Being weird is not my passion

4 0 0
                                    

RYU'S POV

"Ahh ang init" ,tagaktak na ang pawis ko sa higaan. Ang aga aga amoy suka agad.

Hindi ko agad naidilat ang mata ko dahil sa nagkadikit dikit na muta -__- , laki kasi ako sa puyat at ito ang nakakadiring kinalabasan.

Kinusot kusot ko yung mata ko, tapos konting beautiful eyes ay peste hindi ako bakla! ,handsome eyes dapat!.

Pero pagdilat isang masagwang poster ang bumungad sa kisame.

"Dafuq",half naked na babaeng nakaupo... kelan pa nagkaron ng poster sa kisame?!.

Ang unang mukhang rumehistro sa utak ko ay ang manyak na si Gigi!, siguradong ngiting adik na naman ang mokong na yun.

Imbis na titigan ko ang mahalay na poster tinanggal ko ito at pinag punit punit sabay tapon sa basurahan. Pagkatapos ay niligpit ko na lang ang mga unan at kumot ko.

Naglakad ako papuntang sala.Pero laking gulat ko ng may nakita akong tao na nakataob sa ilalim ng mesa!.

Halos atakihin ako sa puso at muntik pang mapatili. Wait teka tili?! ,putek bakla lang!.

Puro exclamation ata ako, haissst. Pucha mukhang sadako ang nanay ko sa ilalim ng mesa.

"Ryu-u-u",bulong ni mama sabay taas ng kamay,mas nagmukha pa lalong sadako, idagdag pa ang sabog na buhok . Dahan dahan kong hinila at iniupo si mama sa may upuan.

"Ma, ano na namang trip yan at pati ilalim ng mesa ay ginawa mo ng higaan?", napakamot na lang ako sa batok at hindi sa ulo dahil wala naman akong balakubak.

"Ryu-uu nanunuod kasi ako ng t.v kagabi saktong nabalita yung survival tips kapag may lindol. Tapos sabi magtago sa ilalim ng mesa , nagulat na lang ako nung may biglang lumilipad ba ipis, kaya ginaya ko yung sinabi sa t.v~~"

biglang ngumiti ng pagkalapad lapad at nag peace sign pa ang nanay ko.

Ako: .___. , ma hindi lindol ang ipis.

Nanay ko: (v ˘v˘•)v

Haisssssttt, dahil dyan hindi na sa batok, napakamot na lang ako sa pwet ko haaaaaay juiceko!

Napagkakamalan na baliw ang nanay ko dahil sa kaweirdohan nya. Meron pa ngang isang nakakahiyang nangyari.

Elementary ako nun tapos nagulat na lang ako nung pag uwi ang daming tao sa katabi naming bahay.

Nakita ko si mama na hinihila palabas dun sa kabilang bahay. Napatakbo ako nun, narinig ko ang usapan ng mga chismosa .

Si mama daw ay pumuslit papasok ng bahay inantay lang daw nito na medyo makalayo yung may ari. Dahil may nakalimutan yung lalaki bumalik ito ng bahay.

At boom napagkamalan na akyat bahay si mama.

Pagkatapos ng insidente na yun lumipat ng bahay yung lalaki.
Tinanong ko si mama kung bakit sya pumasok ng walang paalam.

At ang sabi nya tinangay ng hangin yung underwear nya, nakalimutan nya daw lagyan ng sipit nung nagasampay sya kaya napunta dun sa kabilang bakod.

Sani ko naman: " bat hindi mo na lang sinabi na may nilipad sa sampayan o kaya nagapaalam ka man lang na pumasok "

At ang palusot nya may crush daw sa kanya yung lalaki, kasi daw nginitian sya minsan . Kaya nahiya daw siya.

Shetness dahil lang sa nginitian may crush agad?! Nakakabuang lang .

Pero Back to reality, hindi ko na lang pinatulan si mama at nagluto na lang ako ng almusal.

Ngingiti ngiti si mama habang kumakain. Kahit na may pagka weirdo si mama, mahal nya pa rin kaming pamilya.

Pagkatapos gawin ang lahat ng gawaing bahay at maghanda para sa trabaho. Nagpaalam na rin ako na aalis ako papuntang minimart para sa day shift ko.

Kumaway kaway malapit sa gate si mama at ako naman naglakad na palabas ng munti naming bahay. Sana lang talaga walang kabaliwang mangayari sakin ngayong araw *crossfingers*

-------------------------------------

TO BE CONTINUED...

Fictional lamang po ito , hindi totoo.

Salamat sa nagbasa

Next update ulit, ciaoo~

-----------momoizumi


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bunny Punch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon