Lucas in Boran

983 44 4
                                    

Lucas POV


Habang mag-isa ako sa ilalim ng puno, hindi ko mapigilan na isipin ang kalagayan ni Shia. Napabuntong hininga ako at sumandal sa puno sa likuran ko. Wala akong kasama ngayon. Maaga akong nagising para sa training namin mamaya. Mukhang tulog pa mga kasama ko. Pinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin. Makakapagrelax ako kahit sandali man lang.

Shia kamusta ka na? Pinapahirapan ka ba nila dyan? Kumakain ka ba ng maayos? Iniisip mo rin kaya ako? Shia sorry. Iniwan ko pamilya ko para maging malakas upang mailabas kita dyan. Pasensya ka na kung nadamay ka sa ginawa ko. Hayaan mo kapag ako naging malakas, ilalabas kita dyan at magkasama na tayong muli. Hintayin mo sana ako Shia. Miss na miss na kita.

Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Napadilat ako ng mata at nagtaka ako dahil naging malabo ang paningin ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang dumadaloy galing sa mata ko. Pinigilan ko ang kamay niya at ako na mismo ang nagpunas sa sariling luha ko. Umiiyak na naman pala ako. Tiningnan ko ang taong nakatayo sa harap ko at pilit na ngumiti. Sino nga ulit ito?

"Sorry. Nagising ba kita? Nakita ko kasi ang luhang dumadaloy sa pisngi mo at hindi ko napigilan ang sarili ko." Sabi ng babae at ngumiti sa akin ngunit sa nakikita ko sa mga mata niya ay parang ang lungkot nito. She has brown eyes. Matangos ang ilong at pinkish lips. Ang buhok niya ay hanggang bewang niya at medyo curvy ito. Ano nga ulit pangalan niya? It's been weeks since we're on training pero lagi kong nakakalimutan ang pangalan niya.

"You really miss that girl huh?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pano niya nasabi iyon?

"I have the ability of Empathy. The awareness of the feelings and emotions of other people." She said and shrug her shoulders.

Naupo siya sa tabi ko at nilabas ang dagger mula sa bulsa niya. Shia. Napahinto siya sa pag examine nito at napatingin sa akin. Nanlaki ang mata niya sa pagkamangha.

"Wow! By simply looking at this dagger, your emotion changed. Why is that? Did you remember that girl?"

Tiningnan niya ulit ang dagger at sumandal na rin sa puno na sinasandalan ko rin. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Mga ilang minuto rin bago ako nagtanong sa kanya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo? At paano mo nalaman ang mga iyan? Stalker ba kita?" I asked and smiled a little. She looked at me straight into my eyes.

"Like what I've said, my ability is Empathy. It is like placing myself in your shoes and feel what you are feeling. How did it work? The moment I touched your shoulder and cheek. Sorry about that. I can't help myself but feel others' feelings. Para naman gumaan pakiramdam nila lalo na kapag mabigat ang pakiramdam nila." She sincerely said at tumayo na siya. Nakatalikod siya sa akin. Nakatingin ako sa buhok niyang nililipad ng hangin.

"Curious ako sayo pagdating mo pa lang sa school. May kakaiba akong naramdaman noong makita kita. Habang tumatagal nakikita ko ang galing mo sa pakikipaglaban. Ang ganda rin ng ability mo. Magiging advantage mo iyon samantala sa akin ay hindi. Useless ang ability ko pagdating sa offense kaya kailangan kong galingan ang fighting skills ko. I can only use my ability to gather some information."

May kinuha siya sa bulsa niya at biglang humarap sa akin at may hinagis. Thanks to my ability at slow mo ang nangyari at nasalo ko ang dalawang dagger sa kamay ko. Napatayo ako at napatingin sa mga dagger sa kamay ko.

"Malapit na magsimula ang training siguradong papunta na sila sa training room. Kailangan na rin natin pumunta doon. By the way I'm Kei, the team's Deceiver and your future wife. Haha!" sinabi niya at nagsimula na siyang maglakad.

Napailing na lang ako at napatingin sa kanya habang nakangiti. Bago sumunod sa kanya ay napatingala ako sa langit. Shia wait for me. I'll definitely getting you out of there.

***

Haha! Fanfic lang po ito. Alam kong lame. Pasensya na. Sana magustuhan niyo. 

If you want to share your story or stories related to Ms. April Avery's stories, you can message us here. Thank you! 

April Avery's Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon