WALANG SUGAT ni SEVERINO REYES

2.1K 19 3
                                    

WALANG SUGAT

(Ni Severino Reyes)

Unang Bahagi

I TAGPO

(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro    :           Ang karayom kung iduro

Ang daliri’y natitibo,

Kapag namali ng duro

Burda nama’y lumiliko

Julia    :          Anong dikit, anong inam

Ng panyong binuburdahan,

Tatlong letrang nag-agapay

Na kay Tenyong na pangalan.

Koro    :           Ang karayom kung itirik

tumutimo hanggang dibdib.

Julia    :           Piyesta niya’y kung sumipot

Pannyong ito’y iaabot,

Kalakip ang puso’t loob,

Ng kaniyang tunay na lingkod.

            Si Tenyong ay mabibighani

Sa dikit ng pagkagawa

Mga kulay na sutla,

Asul, puti at pula.

Panyo’t dito ka sa dibdib,

Sabihin sa aking ibig

Na ako’y nagpapahatid

Isang matunog na halik.

Koro    :          Ang karayom kung iduro

Ang daliri’y natitibo.

Hoy tingnan ninyo si Julia

Pati panyo’y sinisinta,

Kapag panyo ng ibig

Tinatapos ng pilit

Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyan:

Ang panyo pa’y sasamahan

Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig

Kapag namugad sa dibdib

Nalilimutan ang sakit

Tuwa ang gumugiit.

Mga irog natin naman

Sila’y pawang paghandugan

Mga panyong mainam

Iburda ang kanilang pangalan.

Julia    :          Piyesta niya’y kung sumipot

Panyong ito’y iaabot

Kalakip ang puso’t loob

Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro    :           Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyan

Ang panyo pa’y sasamahan

Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia    :           Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.

(Papasok ang magkasisikanta). (Lalabas si Tenyong).

WALANG SUGAT ni SEVERINO REYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon