Suddenly (One Shot)

36 0 0
                                    

A/N: Hi! Thanks for dropping by. Let me tell you, this story is my first online story posted and distributed with soft copies. (My former name is ABeautifulHarmony so the disseminated soft copies were with that name but hey, it's still me.) 

Comments and discriminations? Vote?

xoxo,

Aria Nightshade

--

 SUDDENLY

“Yesterday, my life was duller.

Now, everything is technicolor.”

What Dreams Are Made Of

-Hilary Duff

“Jennifer Alliaaaaah.” For the nth time ko nang isinigaw ang pangalan niya. Hello, ma-l’late na kaya kami? Palagi nalang bang ganito ang drama naming dalawa bago umalis ng bahay? “Baka ma-late tayo.”

“Ate, sandali nalang.” Pinunasan ko yung lababo. Natapos na akong mag-ligpit. Wala kasi kaming kasama sa bahay. Si Mommy at Daddy, nasa abroad. Seawoman at seaman sila. Hahaha. Kaya ako ang reyna sa bahay na ito! Aba, malaking responsibilidad rin ang naiwan saakin no? Lahat-lahat na kasi, ako! Napakasipag ng kapatid ko.  “Ate, let’s go.”

Narinig ko yung tunog ng sapatos niya sa hagdan. Uniform lang pero naka-three inches na heels. Tapos, yung palda namin na dapat two inches below the knee—ang kanya, one inch lang or kaya kung may general inspection, one and a half inch. Tumayo siya sa may pinto ng dining area. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Problema mo?” She raised her right eyebrow.

“May prom ba kayo?”

“Wala, bakit?” Tinitigan ko lalo siya. Light pink glitter eyeshadow, rose blush-on, makapal na mascara, pink na lipstick tapos may patong pa atang lipgloss.

“ANG KAPAL-KAPAL NG MAKE-UP MO! Wala na akong pakialam kung ma-late tayo. Maghilamos ka nga. Ang aga-aga pinag-iinit mo ang ulo ko! Jenn naman!” I sighed. Sumakit ang lalamunan ko dun ah.

“Ate…” She pouted. “Sige na nga.” Umakyat siya sa taas. Sinundan ko siya sa kwarto niya. Nakaupo siya sa harap ng dresser tapos nagpupunas ng wipes.

“Jenn.”

“Ano?” She sounded irritated.

“If Mommy’s here, you think she’d let you go to school with that?” She shrugged her shoulders. “No, right? You’re beautiful without those. Let me do that.” Kinuha ko sa kanya yung wipes. “I’m sorry.”

“Ate, it’s ok. Hmm. I think its better kasi if I have make-up. You know, I’m already in high school and my classmates wear make-up already. They told me that I should buy Allue at HBC daw kasi its infused with vitamins that won’t damage my young skin. Tsaka mas mapapansin daw ako ng mga taga-St. Paul[1].” She showed me the make-up. “That’s why I bought several pieces yesterday. I’m sorry, I lied. Wala talaga kaming babayaran.” I raised an eyebrow. “Babayaran nalang kita pagdating ng allowance ko, Ate.”

“Ok lang yun. Just don’t do it again. And… boys prefer girls with natural beauty. No make-up.” I winked. “Tara na?” I smiled and she smiled back. Lumabas na kami ng bahay.

Ako nga pala si Kyrenn Victoria Santillan. 16 years old. 4th year . St. Monica’s Academy.  [2]

*****

Pakiramdam ko ang haba nung nilakad namin kasi napagod ako. Tumaba kaya ako? Wag naman sana. Next week na ang prom, baka hindi magkasya saakin yung ipapadala ni Mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon