"Aaahh! Stupid!" boses ng lalake yun ah.
"So-sorry.. Di ko si- di ko sinasadya" base sa naririnig ko, mukhang maiiyak na yung babae.'Teka! sino ba yun?'
I immediately opened my eyes and sa kinalulugaran ko ngayon kitang-kita ko kung anong nangyayare sa corridor na malapit lang din dito.
"Sorry? Nakakain ba yan?! " mukhang nagkabanggaan ata sila habang kumakain ng ice cream yung babae. Namantsahan yung uniform nung lalake eh.
"Sorry.. ka-kasalan k-ko to." nagpipigil siya ng iyak.
"Alangan namang kasalanan ko! Are you kidding me!? Tanga ka kasi. Ang laki mong tanga."
Dahil sa sinabi nyang yun, tuluyan na ngang umiyak yung babae. Kawawa naman, pati mga students na dumadaan napapahinto.
"Eat that!" poker face lang yung lalake. Tinuturo yung nahulog na ice cream sa kinatatayuan nila.
"Pa-Paano.."
"Dilaan mo" What the? fvck this guy.
Sa sobrang takot na siguro nung babae lumuhod siya.
'Gagawin niya nga?'Di ko na makita yung scenario kasi nagkumpulan na yung mga studyante at pumalibot na sakanila.
"Ang sama mong lalake ka" I whispered. Tumalon ako mula sa puno at tumungo kung saan ang mga studyante ay nakapalibot.
Hinawi ko yung mga nakaharang para makapunta ako sa gitna.
"Wag mong gagawin yan!" Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Pati tong kawawang babae na konti nalang madidikit na yung mukha nya sa ice cream.
"At ikaw lalake!!" tinuro ko siya. At Aba! Poker face huh? Hmm. *evil smile*
"Alam mo bang sa ginagawa mo nagmumukha ko lang lampa? Teka! Bading ka ba?"
Namula siya sa sinabi ko at konting- konti nalang magdidikit na yung kilay niya sa galit. HAHA."Bat ka ba nangingialam?! Who do you think you are?" Di parin nagbabago yung expression nya. Hahaha. Tigre.
"Wala ka na dun. Nakikipag-away ka sa babae? Nakakabakla yan eh."
Pinatayo ko naman yung babae tapos pinulot ko yung mga gamit niya.
"Ok ka lang ba?"
"O-ok lang ako. Sa-salamat." Ngumiti siya ng bahagya.
"Hindi pa tayo tapos..pagsisisihan mo to *smirk*" Yun yung huling sinabi niya bago siya umalis.
"Kayo! Anong tinitingin-tingin niyo jaan?!" Ginamitan ko sila ng mahiwagang death glare ko and effective naman kasi umalis na yung mga usisero/usiserang mga nandito kanina."Salamat talaga" she smiled at me.
"Wala yun. Sa susunod na may gumanyan ulit sayo, matuto kang lumaban." I gave her an encouraging smile bago ko naglakad paalis.
Kung may binabalak man gawin sakin yung lalakeng yun like what he said a while ago, Pwe! Di ako takot.Nek nek niya.