HEIYANA'S POV
"Yana, sa tingin ko mas maganda kung by section na lang ang may gagawin na activity. Parang hindi kasi maganda kung lahat-lahat eh. Parang wala ng thrill," sabi ni Vanessa. Si Vanessa ang Vice President dito, siya din ang katulong ko sa pag-aayos para sa magaganap na celebration sa susunod na buwan.
Malapit na din na matapos ang buwan na 'to, kaya hapit na kami ngayon. Wala din na pasok ngayon ang mga estudyante dahil magpla-plano na kami ng Student Council para do'n. Kaya kami lang ang pumasok.
"Tama, mas maganda 'yon! Tatlong araw 'yon 'di ba? Kung sa unang araw ay mga pagalingan sa mga gagawin na activity by section. Pagkatapos, sa ikalawang araw naman ay mga palaro at pataasan ng score ng section. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagbibigay ng premyo at may contest pa. 'Di ba, mas maganda?" suhestiyon naman ni Harold. Siya naman ang sekretarya.
Tumango-tango ako kasi maganda 'yung naiisip niya. "Tsaka simula na naman ngayon ang walang klase at pag-aayos para sa festival 'di ba? Mas maganda 'yon," dagdag pa niya muli. Nakita ko naman na tumango-tango din 'yung ibang miyembro ng SC. Sa palagay ko ay magandang idea 'yon.
"Sige. Payag ako. Sa unang araw, do'n ang mga activity kung saan pataasan ng makakuha ng costumers. Ibig sabihin, 'yon ay katulad ng mga cafe, horror house o kung ano man 'yan. Basta ang motibo ay ang pagkakaroon ng maraming costumers, magandang halimbawa na din 'yon kung paano ka makipag-usap sa ibang tao. Pati na din kung paano ka kikita sa pamamagitan ng pangungumpanya. Bahala na ang mga section kung ano ang pipiliin nila, depende na 'yon sa President ng bawat section. Sila na 'yung pipili pero bawal ang may kahalintulad. Ang makakuha ng maraming costumer ay magkakaroon ng premyo. Mas maganda na din kung may additional 3 points sila sa co-curricular. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa Principal at Dean," mahabang litanya ko.
"Oo, maganda nga 'yan. Sino ang mamamahala sa ikalawang araw? Si Yana na lang sa unang araw dahil maganda 'yung suggestion niya. Si Harold na lang kasi varsity siya, 'di ba?" sabi ni Vanessa. Tahimik at nakikinig lang ang iba, pati ako.
"Sige, ako na ang bahala. Ganito na lang, by section ay magkakaroon ng mga malalaro. 'Di ba kasama na ang intramurals sa festival na 'to? Kailangan ay tayo ang mamimili kung sino ang maglalaro. Ako na 'yung gagawa no'n pati si Kenji, tutal ay pareho kaming varsity dito. Plano ko sana na bawat section ay may kulay, at kami na din ang gagawa no'n. 'Wag kayong mag-alala, bukas ay may ipapasa na kami kahit kalahati sa inyo. Kilala naman namin ang mga players at may potensiyal. Makakaasa kayo sa amin," sabi naman ni Harold. Ngumiti ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Sige, ako na ang bahala sa ikatlong araw naman, ako na ang bahala do'n. Tungkol sa premyo, additional 3 hanggang 5 points sa co-corricular. Hindi na 'yon masama, alam kong si Yana na ang bahala do'n dahil malapit ang loob niya sa mga guro. Alam kong kaya niya ng ipaliwanag 'yon. Bale sa magaganap na contest ay parang beauty contest na. Pwede naman 'yon 'di ba?" sabi ni Vanessa. Umiling ako at kumunot ang noo niya.
"Kailangan din naman natin na isipin ang bawat estudyante. Alam kong mahihirapan sila sa una at ikalawang araw dahil mahirap ang mga gagawin nila. 'Wag na natin isama ang ikatlong araw, baguhin na lang natin 'yon. Sa tingin ko, mas maganda kung isa na lang 'yon na fireworks display at kasiyahan ng mga estudyante. Araw na din 'yon ng pahinga sa'ten. Ano ang sa palagay niyo?" suhestiyon ko. Ngumiti naman si Vanessa.
"Maganda nga 'yon. At least ay hindi na ako mahihirapan sa pag-oorganisa ng lugar. Ako na ang bahala sa venue, kaya na namin 'yon pagandahin nila Veronica, Yvonne at Francheska. Maganda 'yung idea mo," ani Vanessa at pumalakpak pa.
"Pero ano'ng kasiyahan ba 'yon?" tanong ni Yvonne. "Parang prom ang style, kailangan nakasuot ng casual na damit. Parang party, gano'n. Alam ko naman na magaling kayo sa mga gano'ng bagay," pagmamalaki ko.