Her POV
"Ano bang magandang bilhin?",napapakunot na ang kilay ko dahil isang oras at kalahati na akong nakatayo at pinagkukumpara ang inuming Sting at Sprite.Sino ba itong manufacturer na ito at pinahihirapan ako sa dalawang inumin na ito?.at sino ba namang abno ang kakausapin ang sarili, aishh!.
=__= napalinga linga ako sa paligid, hoy hindi ako magnanakaw ah!. Naghanap ako ng pwedeng mapagtanungan pero walang ibang customer.
Napatingin ako sa cashier na nakaupo, Lumapit ako sa mukhang bisugo na cashier.
"Hoy,anong mas masarap: Sting o Sprite?!" Well trip kong sumigaw tss.
Nagulat si bisugo =__=
"Ah ehh Sprite?" Sabay ngiwi sakin. Hindi pa talaga siya sigurado sa sagot niya.
Hindi ako sumagot, sa halip umatras ako at bumwelo...Sabay ..
*blaaaaaaagggg*Natumba ang lahat ng lalagyanan ng kitkat at cadbury pati narin ang mga iba pang tinda sa may counter.
Nagulat at napalaki ng mata si bisugo dahil sa pagsipa ko ng malakas sa counter , yeah tama yan mas nagmukha kang bisugo.
"Bat mo pinili yung Sprite?!!, paano na yung Sting?!!" Pasigaw kong tanong sa kanya.
"K-kasi pinapili nyo po ako, mas gusto ko kasi yung Sprite", halos manginig na sya sa takot.
Ang masasabi ko lang: BAKLA.
"Bat sinabi ko bang yung gusto mo ang piliin mo?!!" =___=damn it ang boring ng bisugo nato.Hindi nya ako pinansin at pinulot nya na lang yung mga nalaglag na tinda.tinitigan ko sya, nanginginig talaga yung mga kamay nya tagaktak din ang kanyang pawis.
"Hay makaalis na nga lang ang boring mo!", sabay hagis ng Sprite at Sting sa kanya.napabalikwas sya sa paghagis ko.
Naglakad ako palabas ng minimart at Nagpunta na lang ako sa abandonadong bus sa likod ng elementary school na hindi rin kalayuan, dito rin ako madalas tumambay at matulog.
First person's POV : lumipas ang mga oras at dumating ang gabi.
Naalimpungatan ang babae sa kagat ng lamok. "shit " napamura na lang sya.Napansin niyang gabi na pala, at sa kamalas malasan walang ilaw sa pinagtulugan niya.
Kaya habang nagalalakad palabas halos matapilok siya sa mga kahon na nakaharang."Arrggh sino bang nagtambak mga karton dito?!, mababasag ko talaga ang mga pagmumukha nila." .Naging tambakan ng eskwelahan ang abandonadong bus ,pero bago makalabas ang dalagita puro mura ang inabot ng mga bagay na walang buhay sa paligid niya, kung mayroon lamang pakiramdam ang mga karton ay kanina pa siguro itong nagsalita.
Ngunit Sa kalaunan ay nakalabas din siya.
Tuwing gabi nagkakaroon ng buhay ang mga building, iba't ibang kulay ng ilaw ang makikita sa daanan.
Ngunit ang mga maliliit na bagay na ito ay hindi pinansin ng babae. Sa halip ay sumabay siya sa alon ng mga estrangherong naglalakad sa pedestrian.
Sa mga mata niya blangko ang lahat.
Hindi pinapansin ng babae ang mga bagay sa kanyang paligid kahit na ito'y may itinatagong ganda.Nabuhay siyang tikom ang bibig sa mga bagay na ito.
HER POV
Naramdaman kong kumukulo na ang sikmura ko, kelangan ko ng umuwi.Naglakad ako ng naglakad na parang walang patutunguhan. Hanggang sa makarating ako sa lugat ng maraming bahay.
Nakatingin lang ako sa mga paa ako habang naglalakad. Aissh gutom na talaga ako =__=.
Nadama ko ang malamig na hangin ng biglang------------
*splashhhhhh!!*
"PUCHA!!" Nagulat ako ng may sumaboy sa akin ng tubig. Napatingin ako sa may gawing kanan
.
.
.
.
.
.
Isang lalakeng matangkad na nakanganga at gulat ang may hawak na balde na may tumutulong pang tubig . kahit na mahina ang ilaw alam kong....FUCKK SI BISUGO!!!!!
To be continued
-------------------------------------
Salamat sa mga nagbasa (・∀・)Hahaha gantihan ba? Lol may dahilan kung bat nagsaboy ng tubig si bisugo XD
Fictional po ito at walang pawang katotohanan.
See ya next chapter---------momoizumi (ノ゚▽゚)7
BINABASA MO ANG
Bunny Punch!
Teen FictionFearless? ,it's just what you see. Punches?, you just feel it but you don't even know everything behind it Strong?, but the real thing is that, I'm slowly being weak inside. ------------------------------------------------