Chapter 2

1 0 0
                                    

Ang bilis ng araw. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan mamatay ang puso ko sa gagawin kong desisyon. Pauwi na ako ngayon sa lugar namin. 2 hours din ang byahe kaya naman inalala ko muna ang masasayang araw na kasama ko siya. Kung paano kami nagkakakilala at kung paano ako nahulog sa kanya.

Flashback

Hay naku! Maglilinis na naman. Tsk! Minsan naitanong ko tamad ba ang mga teacher para kami ang utusang maglinis -_- at dahil ako'y butihing bata, kumuha ako ng dalawang stick ng kahoy at pumunta sa harapan ng classroom namin.para akong tangang tumutugtug, ginawa kong drum ang table ni ma'am at tsaka kumanta. Hahaha habang nag eenjoy ako, someone caught my attention, isang batang babae pinapanoud ako sa may pinto. Hindi ko siya kilala, hindi ko naman kaklase. Bigla siyang tumakbo ng nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Kaya hinabol ko siya.

Wait!!! Bata!!-may lahi bang kabayo yun? Ang bilis tumakbo (sa isip ko lang yun) babalik na sana ako ng room ng may narinig ako. Eh lahi ko na ang pagiging chismoso kaya pinuntahan ko ang ingay na naririnig ko.

Akin na yan, hindi naman yan sayo eh! Ibalik mo!-umiiyak na sabi ng batang babae, siya yung kanina si ms. horsey xD. Hala inaaway siya ni Baldo.

Ayoko nga. Akin na tong baon mo. Bumili ka nalang ng bago- sabi ng baboy na si Baldo. Eh dahil sa mabait talaga ako, kaya tatakbo nalang ako xD hindi joke lang! Haha sympre mabait ako kaya ipagtatanggol ko siya (naks maka super hero)

Hoy! Baldo-.sigaw ko kay piglet xD

Ano kailangan mo? Makikialam ka ha Kay?-sabi ni Baldo

Hindi! Makikihati lang. XD haha. Joke lang, malamang makikialam, ibalik mo na yan kung ayaw mong pulutin sa kangkungan!-matapang kong sabi.

Ano ka sinuswerte.-sabi ni Baldo, tumakbo siya papunta sa akin para sumuntok. Sympre, nag aral ako ng taekwondo, kaya imbes na sakin siya makalapit, hinalikan niya ang lupa. Haha pinatid ko kasi. xD lumapit ako sa kanya at kinuha ang lunch box ng bata.

Yan kasi sabi ko sayo, ibalik mo.-sabi ko, lumapit ako sa bata at binigay ang lunch box niya.

Bata ito na oh, wag ka ng umiyak-nakangiti kong sabi.

Salamat, ako nga pala si Mose.-sabi niya

Ako naman si Alexis, friends na tayo ahh, pag inaway ka ulit ni Baldo sabihin mo lang sakin-sabi ko

Bestfriend na lang kita, salamat ulit.-patakbo niyang sabi

Dun nagsimula ang pagiging matalik naming magkaibigan. Hanggang high school magkasama kami. Sa lahat ng kalokohan kasama ko siya. At pagpinapagalitan ako ni tatay nandyan siya palagi. Siya ang naging savior ko sa tatay ko. Mas lalo akong napalapit sa kanya, at gumising nalang ako isang araw mahal ko na siya. Kaya pagkagraduate namin ng high school, nagtapat na ako sa kanya. Alam ko nabigla siya, pero hindi ko inaasahan ang pagsabi niya ng "mahal din kita Alexis" kaya naging kami.

End of Flashback

I didn't expect na darating ang araw na to. Akala ko kasi forever na kami eh, nakikita ko na ang future ko sa kanya.

Pero siguro nga wala talagang forever. Alam ko na naman dati pa na kaibigan lang talaga eh, pero talagang matigas ang ulo ko, mas pinili kong sundin ang puso ko kaysa ang isipan ko.

Letting goWhere stories live. Discover now