Kabanata 1

30 0 0
                                    

HEIYANA'S POINT OF VIEW

"Yana," tawag sa'kin ng Exeriel. Napatingin ako sa direksyon niya. Nakatitig lamang siya sa akin at gano'n din ako sa kanya. Iniwas ko na lang ang mga mata ko sa kanya sabay nagsalita, "Bakit?"

Pilit kong umiwas sa mga tingin niya pero makulit ang mga mata ko at tingin ng tingin 'to sa kanya. Tila'y nanigas na 'to sa mga paningin niya. Napabuntong hininga na lamang siya sabay sabi ng, "Pinapatawag ka ni Ma'am Marasigan. Sa office ka daw niya dumiretso at may sasabihin siya sa'yo."

Tumango ako sa kanya bilang tugon sa mga sinabi niya at tumayo na din ako para pagtakda na pupunta na ako sa opisina ni Ma'am Marasigan. Maglalakad na sana ako papalayo ng makaramdam ako ng paghawak ni Exeriel sa braso ko. Natigilan ako sa paglalakad at napatingin muli ako sa kanya.

"May hihilingin lang sana akong pabor sa'yo Yana. Pwede bang mag-usap tayo mamaya pagkatapos niyong mag-usap ni Ma'am Marasigan? Wala naman klase mamaya. Sa rooftop na lang, aasahan kita do'n," sabi niya tsaka tuluyang bumitaw sa pagkakahawak sa'kin.

Natigilan ako sa sinabi niya pero mga ilang segundo din naman ay napabalik ako sa aking ulirat, ayokong gawing issue 'yon. Kakausapin niya lang naman ako, 'di ba? Naglakad na ako papuntang opisina ni Ma'am Marasigan dahil baka naiinip na 'yon kakahintay sa'kin.

Nang makarating na ako sa opisina ni Ma'am Marasigan ay kumatok muna ako sa may opisina senyales na ako'y papasok. Si Ma'am Marasigan ang principal at pansamantalang namumuno dito sa Fame-Yeol University. Wala kasi ang may-ari dito dahil palipat-lipat 'to ng bansa na pinupuntahan kaya bihira lang siyang makabisita dito sa paaralan.

"Pasok," narinig kong sabi ni Ma'am Marasigan. Binuksan ko na ang pintuan at binungad siya ng matamis kong mga ngiti. "Magandang Araw po Ma'am Marasigan. Nakarating po sa akin ang pagtawag niyo mula kay Exeriel. May kailangan po ba kayo mula sa'kin?" pormal kong tanong.

Tumango siya at, "Bilang Student Council President, ikaw Yana. Ay pahihintulutan kong ayusin at mamuno sa darating na kasiyahan sa susunod na buwan. Inaasahan kong mabibighani at magagandahan ako, ang mga bisita pati na din ang may-ari nitong unibersidad sa gagawin mo. Huwag kang mag-alala, hindi ka na muna papasok sa mga klase mo at may additional points 'to sa academic at co-curricular activities mo. Pumapayag ka ba?"

"Tama po ba ang narinig ko? Paparito po ang may-ari?" tanong ko muli. Tumango siya bilang sagot. Napabuntong hininga na lang ako, "Pag-iisipan ko po muna kung kakayanin ng schedule ko. May trabaho po kasi ako tuwing hapon," sabi ko.

Napangisi naman si Ma'am Marasigan na pinagtaka ko, "Huwag ka na muna na magtrabaho. Kapag ikaw ang namahala ng darating na celebration ay may kikitain kang tatlong libo sa isang araw. Parte mo na din 'yon dahil siguradong mahihirapan ka sa gagawin mo," paliwanag niya.

Napatango-tango na lang ako dahil mukhang interesado ang offer ni Ma'am Marasigan sa'kin. Hindi na masama ang tatlong libo sa pang-araw-araw kong pagkain, baon, pambayad sa kailangan kong bayarin. Tatlong libo sa isang araw, eh ang sweldo ko lang ay isang libo sa restaurant na pinagtra-trabuhan ko. Hindi na masama.

"Sige po, pumapayag po ako," pagsang-ayon ko sa offer niya. Napangiti naman si Ma'am Marasigan, "Sige, bukas na bukas ay maaari mo ng simulan ang gagawin mo," sabi niya. Tumango na lang ako tsaka lumabas ng opisina ni Ma'am Marasigan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako mahihirapan sa gabi, tatawagan ko na lang ang manager ko at ipapaliwanag sa kanya 'yung mga gagawin ko. Ayoko naman na um-absent lang ng walang dahilan. Nakakahiya naman 'yon.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Exeriel, kailangan ko pa palang pumunta sa rooftop dahil mag-uusap daw kami. Agad-agad akong dumiretso sa rooftop at sa inaasahan ko nga, nando'n siya at nakaupo sa isang bench do'n. Nilapitan ko siya at nginitian ng kaunti. Umupo na din ako sa inuupuan niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti din. "May sasabihin ka ba? Ano'ng kailangan mo?" tanong ko na agad. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa.

"Kamusta ka na Yana?" pag-iiba niya ng usapan. Hindi ko na lang 'yon pinansin at sa halip ay tinanong ko muli siya, "Exeriel. 'Wag mong baguhin ang usapan," sabi ko. Napabuntong hininga na lang siya at sumagot na din.

"Patawarin mo'ko Yana. 'Yung ginawa ko no'ng nakaraang dalawang taon, hindi ko sinasadya. Sana naman ngayon, hayaan mo akong sabihin ang parte ko. Magpapaliwanag ako," puno ni sinseridad na sabi niya. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

"Hindi ko 'yon sinasadya. Ang mga nakita mo no'n, planado pala lahat 'yon ni Papa. Sinadya niyang papuntahin si Dione no'ng araw na 'yon. No'ng hinalikan niya ako, utos din 'yon ni Papa para maghiwalay tayo. Aaminin ko, hindi nagustuhan ni Papa tungkol sa naging relasyon nating dalawa. Patawarin mo'ko Yana," sabi niya. Tinitigan ko siyang mabuti.

"Matagal na kitang pinatawad at matagal ko na din 'yon na kinalimutan. Isa na lang 'yong mga ala-ala ng nakaraan."

"Pero para sa'kin, hindi lang 'yon basta-bastang ala-ala. Mahalaga sa'kin 'yon Yana, sobrang mahalaga. Nakakalungkot man isipin na para sa'yo ay wala na lang 'yon, masakit Yana," sabi niya. Nalungkot ako bigla, 'yon ba ang tingin niya sa'kin? Na basta-basta na lang ako nakakamove-on. Mali siya, maling-mali.

Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa din siya at isinasabuhay ko pa din ang mga ala-ala namin. "Mali ka ng iniisip Exeriel," mahina kong sabi. Napatingin naman siya sa'kin at, "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Mahalaga sa'kin ang mga ala-ala ng nakaraan, pilit kong binaon ang malulungkot at mapapait at hanggang ngayon ay isinasapuso ko pa din ang mga masasaya nating araw na magkasama tayo. Alam mo bang mahirap kang kalimutan?" litanya ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at tila'y hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Ibig sabihin ba nito, mahal mo pa din ako?" masiglang tanong niya. May kaunting pagning-ning ang aking nahahagilap sa mga mata niya. Nginitian ko siya sabay sabing, "Hindi ka naman nawaglit sa puso't isipan ko. Palagi ka namang may parte sa puso ko, Exeriel."

Napangiti na siya ng sobrang laki. Mapapansin mo din na umabot hanggang mata ang mga ngiting 'yon. Makita ko lang siyang masaya ay masaya na din ako. "Ibig ba sabihin nito. Parehas tayo ng nararamdaman? Na maaari na tayong magsimula ng panibagong yugto ng pagmamahalan natin?" tanong niya.

Natigilan naman ako. Maraming katanungan ang pumasok sa aking isipan. Kaya ko pa ba? Kaya ko pa bang masaktan muli, walang karamay at mag-isa? Kaya ko ba muling magtiwala? Kaya ko pa bang magmahal at ibigay sa kanya ang buong puso ko? Kaya ko bang ipagtiwala ang lahat-lahat para sa kanya? Kaya ko bang magsakripisyo?

Hindi ko alam. Ang mga katanungan na naiisip ko ay hindi ko kayang sagutin. Mahirap. Minsan ko ng naisipan na hindi na umibig muli pero hindi pala natuturuan ang puso at nararamdaman mo. Na kapag mahal mo pa siya, mahal mo pa. Mahirap makalimot, magtiwala, magmahal at masaktan.

Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti, "Pasensya ka na Exeriel, oo nga't mahal pa din kita kahit dalawang taon na ang nakalipas. At hindi 'yon nagbago, pero sana ay maintindihan mo na hindi pa ako handa."

Napansin kong nanlumo agad siyang bigla, hindi ko sinasadya. Minsan na akong nasaktan ng sobra, ayoko ng muling magpakatanga sa mga bagay na padalos-dalos kong pinag-isipan. Masasabing kong may ibang parte sa akin ang nagbago, nag-iba na ako. Hindi na ako 'yung tipong isip bata kung gumawa ng bagay-bagay.

Dahil sa mga nangyari sa'kin noon, natuto ako ng maraming bagay. Kaya ngayon, pag-iisipan ko muna ang mga sinasabi niya sa akin. Gusto kong patunayan niya na totoo lahat 'yon.


"Naiintindihan ko Yana, ayos lang sa'kin. Mahal kita Yana, mahal na mahal. Kaya sana'y hindi mo 'yon pagdudahan. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa'yo, nasaktan din ako no'ng naghiwalay tayo. Ipaparamdam ko muli sa'yo ang pagmamahal ko na hindi mo naramdaman no'ng panahon na tayo pa. Maghihintay akong mabuksan mo muli ang puso mo sa'kin. Kahit gaanong katagal pa 'yan," sabi niya. 


Sana nga't mahintay mo ako, Exeriel. Sana.




*****
Note:
Character's Name & Their Pronounciation
1. Heiyana Shione Takashima = Ha-ya-na Sha-yown Ta-ka-shi-ma
2. Hanzer Blaze Park = Han-zer Bleyz Park
3. Exeriel Kim = Ak-ser-yel Kim
4. Ashielle Dione Navarro = A-sha-yel Da-yown Na-var-ro

Dared to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon