CHAPTER 4 - Sanitary Service

8 2 0
                                    

"WHAT HAPPENED?!" sigaw ni Ms. Andrea. Pero nakatungo lang lahat.

"ANO? NO ONE CARES TO EXPLAIN???" sigaw nya ulit.

"PAG WALANG NAGSALITA, MADADAMAY KAYONG LAHAT!!!"

"Mam si Viah ang nauna!" sagot netong malanding si Chloe.

"Wow ha! E kung umaayos ka sana! Walang ganto." sagot ko sakanya sabay irap. Inirapan nya rin ako.

"STOP IT!!!" tinignan nya kami pareho at napansin nya si Callix, "What happened to you Mr. Javier?" halaaa lagot akoooo.

"That girl punched me on the face!" tas tinuro nya ko. WTF!!! E sya tong nakisali eh.

"IS IT TRUE MS. VILLANUEVA?" galit nyang tanong sakin. Kaya tumango nalang ako.

"Miss, Sorry pero sa katunayan si Chloe naman po talaga ang may kasalanan" singit ni Bea. ILOVEYOU BEATRIZ

"Really huh?! E yang kaibigan nyo ang masyadong madada eh!" Chloe.

"Oh well, sinong hindi magagalit e ikaw lang tong hindi umaayos sa practice kanina? You're bothered right? Is it because of Callix? >:)" VERY GOOD SAM. HULOG TALAGA KAYO NG LANGIT

Inirapan lang kami ni Chloe.

"Mam totoo po yun. Si chloe po ang naunang manabunot kay VJ" Janine. NATATS NAMAN AKO.

"And take note mam. Pagod na pagod na kaming mga cheerer gawa nyan si Chloe. Siya nalang ang laging pinoproblema!" Lexi. HAHAHAHA ANO KA NGAYON CHLOE?!

"TOTOO BA?" humarap si Miss sa mga chereer.

"Yes maam" sagot nila. OH SEE! WALA KANG KAKAMPI NOH.

"And how about you Callix? Bat ka nakasali." tanong nya kay Callix.

"Mam pinagsabihan ko lang sila. Tas sinapak ako eh!" tas tinignan nya ko ng masama.

"WOW! Pinagsabihan? Sinabi mong naglalandian kami without even knowing what really happened. Tama ba yun? Sinong hindi mababadtrip sayo? Sana umawat ka nalang. Puro ka kasi yabang! Tss." ABA TOTOO NAMAN EH. IMBIS NA UMAWAT NAKISABAY PA. PSH.

"Ano bang problema mo e inawat nya lang naman tayo?" Chloei. Tss.

"Ahhh, so sinabunutan mo ko para lang awatin nya tayo? Papansin ka talaga e no?" I glared at her.

"MY GOD! I can't believe na magagawa nyo yang mga bagay na yan! Lalo ka na Chloe!" tas tumingin sya kay Chloe and inirapan nya si Ms.

"Don't you know the word Respect?" Tas inirapan nya ulit si Mam. Walang modo! "Ginagalit mo talaga ko Ms. Dela Cruz? From now on, you will no longer be a part of the cheering squad!" HAHAHAHAHAHAHAHAHA BUTI NGA.

"WHAAAAAAAT?!" Chloe.

"You heard it right? Hindi ka na member ng cheering squad. At hindi lang yon. Ikaw ang maglilinis ng mga cr sa gym for 5 days!" galit na talaga si Miss.

"At bakit ko naman gagawin yon?" Chloe

"Kung hindi mo gagawin yun. Idadrop kita sa subject ko at makakarating to sa parents mo!" Ms. Andrea. Wala nang nagawa si Chloe wahahahahahaha. AWTSUPAY DAY! "Lumabas na kayong lahat! Except you Callix and VJ" wth? Hindi parin ako ligtas??? Ano ba yan!

Lumabas na silang lahat at natira kaming dalawa. Kainis! Kaharap ko pa tong demonyong to.

"Nakakadismaya kayong dalawa! You are both the captains of the team. Hindi nyo pa nagawa yang trabaho nyo?" tas nakatingin sya saming dalawa.

"Umawat lang ako mam, ano bang mali sa nagawa ko?" Callix.

"Sabihin na nating umawat ka. Pero you didn't use it in a nice way." oh kitaaaams! Nagmamarunong kase eh!

"Tss umawat daw e no?" Bulong ko. Nakita kong tumingin sya sakin ng masama.

"You will do a sanitary service in some of the school facilities in 5 days! Without the help of anyone" ANOOOOOOO?! TSK KAINIS ABA. Hindi na ko sumagot baka madagdagan pa eh. Nakita ko namang inis na inis tong kaharap ko.

"You may leave" tumayo na ko at lumabas.

Habang naglalakad, narinig kong nagsalita si Callix.

"Thanks to you huh. Nang dahil sayo maglilinis ako nang limang araw na kasama ka. Bwiset" ATTITUDE TALAGA TONG LALAKING TO E.

Lumingon ako sa kanya "As if namang gusto kita kasama? Mas bwisit ka!" tas tumalikod na ko at bumalik sa gym para kunin yung mga gamit ko.

Nakita ko sila Sam, Bea, Janine at Lexi kasama nila yung mga varsity. Close agad?! Si Sam at Sean mukhang close na. Hahahaha. Nakita ko ni Bea. At lumingon silang lahat sakin nasa likod ko naman yung demonyito.

"Ano teh? Biyernes Santo? Di maipinta mukha mo ah!" Janine.

"Sanitary Service for 5 days."

"With him?" tanong ni Lexi sabay turo sa likuran ko.

"Malas nga eh!" sagot ko.

"GUSTO MO IKAW NALANG? AYOS LANG SAKEN. MABUTI PA NGA!" sabat naman netong demonyo. Aba! Ayos sya ah.

"Ikaw talaga namumuro na sakin e!" Lumapit ako sa kanya at kinapitan yung jersey nya. "Ano ha?"

"Hey hey hey hey!" lumapit si Miguel at hinigit si Callix. "Magsisimula nanaman kayo eh"

"Chill VJ, malay mo it is God's way para mapalapit kayo sa isa't isa ^_^" Tristan.

"Isa ka pa ha!" Lalapitan ko na sana sya nung bigla akong pinigil ni Miles. Tas nagtago si Tristan sa likod ni Matthew at Jacob.

"Ikaw nalang pare! E mas lalaki pa saten yan eh. Tss." sagot ni Callix. Epal talaga eh. Kinuha nya na yung gamit nya tas tumalikod.

"Hoy san ka pupunta ha?" Liam.

"UUWE! BAKA KUNG ANO PA MAGAWA KO DITO EH" Callix. Tss -__-

"Hindi ka ba sasama? Kakain kami sa labas!" Gab.

"Wag na. I'd rather stay at home kesa makasama yang babaeng yan!" sigaw nya habang nakatalikod.

"Ang kapal huh?" bulong ko na sapat na para marinig nilang lahat.

"San tayo pupunta?" tanong ni Lexi.

"Tara kain tayo sa labas. My treat!" Lance.

"AYOS!!!!" sigaw ni Sean. Pinapakain ba sya sa bahay nila?

"Oh tera na daliiiii!" Sam. Oo na, bagay sila tss.

"Una na ko sa inyo. Pagod na ko eh."

"Ikaw ang Kj mo talaga! Halika na!!!" Janine. Tas hinihila niya ko.

"Wag ka nang maginarte girl! Minsan na nga lang tayo magkaroon ng friends ayaw mo pa!" Bea.

"Sama ka na VJ! Saglit lang naman eh." Ethan. Sheeet. Kaya ko ba siyang tiisin?

Tinitignan nila kong lahat and they are waiting for my answer. Hindi ko alam kung sasama ba ko or what. Anong sasabihin ko? Kaso nahihiya naman akong tumanggi kase kaibigan na naman namin sila. Pero kasi nakakapagod na talaga tong araw na to eh.

"FINE"

"YOOOOOOOWN!" sigaw nilang lahat tas nagiritan pa na parang mga babae. Happy?! Hahahaha mababait pala tong mga to. Kala ko hindi e, except for one person.

Sumakay kami sa koche ni Ethan, together with Bea, Janine and Matthew. Si Lexi at Sam naman dun sa koche ni Sean kasama si Miguel at Tristan. Sa sasakyan naman ni Lance, sila Louie, Jacob, Miles, Liam at Gab. Malaki kasi yung sasakyan ni Lance. 5 minutes lang yung biyahe papunta sa restaurant. Sila Lance pala may ari nito kaya ang lakas ng loob manlibre. After kumain, hinatid kaming lima nila Ethan, Sean at Matthew sa condo.

Pagkauwi ko, wala na kong ibang nagawa kundi magpahinga tas nakatulog na ko.




IT WILL ALWAYS BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon