensya naman andami ko pang inasikaso eh. Ang hirap kaya nang lagi kang pinapatawag sa office duuuh -___-

"SORRY NA TALAGA!" sagot ko naman.

"Chavez of SVU steals the ball"

"WOOOOOOOOOOOH GO SEAN AYLABYU!" --sigaw naman netong si Sam crush nya yan e since high school. Andami namang nagtitilian dito dahil napakagwapo ng mga players.

Pagdating ko nagsimula na muli kaming magcheer at nakisabay naman ang iba. "SVU let's go! SVU let's fight. SVU let's go and win this fight" Grabe ang wild talaga ng mga estudyante samin, hindi kasi kami sanay nang natatalo kaya full support lagi.

Tie na ang score namin sa kalaban kaya hindi pwedeng hindi namin mahabol. Nakakahiya pag nagkataon, homecourt pa naman.

"Chavez passed the ball to Javier"

"Last 10 seconds"

"Garcia of SEU is trying to steal the ball from Javier of SVU"

"Go Callix kaya mo yan!" sigaw ng mga babae, sa likuran namin. Fans club siguro ng the one and only star player, Dan Callix Javier.

"5 SECONDS LEFT"

Hindi na biro to, si Callix nalang ang pag-asa para manalo kami. Lord please huhuhuhu.

Magshushoot na si callix at natahimik ang lahat sa sobrang kaba na baka hindi magshoot ang bola. Umiikot yung bola sa ring.

"5"

"4"

"3"

"2"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!! HOOOOOOOOOOOOOOOOOOH!!!! YES!!!" sigaw naming lahat.

*eeeeeeeeng*

UMABOT!!!!!! NAI- 3 POINTS NIYA. ANG GALING TALAGA, BASTA SVU.

"South Victory wins"

Nagkagulo na lahat sa loob ng court, grabe ang intense nagwala lahat ng taga SVU pati tong mga katabi ko. Hindi parin ako makapaniwala na kami ang nanalo. First time in history ng school namin na maging dikit ang score. Madalas kasi laging kami ang leading.

"VJ panalo tayooooooooo!!!" -- sigaw ni Lexi

"Isa pang cheer guys" -- sigaw ko dahil ako ang cheerleading captain.

Inulit lang namin ng inulit yung cheer at naghiyawan lahat. Dismayadong dismayado ang kalabang school.

"Hi Viah :)" lumingon ako sa likuran ko, naka red siya, isa sya sa players nang kalaban namin. Tinignan ko siyang mabuti dahil parang familliar yung mukha nya..

IT WILL ALWAYS BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon