Unang Kabanata: Chill

180 12 9
                                    

Thunder's POV


Padabog akong pumunta kung nasaan yung mga iba kong kaibigan na sina Luhan, Kyungsoo, at Baekhyun.


Pero bago niyo basahin yung susunod kong sasabihin at gagawin, magkwekwento muna ako tungkol sa mga binabae kong kaibigan.


Una sa lahat, si Luhan. Si Luhan yung pinakamabait sakanila, actually. Wow, napapa-english ako nang hindi oras dito, ah? Anyways, oo, mabait naman silang lahat pero si Luhan talaga yung pinaka. Siya yung mukhang babae sa kanilang tatlo. Maraming nanliligaw sakanya, mapa-babae man o lalaki, pero ni isa wala siyang sinagot kasi nga and I quote, "Wala akong sinasagot kasi hindi ko sila type at iisa lang ang sinisigaw ng puso ko, at alam kong alam niyo na kung sino yun". Oh di ba, kabisado ko? Lagi niya kasing sinasabi yan saamin kapag tinatanong namin kung bakit wala pa siyang sinasagot sa mga manliligaw niya. Ehem, tama na physical. Yung ugali naman. Oo, aaminin ko na mataray si Luhan, pero inilulugar niya naman. Mabait, matalino, madaldal din. Siya rin palagi yung una kong sinasabihan ng mga problema ko.


Pangalawa, si Kyungsoo. Si Kyungsoo yung pinakamataray sa kanilang tatlo. Mabait din siya, syempre. Matalino, magaling magluto, at madalas ay nagseseryoso sa mga bagay bagay. Napaka-unpredictable netong taong to kasi minsan, bigla nalang siya tatawa kasi may naalala raw siya tapos maya maya ay makikita mo nang nakakunot ang noo.


Pangatlo at lalong hindi pa huli dahil marami pa kong ipapakilala galing sa tropa ko sa susunod na chapters, si Baekhyun. Si Baekhyun, hmm.. player. Oo, player yang hinayupak na yan. Wala siyang sineseryoso sa mga nanliligaw at mga sinasagot niya. Ni isa, wala! Pero may secret admirer yan, wag kayo. Pero hanggang ngayon ay hindi niya pa alam kung sino. Kaya nga secret eh. Tanga lang? Anyways, mahilig si Baek mag-makeup, specifically eyeliner. Jusko, mawala na raw ang lahat sa mundo wag lang yung eyeliner collection niya -__- Mabait, matalino, maasahan, madaldal, mataray.


Yan na lang muna for now, tinatamad na ako magsalita.


"ALAM NIYO GUYS.. TANGINA. SIGURO NAMAN NAKITA NIYO YUNG NANGYARI KANINA ANO?! NAKAKALOKA! NAGUGULUHAN NA TALAGA AKO SA CHEN NA YAN EH, NAPAKABIPOLAR! MINSAN SWEET, MINSAN MASUNGIT, MINSAN NAKAKALERKEY! AYAN, NAHAHAWA NA KO SA GAY LINGO NIYO O KUNG ANUMAN TAWAG DON! PERO TAMA BA YUNG SPELLING KO?! WHO CARES!" bungad ko sa kanila. Tangina, nahahawa na talaga ako sa kadaldalan ni Baekhyun.


"Bes, umagang umaga high blood ka! Ang ingay ingay mo! Chill ka lang, okay?" medyo kalmang sambit sakin ni Kyungsoo.


"Opo, mananahimik na po. Sorry na, nadala lang naman ng feelings eh! Kayo talaga, hays." pagpapatawad ko kahit na labag sa kalooban ko.


"Oo nga! Diba Luhan?" pagsasang-ayon (na medyo late) ni Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo. Aba, kampihan daw ba? ;-;


"Luhan..?" tawag ni Baekhyun dahil wala siyang natanggap na sagot mula rito.


"Luhan."


"LUHAN!" sigaw ni Satansoo-- este, Kyungsoo. Patay ka Lowhen!


"AY PEMPEM MONG MALUWAG! Enebe?! Beket niye be eke teneteweg?! Kitang may ginagawa ako eh noh!" pabebeng sabi ni Luhan na may matching pout pa. PUTA YAK!

ang bespren kong troll | kim jongdae [discontinued]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon