Cine's POV
Nasa skwelahan kami, kasama ko syempre Bebe Ko.
"Bebe Ko, cr lang ako ahhh, hintayin moko dito, saglit lang", paalam ni Ric
"Sige po, ingat ha", sabi ko at humiwalay na sa pagkakahawak ng kamay namin.
May lumapit sa akin na lalaki, ang gulo gulo ng buhok, di ko alam kung adik ba toh oh adik ehh
"Hi Miss, what's your name?", tanong nya. Aba umi-englisg pa tong hampas lupang malanding toh? Wala naman sa accent. Aalis na sana ako nang bigla nya kong hawakan sa braso at pigilan.
"Suplada ka naman masyado, Miss nakikipagkilla lang ehh", hinatak ko ung kamay ko sa pagkakahawak nya a aalis na ulit sana nang pigilan nya ako at muntikan nang halikan. Buti nalang at nakaiwas ako at biglang may sumuntok sa muka nya kaya nakahiga sya ngayon sa sahig, paglingon ko kung sinoman yon ay hindi ako nagkamali. Si Ric nga.
"Pare g*go kaba?! Bat mo hahalikan girlfriend ko?! Sino ka bang hayup a ha?!", di na napigilan ni Ric yung galit nya at akmang susuntukin muli ang lalaki nang tumakbo ito at umalis na sa pwesto namin. Bakas sa muika ni ERic ang pag-aalala nang lumapit sya sa akin.
"Bebe Ko, okay ka lang ba ha? Nasaktan ka ba? Anong ginawa sayo nung hay*p na yun ha? Sabihin mo lang", sunod-sunod na tanong nya. Napangiti ako nang wala sa oras dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya para sa akin.
"Ayos lang ako Bebe Ko, salamat ahhh", sabi ko sakanya sabay ngiti. Ginulo nya ang buhok ko sabay ngiti din sa akin.
"Sorry Bebe Ko ahh, ang tanga ko at iniwan kitang mag-isa dun, sorry ahhh"
"Bebe Ko naman ehh, wala ka kayang kasalanan, at wag kanang magpumilit pa ko kokonyatan kita", sabi ko sabay akmang kokonyatan nga sya. Umilag naman sya sabay batok ng mahina sa akin, aba't talaga nga naman munggo nga talaga hahahahaha.
*KRIIINNGG*
At last! Uwian na rin hahaha. Pupuntahan kona sana sa classroom nya si Ric, kasi mas maaga kaming pinalabas ngayon kasi ayaw magturo ng teacher namin, masipag ehh, nasobrahan kaya ayan, tinamad hahahaha.
So eto na nga, palabas na ako at pupuntahan na si Ric sa classroom nya nang biglang may gumulat sa akin na mukang munggong nilalang.
"Bulagaaaa!", gulat nya sa akin na may suot pang nakakatakot na maskara. Kala mo naman nakakatakot sya.
"Whaaaa! Grabe nagulat ako, grabe, grabe talaga, grabeng grabe. Di kona keribels toh", sabay tawa ko nang malakas, mga bente hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
Anubayan, bat ba kahit kelan di ko magawangand asarin tong nilalang na toh? Bat pag sya pikon agad ako?? Wala talaga akong powers sa ganyan huhuhuhu.
"Tapos kanang tumawa Bebe Ko? Pedeng pakiss na ako?? Kanina pa nangangati yung labi ko ehh, pakikagat nga", ohh tignan nyo, di sya naasar.
"Kainis naman eh! Maasar ka, maasar ka, maasar ka", sabi ko at umalis na. Ayy wait lang, alam ko ako yung nang-aasar pero bakit ako yung naaasar? May superpowers ba talaga ang lalaking ito at sa tuwing aasarin ko sya ehhh sa akin napapasa yung tukso?? Hustisyaaa ohhh!
Sumabay sya sa paglalakad sa akin, sabay hinawakan ang kamay ko. Gusto kong alisin yun pero di ko alam ang dahilan kung bakit di ko magawa.
"Bebe Ko, sorry na ohhh. Meron kana naman ehhh, nagsusungit na naman yung Mahal Ko", di ko sya pinapansin, naiinis ako sakanya. Di ako tumitingin dahil pag nakita ko yung muka nya nawawala nang kusa yung galit ko.