First Half

5.4K 143 2
                                    

Pilit kong hinahabol ang taong patuloy na tumatakbo papalayo sa'kin. Ilang beses niya man akong ipagtabuyan hinding-hindi ako susuko.

'' Ashleigh! Sandali ipinagbake kita ng cookies. Diba favorite mo to? ''

Inilahad ko sa kanya ang box ng cookies pero imbes na tanggapin niya tinabig niya lang ito kaya natapon.

'' How many times do I have to tell you to stay away from me? '' Tila naiinis niyang tanong.

Napayuko na lang ako. Nakita ko kung pano niya apakan ang pinaghirapan kong cookies. Pumikit ako ng mariin. Kailangan kong magtimpi. Hindi pwedeng sumuko ako agad.

'' A-Ano bang gusto mo? Gagawin ko. Ibang f-flavor ba? o- ''

'' Stop! Can't you see? May Girlfriend na ako. So please? Maghanap ka ng ibang lalandiin mo. ''

After he said those he left me there. Sobrang lakas ng bulungan ng mga tao. Wala akong ibang magawa kundi pulutin ang tumilapon na cookies.

Baka wala lang talaga siya sa mood. Oo ganon na nga!




Nagmamadali akong lumabas ng klase matapos ma received ang gm ni Dash.

Magkakaroon nanaman ng underground racing at sobra akong kinakabahan.

Ginagawa lang yun every year at hindi pwedeng walang mamatay.

Kinakabahan ako dahil kasali si Ashleigh. Hindi ko kaya. Baka maulit nanaman ang nakaraan.

Mabilis akong bumaba ng taxi.

Nakita ko agad sila ng girlfriend niya. Papasakay na sila ng kotse pero hinabol ko si Ash. Halos ipagtabuyan niya ko. Pinapasok niya muna si Cynthia sa loob.

'' What is it this time? '' Pabulong pero gigil na sabi niya.

'' Ash! Underground racing yun. Alam mo namang hindi ka pa nakakarecover ng maayos diba? Isa pa delikado yu- ''

'' Shut up! Bakit ba lagi mo na lang akong pinakekeelamanan? Sino ka ba sa tingin mo? I don't even know your name! ''

Natahimik ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa mata niya na mababakasan mo ng kasuklam suklam na tingin. Na para bang nakakadiri akong tao and it sucks.

'' I am Claire. Pinipilit mo lang akong kalimutan. Nagbago kana talaga Ash ''

'' Tama ka. Nagbago na nga ako. Binago mo ko! Don't act as if you own a biggest part in my life. The day you left me was the day I've erased you on my mind ''

Iniwan niya ako matapos sabihin yun.

Masakit marinig ang katotohanan.

Sa isang putok ng baril sabay-sabay na humarurot ang walong kotse sa harap ko.

Wala akong magawa kundi tignan ang sasakyan niya.

Napakabilis

Natatakot ako.

Maayos at kalkulado ang galaw ng bawat sasakyan. Kaso isang pangyayari ang hindi ko inaasahan ...


Third Person's P.O.V
Natigil ang lahat matapos bumangga ang sasakyan ni Ashleigh sa pader.

Isang napakalakas na sigaw ang narinig ng lahat.

Humahangos na tinakbo ni Claire ang distansya sa pagitan nila.

Dumating agad ang medics. May malay si Ashleigh na inilabas sa sasakyan pero ang girlfriend niya na si Cynthia ay halos hindi na makilala. Naipit siya sa pwesto kung saan sumalpok ang sasakyan.


Nang maisugod sila sa hospital agad na pinuntahan ni Claire ang nagwawalang si Ashleigh. May benda ang ulo nito at hindi niya maiwasang mapaiyak habang naririnig niyang isinisigaw ang pangalan ni Cynthia.

'' A-Ash . . . Magiging okay din ang lahat ''

Napunta sa kanya ang atensyon ng binata. Natakot siya sa titig nito. Galit na galit.

'' What are you doing here? Get out! ''

Umalingawngaw ang sigaw ni Ashleigh sa loob. Napahikbi ang dalaga. Ngayon niya na lang ulit ito nakitang magalit.

'' Gusto ko lang tumulong- ''

'' Tulong? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ginusto mo to diba? ''

'' Nagkakamali ka. Patawarin mo ako. Anong magagawa ko? Asan siya? ''

'' Ayun yung girlfriend ko sa ER. Buhay ang kelangan ko. Do you understand? ''

'' H-Handa akong ibigay ang pus- ''

'' Handa ka talaga? Then switch your place. Ikaw na lang ang mamatay wag na siya. Wala ka namang kwenta! ''


Awang-awa ang mga nurse sa sitwasyon ni Claire pero wala silang magawa dahil hindi na nila ito trabaho.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya kay Ashleigh. Umiwas lang ito ng tingin.


'' K-Kung i-iyon ang makapagpapasaya sayo then I will. Don't worry, ito na ang huling beses na makikita mo ako ''


After she said those tinahak niya na ang pinto palabas.

Claire's P.O.V

Pilit kong pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.

I heard enough. Tama naman siya. This is all my fault. Kung hindi ko siya bwinisit kanina baka naging maayos ang takbo niya.

Nangangatog ang kamay ko na kumatok sa isang pintuan na maghahatid sakin sa hangganan.

'' Yes? How may I help you? ''

'' Doc, kamusta po si Cynthia? ''

'' Well critical siya as of now. Maraming dugo ang nawala at wala pang donor. Kung hindi siya masusuplayan within an hour- ''

'' Doc. . . take mine ''

Napatitig sakin ang doctor na para bang hindi makapaniwala.

'' Are you sure? 3/4 ng blood mo ang mawawala. Kung kukunin lahat sa iyo maari mo itong ikamatay ''

'' Handa po ako. Please saved her ''


Hindi ko maiwasang umiyak sa harap niya. Agad siyang kumuha ng kontrata at ballpen.

Ibinigay niya sakin yun. Madali ko itong pinirmahan.

Ayoko ng patagalin pa kasi mas lalo lang sumasakit.




'' You are young. Bakit? ''

Isinusuot ni Doc ang gloves niya. Andito ako sa operating room kasama ang babaeng lubos kong kinaiinggitan.

'' Mahal na Mahal ko siya doc. Ang corny ko! Haha. '' Pilit pa akong tumawa kaya pilit din na ngiti ang ibinigay niya.

Inilihis ko ang tingin ko sa babaeng nasa tabi ko lang. Nakakaawa siya. Hindi ko kayang makita si Ash na nagdudusa kung alam kong may magagawa naman ako.

Binigyan niya ako ng maliit na bola. Sinimulan ko ng pisilin to. Unti-unti ko ng nararamdaman ang karayom sa balat ko. Napapaungol ako sa sakit.

'' Please tell him I am sorry. This is the least thing I can do Doc. That's why ''

Ilang sandali pa wala na kong maramdaman. Nahulog ko ang bola kasabay nun ang pagbagsak ng aking mata.

She Died Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon