Midnight (memory or disaster?)

23 0 0
                                    


3:28 AM

"Hoy! Franky! Umaga na, hindi ka pa ba tapos diyan?"

Napatigil ako sa pagtitig sa picture ni Harry baby (ko).

Hala! Nagising ko ata si Mama! (pero wait, hindi naman ako nag i-ingay kasi nag se-senti nga ako, I don't know why)

She turn the light in my room on at saka sumandal sa doorway. Ang pinto? ayon, bukang-buka. (parang sa kinikilos ni Mama, may ginagawa ako kababaglahan and then she caught me.)

"Mama, hindi pa po ako tapos kasi kakasimula ko lang po sa second powerpoint." tinignan ko ulit si Mama, para akong tanga na pinapakiramdaman ko siya.

I silently sighed. (madalas kasi OA ang katawan ko na even pag hinga parang naka speaker.)

Buti na lang na-exit ko agad 'yung tab ng Instagram (Harrystagram) ko bago pa makita ni Mother Earth ang mga pinaggagagawa ko.

"Alam mo, hindi ka matatapos sa pagtingin sa pictures ng kung sino ma---"

"Ma! Hindi siya sino man ah." Hay... I'm fighting for someone who's not here. Napasimangot na lang ako.

"Bahala ka, nako. Hindi ka mapapansin niyan. Just finish your work because it's almost 2 hours before you must submit that." Tuloy-tuloy niyang sinabi pero may sadyang hindi pinalampas ang mga tainga ko.

Ma, 'wag ganyan magmumukhang gurang ang face mo. Sige ka.

Pero syempre, hindi ko sinabi 'yan. Takot ko lang na basagin niya ang laptop ko {ginamit na niyang panakot 'yan nung nahuli niya akong hindi tinatapos ang thesis ko (fortunately, natapos ko na naman. yey!) at nakikinig lang ako ng mysic with matching kembot pa.}

"Opo, ma. Matatapos ko 'to." Nakasimangot pa rin akong mukha ko.

Nang lumabas na siya, sinimulan ko nang gawin ang first to the last powerpoint.

Sa phone ko lang binuksan ang Harrystagram ko for inspiration.

×××××

1 hr and 16 mins. later

Oh god... ang sarap talaga sa feeling ng katawan kapag nakakapag-inat.

I put my headphones on, place the laptop on the bedside table at saka humiga. Finally, makakapagpahinga na rin.

Busy ako sa pakikinig ng 1D songs nang maramdaman kong may likido sa pisngi ko.

Hindi naman umuulan ah, summer ngayon. Hindi rin naman butas ang bubong namin (may kisame pa) incase na malakas ang trip ng pusa at umihi.

I knew the answer when I touched my eyelashes, it's wet.

Nakakatawa ka talaga, Franky.

"Hindi ka mapapansin niyan."

Ouch. Naulit na naman.

Akala ko ma di-distract na ng mga kina-aadikan kong kanta 'yung sinabi ni Mama.

Ang sakit pala talaga. Mahal na mahal ko kasi si Harry Edward Styles. Seryoso na 'to eh.

Masakit kasi... tama si Mama.

He don't even know na nag e-exist ako.

With that thought...

I cry myself to sleep.

×××××

A/N: Apparently, adik talaga ako kay Harry. So, it's like this story mirrors a fangirl life. Sad, yeah. Know the feeling. Thank you for reading!!! (Btw, ang sarap talaga pakinggan ng solo ni Harry sa Change My Mind!) Hope you enjoyed!

-K


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnecdotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon