Pagkagising ko wala na si mama hindi man lang niya ako ginising para makapagpaalam. Galit pa rin siguro siya sa akin kahit na totoo naman talaga ang mga sinasabi ko sa kanya. Inayos ko na ang sarili ko para makapasok na.
Habang hila hila ko ang bike ko papasok naisip ko lang kung paano ako nakauwi sa bahay kagabi ang natatandaan ko lang kasama ko si Jimin tapos ng yakapin ko na siya wala na akong mantandaan.
Speaking of Jimin nakarating na ako sa palagi naming tagpuan.
"Jimin" tawag ko sa kanya lumabas naman siya mula sa likod ng puno may dala siyang isang rosas na pula at inabot niya iyon sa akin. Hindi koinaasahan ang rosas na inabot nya sa akin. Nakakatuwa at ang saya sa pakiramdam.
"Para sayo" kinuha ko naman ito siya na mismo ang naglagay nito sa gilid ng tenga ko naramdaman ko ang lamig ng kamay niya kaya parang na ground ako ng madampi sa akin ang palad niya.
"Salamat... salamat din pala kagabi" ngumiti ako sa kanya, kinuha niya sa akin ang bike at siya ang umupo.
"Sakay ka na" utos niya sa akin.
"Wag na. Ako na , hindi mo na ako kailangang ihatid sa school" sagot ko sa kanya. Hinatak niya ako palapit sa kanya at pinaupo niya ako sa unahan inumpisahan na niya ang pagpedal naiilang man ako sa sitwasyin namin ngayon wala naman akong magawa na umangal.
"Hindi naman kita ihahatid sa school mo. Baka makita mo pa sila matakot ka na naman " sambit niya. Tama nga naman siya baka nga makita ko ulit yung babae. Ayoko na ngang makita yun kinikilabutan ako kapag naalala ko ang mukha niya. Kulang nalang tawagin ko siyang aswang.
"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya,
"Basta.. sa lugar na tahimik na walang manggugulo sayo" nanahimik nalang ako hindi ako nakaramdam ng pag aalinlangan na sumama sa kanya. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala kahit kailan lang kami nag kakilala.
Nagpedal lang siya ng nagpedal hanggang sa makarating kami sa isang play ground. Walang tao tanging kami lang dalawa ang nasa lugar na iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako ginabayan papasok..
"Bakit dito?" Tumigil kami saglit sa paglalakad.
"Wala lang gusto lang sana kitang dalhin sa lugar na gustong gusto kong puntahan. Kapag nalulungkot ka dito ka lang pumunta. " sambit nya. Pinaupo niya ako sa isang duyan at umupo rin siya sa kabila.
"Jimin. ?" Pagsimula ko "Bakit ito ang Paboritong mong lugar?" Inabot niya sa akin ang kamay niya inabot ko rin naman ang akin. Magkahawak kami habang sabay kaming nagduduyan
"Dito lang kasi ako naging masaya at dito ko lang nakasama ang pamilya ko pero dito rin sila nawala" Anong ang ibig nyang sabihin. Na masaya siya dito at pagkatapos ay dito rin siya nalulungkot.
"Nasaan na ba ang papa at mama mo?" Gusto kong malaman ang lahat sa kanya masyado kasi siyang misteryoso sa akin.
"Malalaman mo rin" binitawan niya ako pumunta siya sa tapat ko sinapo ng malalamig nyang palad ang mukha ko at pinagkatitigan ako sa mata "Hindi pa ito ang tamang panahon dahil gusto pa kitang makasama" naguluhan ako sa sinabi niyang hindi sa ito ang tamang panahon kung gayon kailan pa.
"Jimin gusto kitang makilala pero ikaw mismo ang ayaw magsabi sa akin ng pagkatao mo," binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti. Nanibago ako dahil ng ngumiti siya nawala ang mga mata niya ang cute niyang pagmasdan lalo na ngayon.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Basta kasama kita maayos na ang lahat" Sagot nya sa akin. Sabay luhod sa aking harapan unti unti niyang inilalapit sa akin ang mga labi niya wala naman akong tanggi dahil hinintay ko lang na makalapit na siya sa akin. Ng maglapat ang mga labi namin dalawa ay naipikit ko na lamang ang aking mga mata at dinama ang kanyang mga labi.
Saglit lang iyon pero ang pakiramdam ko gusto ng sumabog ng puso ko sa mga oras na ito. May dinukot siya sa dibdib niya at inilabas niya ang isang kwintas na paro paro. Hinubad niya ito at sa akin naman niya iyon ikinabit. Gusto ko pa sana itanong kung bakit niya ibinigay sa akin ang kwintas pero tumalikod na siya.
"Halika na" pag aya niya sa akin. Tumayo naman na ako para sumunod sa kanya.
Hindi na ako makapagsalita ngayon naiisip ko pa rin ang paghalik niya sa akin hindi ko makalimutan at sa palagay ko hindi rin ako makakatulog nito.
Huminto kami sa puno. Para magpaalam na sa isat isa I wave on him at ganun din siya.
Kahit late na ako pumasok pa rin ako. Napatayo man ako sa labas ng room ayos lang mas naiisip ko pa si Jimin at ang mga nangyari kanina. Napapangiti ako mag isa para na talaga akong baliw kapag may dumadaan na estudyante napapatingin sila sa akin pero wala akong paki alam sa kanila. Masaya ako at iyon ang nararamdaman ko na hindi ko mapigilan.
"Jeraldine" tawag sa akin ni Mitch lumapit siya at inabot niya sa akin ang mga notes niya. "My exam tayo sa susunod na linggo kopyahin mo nalang yan tsaka mo ibalik sa akin kapag tapos ka na" sambit niya
"Salamat Mitch.... kaibigan talaga kita" kinuha ko naman ang mga iyon.
"Wala iyon. Pumasok ka pa kasi wala ka naman ng papasukan, halika na umuwi na tayo at ang parusa mo ihahatid mo ako sa amin" ayan na naman tayo ang layo kaya ng bahay niya. Kung hindi lang niya ako pinahiram ng mga notes niya hindi ko talaga siya ihahatid.
Inangkas ko na siya sa bike ko para maihatid ko.na siya ayokong abutan ng dilim sa daan. Nakakaramdam na naman kasi ako ng takot.to be continued.......
BINABASA MO ANG
FINAL FANTASY
RandomWhat will you do if you became part of this Story the FINAL FANTASY ------- XXZUKUARIKAXX