Losing you, kills me

47 0 0
                                    

At first, I thought it was easy to be one of the sophomore representatives para sa team building this year.

Clearly, I'm wrong. 10:27 PM na ang oras sa phone ko and we need to get ready before 5:00 AM tomorrow.

Kaso, dahil masyadong excited si ako may mga requirements pa ang hindi ko natatapos (ako pa kasi ang ginawang leader eh) para makasama ang mga sophomores sa team building. Kamalas-malasan pa, deadline nito bukas and I need to submit it before the event start.

6 freaking papers pa ang kailangang fill-up-an, take note puro explanations pa ang kailangan. Pagkatapos naman basahin 'to sa program, diretso na sa basurahan.

Dito na lang ako sa living room gagawa. Umupo ako sa carpet then I scattered these papers on the center table.

I placed my hands on my hip and let out a heavy sigh, nakakastress! (soon, depression naman ang problema ko.)

Pipindutin ko na sana ang ballpen (blue pen ang pinaka ayaw ko sa lahat but I had no choice because hiniram ko lang 'to, mag iinarte pa ba ako?) so that I can start to work when suddenly I heard footsteps na I think pababa sa hagdan.

Isang ilaw na lang ang nakabukas dito sa living room kaya I have the right kung sasabihin kong nagkaroon ako ng mini heart attack dahil sa tunog na 'yon (in fairness, ang bigat ng paa niya. Wait! Anong fair don?)

I'm aware na tulog na silang lahat sa taas (umakyat ako kanina then I heard someone's snore inside the senior's room, partida kahoy na pinto ang pagitan namin so that must be a loud one) dala na rin ng pagod sa paglilinis kanina sa farm.

Masyado akong naging busy sa pakikipag-usap sa sarili ko kaya little did I know na si Waltermart ay kanina pa pala kaway nang kaway sa harapan ko.

Hay... me and my thoughts.

"Hoy! Hoy! Hoy! Earth to Laurelie!" I shook my head para bumalik na ang sarili ko sa reyalidad.

"H-Hoy ka rin! Ay! Hey Walter," I waved my hand in front of him na parang first time lang namin magkita at may pa-shy effect pa ako. (Mukha akong tanga, really.)

"Gising ka pa pala, and daming papers na nakakalat and one thing, hindi ka pa ba tapos sa requirements ni Sir Tedosio?" he commented while his eyes fixed on papers.

Ang weird naman niya. Kanina lang energized siya sa pagbati sa akin tapos ngayon? Wow, quick change.

For the second time, I got a mini heart attack when he looked up at me and our eyes locked for like 2 seconds.

Una ko nang iniwas ang nga mata ko. Mahirap na.

"Ah, ayan ba? Obvious. Hindi pa, kasi sobrang dami kasi and ang tagal kong mag-isip kaya 4 papers pa lang ang natatapos ko," nabigla ako sa sudden change ng boses ko. Bakit ang bilis ko atang magsalita ngayon? Nahawa na ba ako sa kamay kong nagmamadali sa pagsusulat ang bibig ko kaya ganun? (Unfortunately, mabagal pa rin ang utak ko.)

"Alam mo naman pala, ang bagal-bagal mong mag-isip kaya tayong grade 8 na lang ang hindi pa nakakapagpasa niyan," aray, ang sakit naman nito magsalita. Pagod din naman ako ha.

I surrendered, "Pagod na rin talaga ako, sobra. Look, kanina pa ako isip nang isip ng mga bagay na kailangan bukas pero ni-isa sa inyo wala man lang suggestion." Frustrated na rin ako kaya inihiga ko muna ang ulo ko sa table facing my right side. (Wow, ang ganda ng view. Unfinished papers. Kaloka.) Napabuntong hininga ako kasi I'm stupid. Nadaganan ko ang mga papel.

Dali-dali kong inangat ang ulo ko at chineck ang mga nakakapanlumong papel na 'to. Gladly, wala namang nalukot. (Sensitive kasi si Sir T, arte non! Dapat daw wala siyang makikitang lukot. Hinayupak.)

AnecdotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon