Prologue

231 9 1
                                    

"Ara, we have to talk about something." Sabi saakin ni Thomas.

Hindi naman ako kinabahan dahil knowing thomas na super clingy at sweet idagdag mo pa ang pagiging jolly niya hindi naman seryosong bagay ito or conflict between our relationship eh. One year and nine months na kami ni Thomas at eto, ang strong namin diba? Ang daming nagdodoubt kasi sa relationship namin kasi sabi nila a boyish girl like me will never find someone like Thomas Torres. But this is how faith works nga naman. Heto ako, kasama ang napakagwapong chinito across the whole wide world.

Sa kakaisip ko ay nakarating na pala kami dito sa park. Napakafresh talaga ng hangin dito at ang sarap pang magstargazing.

Nireready ni thomas yung parang kumot na uupuan namin para di kami madumihan dito sa may damuhan.

"Sit" simpleng sabi lang niya.

Wew grabe naman tong chinito na to bat ang sungit niya.

"Ara." Sabi ulit ni thomas.

"Yes?" Medyo bubbly na pagkasabi ko.

"Victonara Galang, I'm breaking up with you." Sabi ni Thomas.

Haha etong si thomas naman binuo pa pangalan ko........ Pero biglang nagsink in sa utak ko yung sinabi ni Thomas saakin.

Slowly.... Nagsisink in. I'm. Breaking. Up. With. You.

"Tho- Thomas Torres, nagbibiro kaba?" Nauutal ako sa pagsabi ng pangalan niya.

"Ara, I tried my hardest and best para mapatagal pa ito pero hindi ko na kaya." Sabi niya.

"Aba EDI SANA SINABI MO NALANG KANINA PA HINDI YUNG NAGREADY READY KAPA DYAN NA PARANG MAGPIPICNIC TAYO TAPOS HIHIWALAYAN MO LANG PALA AKO!" Pasigaw at galit na sabi ko sakanya at pagkatapos nun ay tumakbo nako.

Ang sakit, sobrang sakit. Makapagmoved on pa kaya ako? I'm so attached with thomas. Hindi ko alam kung bakit kami pinaghihiwalay ng tadhana.

SeveranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon