Getting to know each other

13 2 0
                                    

ASH MARIELLA QUIZON:

5 am nagising ako at naligo ng malamig na tubig para magising agad ako. Pagkatapos ko maligo bumaba agad ako at naghanda na ng kakainin ko para sa eskwela. Sabi ko kay mama..."MAMA!! AALIS NA PO AKO. GOODBYE PO! I LOVE YOU!!" Sagot naman ni mama..."OH SIGE ANAK! BYE! 500 pesos naman baon mo eh! kasya na yan!" Mahal na mahal ko yang si mama kasi sya na lang naman ang naiwan kong pamilya dahil simula umalis kami sa bahay ng papa ko wala na kaming balita sakanya. Sumakay na ako ng bus at nakita ko lahat ng tao may ka yakap at ako naman itong single forever. pagbaba ko sa Paranaque sumakay ako ng jeep papunta sa eskwelahan ko. Bigla na lang may umupong lalaki sa tabi ko. Tumingin sya sakin at sinabi..."Miss, paabot nga po ng bayad sabihin mo  sa MIT" Inabot ko ang bayad nya at sinabi ko sakanya..."Sa MIT ka rin pala nag aaral??" Sagot nya naman..."Oo, year 2 na ako" Sagot ko naman..."Hala! Ako rin"

"Haha! what a small world! Hi, I'm McCoy"

"hello! I'm Ash! pero if you want you can also call me Mariella"

"I'll call you Ash na lang para ASHaakin lang ang puso mo!! HAHA"

"Ang corny mo rin ano!"

Sabay kami pumunta sa classroom namin at nagtabi. Nagpakilala na ang teacher namin na sya raw ay si Mr. Reyes. Naging ka section ko si McCoy at naging katabi ko pa. Andami kong nalaman tungkol sa buhay nya. Single rin pala sya katulad kong walang naiinlove sakin at wala akong nagugustuhan. Studies first before love kasi sabi ni mama. pero pwede naman raw ako magka crush pero sa LALAKI wag sa BABAE. Straight naman ako eh so imposible na magkagusto ako sa isang babae.







That Thing called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon