REYXIE
August 6 na ngayon at manayang 6 PM ang simula ng 2nd Game sa Kingdom at quarter - to - six na at nakasakay na ako papunta sa Underground or entrance para sa mga malalakas na gangsters at mafia at ang Underworld naman ang sunod mong pasukan bago ka nakapasok sa Kingdom kung saan nagaganap ang Game.
Nakapasok ako agad dahil sa suot kong high - boots (with heels) at black skinny jeans at black sando with leather jacket. Kilala na niya ako dahil na din sa mask ko at may nakasulat sa bandang gilid na Queen at may korona pa sa taas ng letter 'Q'.
Pagpasok ko ay nag-announce na agad ang speaker, "15 seconds after the start of game," sabi niya at itinaas ang kanang kamay for countdown.
"15 , 14 , 13 -- " habang nagbibilang siya ay naglakad naman ako papunta sa isang poste na nakakonekta para sa second floor at agad na umakyat.
"8, 7, 6, 5, -- " puwesto agad ako at nagtago.
"3, 2, 1." kakasambit palang ng number '1' ay nagsimula ng umatake ang mga kasali sa isa't-isa.
30 minutes na akong naka-upo dito at nakatambay kaya medyo na bo-bore na ako hanggang sa napatingin ako sa isang lalaki na parang nakatayo lang at relax na relax na pinatuba ang mga kalaban at mga kagang niya (ayun na din sa lapit sa kaniya) na parang wala lang.
Napatingin din ako sa kabila at nakita ko ang isang lalaki na nakikipagrally din ng atake sa nga kalaban na nakapalibut sa kaniya at sa ka-gang niya (same reason). Kilala ko siya-- No! Scratch that. Kilalang-kilala ko siya. Siya si Rey Shawn Lancaster anak ni mom Thera. Medyo close kami but minsan naaw-awkradan ako dahil na ding sa katotohanang may gusto siya sakin.
Yeah, inamin niya sakin pero nag-'Thank you' lang ako. I like him too, pero naguguluhan parin ako kung 'I like him romantically' or 'I like him as a brother'. Hindi ko sinabing maghintay siya hanggang sa magustuhan ko siya but pinilit niya ako e. At first ayaw ko pero pinilit niya parin ako kaya pumayag na din ako, mapilit e.
Nadako naman ang tingin ko sa isang lalaki, malakas din siya. At pamilyar siya. Ang galing niyang nakipag-laban na yung tipong kahit nakikipaglaban pa siya sa harap ay ramdam niya parin ang sa likuran kahit hindi niya tignan-- arggh, I am just describing what I am watching here okay? I am not giving him any compliment. Tsk. Just describing.
Palipat lipat lang ang tingin ko sa 'The Three Great Guys ' at naka-isip ng magandang pakilala.
The Queen has a evil plan.
MAXWELL
Mga 45 minutes na din kaming nakikipag-laban at ramdam ko na ang pawisan kong katawan pero hindi pa namam ako nakaramdam ng pagod.
Napatingin ako banda kay Kyle... at sa mga kaharap niyang kalaban na unti-unting nagtutumbahan hanggang sa isang babae.
Siya siguro ang may gawa nun.
Napatingin naman ako kay Kyle.
"Watda--"
"Who you?" rinig kong tanong ni Kyle sa babae.
Hindi naman sumagot ang babae at tinignan lang siya at nag-smirk.
"Tsk. Pakialamera," nagdilim naman ang mukha ng babae.
Nagsalita ang babae pero hindi ko marinig. Medyo malayo kasi sila sakin eh pero naririnig ko si Kyle dahil sa earpiece na suot ko, dapat nga marinig ko yung babae pero halatang hinaan niya lang.
Alam ko at ramdam ko ang sitwasyon ni Kyle at hula ko na sinasabi niya sa isip niya na, 'Nakakalalaki tong babaeng toh ah.' Malamang natapakan ang ego niya.
May kinuha naman ang babae sa bulsa niya at binigay kay Kyle.
Maliit yun. Parang hugis korona. Parang emblem, badge or what basta maliit lang siya at hugis korona.
Tsaka ko lang na-realized na siya si...
"Queen..." sabi ni Kyle at kinuyom ang kamao niya kung saan ang emblem nakalagay.
"MAX, SA HARAP, LIKOD AT MAGKABILANG GILID MO. PVTA MAGCONSENTRATE KA KUNG AYAW MONG MAMATAY'NG GAGO KA!!!" sigaw ni Kent kaya napa balik ako sa realidad tsaka na ako nagconcentrate. SHT ANG SAKIT SA TENGA NUN AH.
"Ayy sht kapagod. Putspa." sabi ni Kent at nag-stretch pa.
"Dalawang oras yun makakapag-pahinga na din sa wak--"
"Walang pahinga-pahinga may pasok pa bukas." putol ko kay Lucas.
"AYY PVTANGNA PAHINGA MUNA TAYO--"
"Ssst. Wag ka ngang sumigaw." sita ni Lucas kay Kent sa mababang tono.
Napatingin naman ako kay Nash at tulog na, ang adik sa tulog. Psh.
Napatingin naman ako sa rear-view mirror at tinignan si Kyle.
Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya at sa daan, ako kasi ang nag-dadrive e.
Nakatitig lang siya sa hawak niyang emblem at halatang may iniisip na malalim.
Binalik ko naman ang focus sa daan.
Napaisip tuloy ako... magka-kilala kaya sila ni Queen? Aisssh.
Di ko nakita ang mukha ni Queen pero ang mata niya lang ang nakita ko dahil sa mask niya.
May nunal siya sa bandang talukap ng mata.
Ano kayang pinagusapan nila?
~*~
A/N: Ano nga bang pinag-uusapan nila? I wonder kung gagawin ko ba tong Romance. HAHA. Ekisdi.
